ZION'S POV
O. O
Tinitigan ko ang lalakeng nasa mga braso ni Ashley.
Hindi ko mapigilang manlake ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na kasama pala ang asawa nito dito. Nasabi sa akin ni Dite na pumunta ko dito para sumali sa outing nila, sinabi din nya na hindi kasama si Geoff pero...
Hindi nya nabanggit sa akin na kasama pala ang Ethan na to.
"Zion! Nakarating ka!" Malakas na sigaw ni Dite at kumawala kay Adrian.
Nagmadali itong tumakbo palapit sa akin at yumakap.
Ang buong atensyon ko ay nakay Ashley at Ethan lang. Si Ethan ay nag crossed arms habang mayabang akong tinataasan ng ulo.
"Zion bakit ka nandito?" Ashley asked me.
"Ash, ininvite ko si Zion hehe." Sagot sa kanya ni Dite at hindi naman nakapag reklamo ang mga taong to kaya napangiti ako.
"Ash, gusto mo bang sumama? Pupunta kami ni Dite sa disco beach party ng resort na to." Yaya ko sa kanya.
Mabilis namang pumuso ang mata ni Ashley at akmang tatakbo na palapit sa akin pero hinawakan sya ni Ethan sa braso.
Tsss.
ETHAN'S POV
Hinawakan ko si Ashley sa braso dahil tutol ako na pupunta sya sa party na yon kasama ang lalakeng yon. Sigurado akong cha chansingan lang naman ng isang to ang asawa ko.
"Kuya, sasama ko kay na Dite at Zion!" Pagmamakaawa sa akin ng asawa ko pero tinitigan ko lang sya dahil napaka tigas pa din ng ulo nya.
Then Adrian walked towards me, "Pasamahin mo na sya Ethan. Kasama naman ako, kung gusto mo ay sumama ka din."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Adrian. Kumawala sa akin si Ashley at tumakbo palapit kay Adrian tsaka yumakap sa braso nito.
"Adrian pilitin mo si Kuya!" -Ash
Dahil sa sinabi ni Ash ay tumingin sa akin ang kapatid ko, "Ethan. Pagbigyan mo na si Ashley."
Pagbigyan? Mukhang na i-spoiled na ni Adrian ng tuluyan ang babaeng to at binibigay nya lahat kay Ashley kagaya ng pag i-spoiled nya kay Dite.
Iba kami ng ugali ni Adrian sa paghahandle ng mga babae, kung si Adrian ay binibigay lahat lahat kay Dite pwes ako ay iba.
Ibinibigay ko din naman kay Ashley ang lahat pero may mga bagay na hindi ko kayang pahintulutan kagaya ng pagsama sama ni Ashley sa lalakeng yon.
"No kuya." Diretsyang sagot ko sa kanya.
"Tatakas ako!" -Ashley
O. O
Hinablot ko agad ang braso ni Ashley dahil sa sinabi nya. Talagang napaka tigas ng ulo, kung kailan tumanda na sya at tsaka pa sya nawalan ng bait.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...