5 months later...
ETHAN'S POV
Bumaba ako ng kotse ko buhat-buhat si Dillon.
Si Clint ay inalalayan ko ding bumaba ng kotse. Hawak-hawak ko sya sa kamay nya.
First day of school kasi ni Clint.
Bumaba na din sa kotse nila sina Phoebe, Kit at Leo. Sila kasi ang magbabantay kay Clint buong oras na mag ka-klase ito. Wala pa akong tiwala sa paligid ko, kailangan kong protektahan ang anak ko sa banta ng kalaban.
Naglakad kaming dalawa ni Clint habang buhat-buhat ko si Dillon sa braso ko. Tinahak namin ang pathway papunta sa Kindergarten classroom kasama ang tatlong bodyguards.
Pero habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga advisers, mga parents at mga tao dito sa paligid. Medyo nakakaramdam ako ng ilang dahil ito ang unang beses na ihahatid ko ang anak ko sa school nya.
Pero bakit ba ganun sila makatingin?
Nakakailang.
"Daddy I'm scared."
Narinig kong sabi ni Dillon at itinigil ang paglalakad. Itinigil ko din ang paglalakad ko at yumuko ako para tingnan sya. Nakitang naka pout ito na parang iiyak ano mang oras.
Manang-mana talaga sya sa ina nya.
Pero hindi ko sya masisise, pinagtitinginan kami ng lahat dito na para bang mga dyos kami at ibinaba dito sa kalangitan.
Lumuhod ako sa harapan ni Clint at dinala ang isa kong kamay sa taas ng ulo nya tsaka pinat yon.
I smile at him.
"Gusto mo ba bantayan ka ni Daddy sa labas ng classroom mo?" I asked him.
Wala naman kasing problema sa akin kung babantayan ko sya. Half day lang si Clint at isa pa ay first day of school nya to, kaya alam kong manininbago sya.
Siguro sasamahan ko sya ng mga isang linggo at ang isang linggo ay sapat para masanay sya sa school. Alam kong sa susunod ay magkaka-kaibigan sya at hindi ko na sya kailangan bantayan.
Masasanay syang ang tatlong bodyguards nalang ang makakasama nya.
"You won't leave me?" Clint asked me.
Humagikhik ako sa sinabi nya at tumango. "Yeah, pwede mo kong laging silipin sa bintana. Hindi kami aalis nina Dillon at mga tito mo." I explained.
Then Clint showed his sweet smile.
"Ok daddy." He chuckled.
Tumayo na ako pagkatapos noon at naglakad na muli kami ni Clint papunta sa classroom nya. Nakasunod lang sa amin ang tatlong bodyguards nya.
Ilan sandali pa ay nakarating na kami sa classroom nya.
Nasa tapat kami ng pintuan at ayaw pa din ni Clint bumitaw sa kamay ko para pumasok sa classroom nya. Yumuko ako tumingin ulit kay Clint.
"Clint you need to go inside." I said.
Ginala muna ni Clint ang tingin nya sa loob ng classroom at humawak ng mahigpit sa akin. Nakatingin kasi sa kanya ang mga classmate nya.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...