ETHAN'S POV
Tinitigan ko Zion dahil sa mga sinabi nya.
Panong nangyari na mamamatay si Talia? Samantalang buhay na buhay sya at nakakasama ko pa sa meeting?
"Pano mo nasabing matagal ng patay si Talia?" Tanong ko kay Zion. Tinaasan nya ako ng isang kilay, marahil ay napapaisip sya kung bakit interesado ako tungkol kay Talia.
"Kaibigan ng pamilya ko ang pamilya nina Khael. Alam ko ang nangyayari sa kanila. Bakit ba interesado ka?" -him
Hmm...
Kung ganun...
Tama ang hinala ko na may kakaiba kay Talia. Kung matagal ng patay si Talia Elacion, sino ang Talia na yon.
"Yeji!"
Ilan sandali pa ay dumating na si Noah. Lumabas ito ng mansyon at nagmamadaling lumapit kay Yeji.
Nang makarating sya sa tabi ni Yeji ay hinawakan nya to sa braso at hinatak papasok ng mansyon. Sa itsura nilang dalawa ay parang nagkasundo naman sila.
Habang hatak hatak ni Noah si Yeji papasok ay tinititigan kami ni Yeji. Nanlalake ang mga mata na parang nagulat sya
At nang oras na mawala sa paningin namin si Yeji at Noah ay muli akong naglakad. Tinahak ang pathway at dumiretso sa loob ng mansyon.
Nakasunod pa din sa akin si Zion.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa loob ng mansyon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto ng Mistress.
ZION'S POV
Dinala ako ni Ethan sa isang malaking kwarto at habang iginagala ko ang tingin ko sa paligid ay nakikita ko ang mga picture ni Ashley na naka hang sa pader.
At alam kong kwarto to ni Ashley.
Hanggang ngayon ay nagugulat pa din ako sa mga rebelasyon ni Ethan tungkol sa katauhan ni Ashley.
I mean, sino ang mag-aakala na ang iyaking si Ashley ay may pinamumunuang sandamakmak na tauhan?
"Come here." -Ethan
Tumingin ako kay Ethan, nakatayo sya sa gilid ng isang table. Dahil sa sinabi nya ay naglakad ako palapit sa kanya.
Nang oras na makalapit ako sa kanya ay pinagmasdan ko sya na buksan ang drawer ng table. May kinuha syang folder doon at ibinagsak sa table, sa mismong tapat ko.
Tiningnan ko si Ethan, tinitigan din nya ako. Blanko lang naman pero nakakatakot, para itong isang halimaw sa harapan ko.
"Wag mo kong tingnan. Yang folder ang tingnan mo."
Ang folder?
Kinuha ko ang folder kagaya ng sinabi nito. Binuksan yon at binasa ang mga nilalaman ng documents.
May dalawang cases dito ng homicide.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Roman d'amourAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...