HARRY FEELS OUT OF CONTROL

114 17 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nasa labas lang ako ng mall at nakatago sa isang poste. Natatakot kasi ako na baka mamaya ay makita ako dito nina Phoebe, Kit at Leo tapos dadalhin nila ako kay kuya!

Ayoko non!

Sigh.

Bakit ba hindi pa din nag rereply si Sir. Khael? Wala ba syang balak na tulungan ako!?

Plano kaya namin to! Bakit hinahayaan nya akong harapin ng mag-isa ang trouble na to!?

Kinuha ko muli ang phone ko sa bulsa ko at inangat yon sa harapan ko. Pumunta ako sa message para sana i-message ulit si Sir. Khael pero...

O. O

Natigilan ako ng makita kong ang message na sinent ko kay Sir. Khael ay...

Nasa thread namin ni Sir. Harry!?

Nanlake ang mata ko at tinitigan ng ayos ang phone ko. Kasi tang-ina magic!? Pano nangyari ang yon?


(Car horn)


Nawala ako sa pagkakatulala ko sa phone ko nang makarinig ko ng busina ng sasakyan mula sa harapan ko.

Itinaas ko ang tingin ko doon at nakita ang isang kotse na nagparked sa mismong tapat ko.

Tinitigan ko yon at ilan sandali pa ay nagbukas ang pintuan nito. Nang oras na makita ko kung sino ang taong lumabas sa kotse ay nanlake ang mga mata ko at kumabog ng malakas ang puso ko.

Dahil...

Si Sir. Harry na ang taong yon.





Shit.

Pumunta nga sya. Naku nakakahiya naman at naka-abala pa ako sa kanya. Bakit ba naman kasi sa number nya nag sent ang message ko?

Pinanood ko si Sir. Harry na maglakad palapit sa akin at hindi ko mapigilang pamuluhan ng mukha dahil sa hiya na nararamdaman ko.

Nang oras na makalapit na sya sa akin at tumayo sya ng tuwid sa harapan ko at nag crossed arms.

Nag shy smile naman ako sa kanya, "S-Sir. Harry hehe."

"Bakit mo ko pinapunta dito?" Medyo masungit na tanong nito kaya nag pout ako.

"Nagkamali lang ako ng---" naputol ang sasabihin ko ng makarinig ako ng sobrang lakas na tunog na pagharurot ng motor.

Sabay kaming lumingon ni Sir. Harry doon at hindi ko mapigilang manlake ang mga mata ko nang matanaw ko na motorbike ni kuya ang humaharurot papunta dito.

Nakasuot sya ng helmet at ekspertong nagpapalusot-lusot sa mga kotse.



Damn!



Sa sobrang takot na baka makita ako ni kuya dito ay hinawakan ko agad si Sir. Harry sa braso nya at hinatak ang matangkad na lalake papasok sa kotse nya.

Nang oras na makapasok kami sa kotse nya ay sinara ko muli ang pintuan at muling tumingin sa labas mula sa bintana.

Nakita ko ang motorbike ni kuya na lumagpas sa kotse ni Sir. Harry at dumiretso ito papasok sa loob ng gate ng mall.

Nakahinga ako ng maluwag kasi hindi nakita ni kuya na nandito ako.



"Anong kalokohan yon Ash? Ito ba ang trouble na tinutukoy mo!?" -Sir. Harry




BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now