MISUNDERSTANDING IS POISONOUS

117 16 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nagmadali akong pumunta sa banyo para lang makatakas kay Sir. Khael.

Nang makarating ako sa banyo ay agad akong lumapit sa sink. Tinuon ko ang dalawa kong palad doon at naghabol ng hininga.

Nakakapagod pala ang tumakbo ng sobrang bilis.








(Creaking door sound)





Dahan dahan akong lumingon sa may pintuan ng banyo ng marinig ko na magbukas yon. Sa paglingon ko doon ay syang muling pagtibok ng puso ko sa mabilis na paraan dahil...

Dahil nakita ko na si Sir. Khael ang pumasok ng banyo.



Nanlake ang mata ko sa gulat at binalot ng kaba. Kasi bakit sumunod pa dito sa akin si Sir. Khael!? Gusto nya ba talagang ituloy namin ang bagay na yon, pero ayoko!

Akala ko lang naman lollipop na candy ang ibibigay nya at hindi ang lollipop sa pagitan ng hita nya!



"S-Sir. Khael..." I uttered those words with difficultly as my heart kept on pounding hard against my chest.


Ang mga mata ni Sir. Khael ay iginala nya sa kabuuan ko. Tiningnan nya ako mula ulo ko hanggang paa at nakaramdam ako ng kaunting kilabot sa ginawa nya.


"Ash..."




"B-Bakit Sir. Khael?"




"Undergarments lang ba ang suot mo sa ilalim ng shirt ko?" Sir. Khael said and that somehow made me stop.

Tinitigan ko si Sir. Khael, kinikilatis kung ano nga ba ang tunay nyang pakay kung bakit nya ako sinundan dito.


"Uhm...oo, sir. Khael---"






"WHAT!?" malakas na sigaw nito na parang nagulat sya sa naging sagot ko. Sunod ay nag crossed arms ito at pinagsalubungan ako ng kilay, "Bakit hindi mo agad sinabi!? Alam mo ang dami-daming empleyado dito sa kompanya ko! Gusto mo bang mabastos ka!?"

Nag pout ako dahil sinisigawan na naman ako ni Sir. Khael at nag crossed arms, "Sir. Khael! Mahaba naman ang shirt mo, hindi naman ako masisilipan dito!" Mataray na sagot ko sa kanya.





"Kahit na Ash! Babastusin ka pa din ng mga lalake kapag nakita ka nila na ganyan! At baka makasapak ako kapag ginawa nila sayo ang bagay na yon!" Sir. Khael shouted at me.


Pero hindi ko nagawang magalit sa ginawa nyang sigaw...







Tinitigan ko si Sir. Khael na nakatayo sa pintuan ng banyo at nakatingin sa akin ng masama. Alam kong galit sya, pero sa kabila ng galit na yon ay alam kong gusto lang nya akong protektahan.

At napaka buting tao ng boss ko.

Kaya bakit pinagdududahan ni kuya na sya si Poseidon? Napaka imposible na ang taong to ang nagbabanta sa buhay naming lahat.

Napaka imposible non...





"Ashley, stay there. Kukuha lang ako ng short na pwedeng magkasya sayo." Sir. Khael said and turn around. Hindi ko na nagawang magsalita, at tinitigan ko nalang ang boss ko na maglakad palayo.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now