HARRY'S POV
Umakyat ako ng hagdan at dumiretso sa kwarto ni Geoff. Hindi ko na kasi matiis na ganito kaming dalawa ng kapatid ko, kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat at...Kailangan kong humingi ng pasensya.
Nang makarating ako sa kwarto ni Geoff ay inangat ko ang kamay ko papunta sa doorknob.
Hinawakan ito at marahan na tinulak para buksan.
(Creaking door sound)
Ang tunog ng pintuan ay mas lalong nag pakaba pa sa akin. Nasundan ng katahimikan ang paligid nang igala ko ang tingin ko sa loob ng kwarto ni Geoff.
And I saw him, sitting on the bed. Pinupuluputan nya ng benda ang kamao nya at nakita ang napaka daming dugo sa sahig.
"Geoff!" Sa pag-aalala ay nagmadali akong humakbang palapit sa kanya pero natigilan nang itaas ni Geoff ang tingin nya sa akin.
"Umalis ka muna." -him
Ang boses nya ay kasing lamig ng buong kwarto at hindi yon masarap sa pakiramdam.
Tinitigan ko si Geoff sa mata, walang emosyon ang tingin nya na para bang walang kaluluwa ang taong tinititigan ko ngayon.
Just plain...
"Geoff. Mag usap tayo pakiusap." Mababa lamang ang boses ko, nagsusumamo na ayusin naming magkapatid ang gusot sa pagitan namin.
Tumayo si Geoff at naglakad papunta sa wine cabinet nya. Binuksan nya ang cabinet at kumuha ng alak tsaka binuksan yon. Habang binubuksan nya yon ay tumitig sya sa akin, "Tell me...Do you like her?"
Like her?
Si Ashley ang tinutukoy nya sa oras na to. Natahimik ako at hindi alam ang isasagot hanggang sa nakakuha ako ng lakas ng loob at iniling ang ulo ko. "Geoff hindi ganun yon---"
"I see. You don't like her, so you love her?" -Him
My heart skipped a beat. I became mute, couldn't utter a single word.
Narinig ko ang paghagikhik ni Geoff at kasunod noon ay ang tunog ng nabasag na alak sa sahig. Ibinato ni Geoff ang bote ng alak na hawak nya sa sahig at alam ko kung gaano sya kagalit sa akin.
"Pinagkatiwalaan kita Kuya!" Geoff shouted. His lips quivered and a sob threatened to choke off his voice. "Bakit kailangan mo kong traydurin ng ganito!? Bakit sa dinami dami kuya na pwede nating pagtalunan, bakit si Ashley pa!?"
"Geoff. Pakiusap, pakinggan mo muna ako." Mahinang bigkas ko dahil sinusubukan kong maging kalmado para sa kanya.
Ako ang nagkasala dito at masakit sa akin na makita na nagkakaganito ang anak ko.
"Wala ka ng kailangan pang sabihin kuya! Nakita ng dalawa kong mata kung paano mo ko traydurin!" He shouted.
Traydor?
"Geoff! Hindi kita tinraydor kahit kailan!"
"Alam mong mahal ko si Ashley, pero pinili mo pa din na mahalin sya! Ganyan ba ang matinong kapatid!?"
"GEOFF! WAG MONG KWESTYUNIN ANG PAGIGING KAPATID KO SAYO! HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG MGA SINAKRIPISYO KO PARA SUMAYA KA!" sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na kinaya!

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...