ASHLEY'S POV
"Clint! Tingnan mo oh! Ginawa ka ni mommy ng kite hehe." Sabi ko kay Clint at inangat ang kite sa harapan nya.
Pinakita ko sa kanya yon pero naka pout si Clint at magkasalubong ang kilay habang nakatitig sa saranggola na alam kong galit pa din sya.
"Dati palipadin mo ang kite doon!" -Dillon
O. O
Tumingin ako sa direksyon nina kuya dahil narinig ko si Dillon doon.
At nakita ko na tumayo si kuya mula sa pagkakaupo, buhat buhat sa braso nya si Dillon. Hawak hawak ni Dillon ang kite na ginawa ni kuya.
Pinagmasdan ko si kuya na maglakad palayo. Nang makalayo sila ay yumuko si kuya para ibaba si Dillon sa lupa.
Kinuha ni kuya ang kite at pinahawakan kay Dillon ang isang stick kung saan doon nakatali ang kite.
"Hawakan mo lang yan, ok. Papalipadin ni Daddy ang Kite." Sabi ni kuya at nag nod si Dillon habang humahagikhik.
Ngumiti din si kuya na alam kong masaya sya na napapasaya nya si Dillon.
Sunod ay naglakad si kuya palayo kay Dillon hawak hawak ang kite. Nang maka distansya na sya sa anak namin ay inangat ni kuya ang dalawa nyang braso sa ere.
Seeing this scene in slow motion make my heart pound so hard.
Ang malamig na simoy ng hangin ay tumatama sa buhok ni kuya at marahan na sine sway ang buhok nitonga nasa unahan sa napaka gandang paraan.
Medyo madilim na sa paligid dahil bumababa na ang araw at mamaya ay magpapakita na ang buwan.
Nakatitig lamang ako sa kanila hanggang sa pakawalan na ni kuya ang kite.
Ang Kite ay sumama sa hangin at lumipad pataas, and looking at Dillon, nakita ko ang pamimilog ng mata nya habang nakikita ang kite na lumilipad sa hangin, pataas sa langit.
Natigilan ang anak ko na alam kong manghang mangha sya sa nangyari.
Pffft.
Cute.
"Mommy." -Clint
Lumingon ako kay Clint dahil narinig ko na tinawag nya ako. Sa paglingon ko ay nakita kong nakatayo na sya at hawak hawak ang kite.
"Mommy, palipadin mo din to." Sabi sa akin ni Clint kaya napahagikhik ako at mabilis na lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang pisnge nito at kiniss ng madiin ang pisnge nya.
"Hehe sige Clint." Sabi ko sa anak ko at tumayo. Hinawakan ko si Clint sa kamay at inakay sya palayo, nang makakuha kami ng vacant spot ay tsaka ko binitawan ang kamay ni Clint at kinuha ang Kite.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...