ASHLEY'S POV
Nasa salon kami ni Sir. Khael kasi pinapaayusan nya ako, isasama daw nya kasi ako sa party na pupuntahan nya.
Hindi ko na din nagawang makapag paalam kasi biglaan ang pag yayaya sa akin ni Sir. Khael.
Hindi ko din naman matanggihan ang boss ko kasi sobrang bait nya sa akin.
Ilan sandali pa ay tapos na akong ayusan ng mga staff dito sa salon. Pinagsuot nila ako ng black halter dress at platform high heels.
"Ma'am...hinihintay na po kayo ni Sir Khael sa labas." sabi sa akin ng staff kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag lakad papunta sa pintuan.
Lumabas ako ng kwarto. Iginala ko ang tingin ko sa labas at nakita si Sir. Khael na nakaupo sa upuan sa may lobby.
Nang oras na magkatagpo ang mga paningin namin ay nag shy smile ako sa kanya. Ang mga mata ni Sir. Khael ay namilog habang iginagala yon sa kabuuan ko.
Then he smile and stood up, naglakad sya palapit sa akin.
"Let's go?" Sir. Khael asked me. Ngumiti ako sa kanya at nag nod.
LEI'S POV
Nakaupo si Mr. President sa office table nya at kami ni Ryle ay nakatayo sa harap nya. Pinapakinggan ang mga nangyari sa kanya sa loob ng apat na taon na nawala sya sa amin.
Ngayon ay maliwanag na sa akin na nagka amnesia sya. Ngayon ay napapaisip ako kung ano na ang mangyayari sa kanila ni Mrs. Ashley.
Fiance na kasi ni Mrs. Ashley si Sir. Geoff at saksi ako kung gaano nila minahal ni Mrs. Ashley ang isa't isa.
"Mr. President." Mahinang bigkas ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at hinintay na mag salita ako. Alam kong wala akong karapatan itanong to pero, hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na at minsan na syang nabaliw sa asawa nya.
"May balak po ba kayong...ayusin ang pamilya nyo kay Mrs. Ashley?" I asked him.
Tumingin sya sa akin, tahimik lang sya at tila ba wala syang balak na sagutin ang tanong ko. Pinamulahan ako ng mukha at pinagsisihan na natanong ko pa ang bagay na yon.
Lumalabas tuloy na parang napaka pakelamera ko naman masyado sa buhay nya.
"M-Mr. President pasensya na po, hindi nyo naman po kailangan sagutin ang tanong ko." Tarantang sabi ko pero imbis na magalit ay nginitian nya ako.
O////////O
At parang hindi ang presidente ang kaharap ko. Hindi sya ang dating presidenteng kilala ko. Dahil dapat ngayon ay tinititigan na nya ako ng masama at paalisin ako sa harapan nya pero ngayon ay nakangiti sya sa akin.
At habang tinititigan ko ang napaka gwapo nyang mukha habang pinapakita ang pamatay nyang ngiti ay nag babalikan lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko.
Na sa loob pala ng apat na taon na nawala sya ay hindi man lang nababawasan ang pagtingin ko sa kanya. Lalo lamang akong nahulog lalo na at bagay sa kanya ang beard at tan skin nya.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...