ADRIAN'S POV
Nakatayo lang kaming tatlo nina Cane at Brix sa harap ng pintuan ng guest room.
Tahimik at walang gustong mag salita. Hindi kami makapaniwala sa mga nasaksihan namin.
Subukan man itago ni Ethan ang nararamdaman nya para kay Ashley ay nabibigo sya sa tuwing kasama na nya ito. Alam ko kung bakit sya nag kakaganito, buong buhay nya ay si Ashley lamang ang minahal nya. Kay Ashley lamang sya na baliw.
Marahil ay nakalimot ka nga kapatid ko, pero tandaan mo na kahit mawala ang ala-ala mo ay hindi marunong makalimot ang puso.
Kung sinabi mong hindi mo gustong bumalik sa nakaraan at gusto ko sa kasalukuyang buhay mo ay puro kasinungalingan lamang Ethan.
Dahil ito ang katotohanan.
Nag mamakaawa ang puso mo na bumalik sa babaeng minsan mo ng kinabaliwan.
"Adrian."
O. O
Sa gitna ng pananahimik namin nina Cane at Brix ay narinig ko ang boses ni Geoff. Sabay sabay namin tong nilingon.
Nakitang nag lalakad sya palapit sa pwesto namin na syang nakapag pakabog ng puso ko sa malakas na paraan.
"Shit." Cane whispered in the air. Kagaya ko ay nakakaramdam din sila ng kaba para sa pwedeng mangyari kung makikita ni Geoff ang loob ng kwarto.
Nang makarating na si Geoff sa harapan namin ay, "Nandyan ba si Ashley? Kanina ko pa kasi syang hinahanap at wala naman sya sa kwarto nya."
Tang ina.
Hindi agad gumana ang utak ko sa sinabi nya. Hindi ko pwedeng sabihin na nandito si Ashley dahil puro kalokohan ang ginagawa nila ni Ethan sa loob.
Pero anong i re reason ko!?
Ngayon ay nilagpasan na ako ni Geoff dahil hindi ko sya sinagot. Lumapit sya sa pintuan at akmang bubuksan na sana yon pero...
"Nandyan sina Yuni at Claude. Sige buksan mo." -Cane
Natigilan si Geoff sa pag tatangkang buksan ang pintuan at tumingin sa amin. Matapang na sinalo ni Cane ang tingin nito kahit punong puno ng kasinungalingan ang salitang binitawan nya.
Saludo ako sa katapangan ni Cane dahil kung ako ang gagawa noon ay hindi ko matitingnan ng diretso sa mata si Geoff.
Nakumbinsi naman ni Cane si Geoff kaya ngumiti ito sa amin, "Sige. Baka bumalik sya sa bangin. Pupuntahan ko muna don." He said and turned around.
Nag lakad na ito palayo. Tinitigan lang namin sya sa pag linsan nya at nang oras na mawala na ito sa paningin namin ay nakahinga ako ng maluwag.
"That was close." -Brix
"Yeah, right." -I
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomantikAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...