ETHAN'S POV
Binuhat ko si Ashley sa braso ko at naglakad ako paahon sa dagat. Habang naglalakad ay tinititigan ko ang pulang-pulang nukha ni Ashley.
Siguro ay nahihiya pa din sya dahil sa public place na naman namin ginawa ang ganitong bagay.
Pero sinigurado ko namang walang tao dito tsaka napakadilim sa paligid, walang dahilan para mag-alala sya.
Ilang sandali pa ay nakaalis na kami ni Ashley sa dagat. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad papunta sa kotse nang makarating kami doon ay binuksan ko ang pintuan.
Akmang ipapasok ko na si Ashley sa loob ng kotse pero...
Yumakap ng mahigpit sa akin si Ashley at sinubsob ang mukha nya sa chest ko. Ayaw nyang bumitaw sa akin at maupo sa kotse kaya naman muli akong tumayo ng tuwid.
Nanatiling buhat-buhat ko si Ash sa braso ko.
Pinag-aralan ko ang reaksyon nya at habang natagal ay mas humihigpit pa ang pagkakayakap nya sa leeg ko.
"Ashley?"
"Ayokong umuwi kuya! Dito lang ako kasama mo!"
O. O
Shit.
Umiral na namam ang katigasan ng ulo ng isang to.
Tinitigan ko lang si Ashley at napapaisip kung anong pwede kong gawin para mapauwi sya. Hindi kasi pwedeng wala sya sa bahay mamayang umaga, baka magduda dina Adrian at hanapin ito.
Kung makikita din nila na ako ang kasama ni Ashley ay masisira ang plano namin.
"Ash, huwag matigas ang ulo---"
"Kuya please..."
At hindi ko nagawang pilitin pa si Ashley dahil...narinig ko ang paghikbi nito sa dibdib ko na alam kong umiiyak sya.
Talagang umiral na naman ang katigasan ng ulo ng babaeng to.
At mahirap sa akin na makitang iniiyakan ako ng babaeng to.
Sigh.
Nakaramdam ako ng kaunting pagsisise na nakipagkita pa ako kay Ashley pero sa kabila ng pag-sisiseng yon ay hindi ko din matatanggi na naging masaya din ako.
Na lahat ng pangamba at selos ko sa kanilang dalawa ni Khael ay napawi.
Hmm....
Yumuko ako at hinalikan sa itaas ng ulo nya ang naiyak kong asawa. Nakayakap lang sya sa akin at patuloy sa pag-iyak ko na alam ko kung gaano sya nahihirapan sa sitwasyon namin.
"Fine, you'll sleep in my place. Pero ibabalik kita sa bahay mamayang madaling araw bago magising ang mga tao don." I explained at her.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomantikAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...