ASHLEY'S POV
Nag check-in kami ni kuya sa isang hotel dahil ayaw nyang bumalik muna kami sa condo unit namin. Sabi nya kasi baka daw pag nalaman ni Sir. Khael na wala na ako sa resort ay sa condo unit nya ako puntahan.
Kaya ngayon ay nasa isang hotel kami nina kuya at nina Clint at Dillon.
Nag check in kami sa isang kwarto.
Nasa may kusina ako at nagluluto ng dinner namin nina kuya, Clint at Dillon.
Ang mag-aama ko ay nasa banyo. Pinapaliguan kasi ni kuya sina Clint at Dillon dahil nababad nga sa tubig dagat ang mga bata.
Habang nagluluto ako ay binabagabag ako ng isipan ko tungkol sa nangyari sa amin kaninang umaga. Para kasing umaatras na si kuya sa usapan naming dalawa na makipagrelasyon ako kay Sir. Khael dahil sa pagsama ko kay Sir. Khael sa beach.
Pero kasi kasalanan naman nya.
Nakikipag relasyon din sya kay Bianca. Lagi nyang sinasabi na wala syang relasyon sa kahit kaninong babae pero ang hirap paniwalaan.
Nahuhuli ko sya ng paulit-ulit tapos sasabihin nya wala lang yon.
Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya o hindi.
Sigh.
(Door slammed open)
Narinig kong nagbukas ang pintuan ng banyo kaya lumingon ako doon. Nakita ko si kuya, Clint at Dillon ang lumabas doon.
Buhat-buhat ni kuya ang dalawang bata sa braso nya at nakabalot sina Clint at Dillon ng towel.
Pinanood kong maglakad si kuya buhat-buhat ang dalawang bata at pumunta sila sa may kama. Nang makarating sila doon ay binagsak ni kuya ang katawan nya sa kama yakap yakap sina Clint at Dillon.
Kasunod na noon ay ang paghalakhak ng dalawa kong anak.
Tinitigan ko lang silang tatlo at hindi ko mapigilang mapangiti.
Ang sarap nilang panoodin na naghahalakhakan sa kama. Hindi ko alam kung kailan kami huling nakapag bonding apat, ang tagal na din siguro.
Masyado kaming naging busy ni kuya sa paghuli kay Poseidon.
Ni hindi ko alam na nawawalan na pala kami ng oras sa mga anak namin.
Pero bakit ganito?
Bakit habang tinititigan ko silang tatlo ay may sakit namumuo sa dibdib ko at kumakalat sa bawat sulok ng katawan ko?
Bakit nasasaktan akong makita ang senaryo na to?
Dahil ba natatakot akong hindi na muli mangyari ang bagay na nakikita ko ngayon?
Dahil nahuhulog na ako sa boss ko?
Hindi ko alam kung saan na ba talaga patungo ang relasyon namin ni kuya. Masyado ng komplikado sa akin ang lahat, hindi ko na alam kung gusto ko pa bang manatili kay kuya o bibitawan ko na sya.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansaAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...