DEFEND

112 16 0
                                    

ETHAN'S POV

Nasa conference room ako ngayon kasama ang maligalig kong kapatid.

Katabi ko sina Cane, Brix at Claude na nakaupo sa sari-sarili nilang desk chair at pareho-pareho kaming apat na nakatitig ng masama sa CEO na nakatayo sa harapan namin.

Tinaasan kami ni Adrian ng kilay, "Huwag nyo akong tingnan ng masama!" Galit na sigaw nito sa amin.

Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na syang suntukin, nagtitimpi nga lamang ako dahil kapatid ko pa din ang isang to.

Pero putang ina, kanina ko pang hinahanap si Ashley. Baka nakita ko na ang isang yon kung hindi umepal ang panganay kong kapatid at pinapunta ako dito.

Asar!

Kailangan kong makagawa ng paraan para mahanap namin si Ashley. Kung hindi ay baka mapahamak ang isang yon!

"Sisimulan na natin ang meeting---" simula ni Adrian pero agad kong pinigilan yon dahil hindi pwedeng magsimula ang meeting na to.

Hindi ko kayang maupo lang dito buong oras habang nawawala ang asawa ko!


"Kuya..." tawag ko dito kaya tumingin sya sa akin. Hindi naman sya nagsalita kaya naman pinagpatuloy ko ang sinasabi ko, "Alam mo ba na."

"Na?" -Adrian

"Na nawawala si Ash." Sagot ko sa kanya, kasabay din noon ay tumahimik na sa bawat sulok ng conference room.

Nakita ko din na tumingin sa akin ang lahat ng tao dito sa, miski sina Claude, Cane at Brix ay tiningnan ako.

Wala akong ideya kung bakit ganun ang reaksyon nila pero pinilit kong umaktong normal. Nakaupo lang ako sa desk chair ko at nakatitig kay Adrian habang pinanlilisikan ako ng mata ng mga kasamahan namin.

Tahimik sa bawat sulok ng conference room maliban sa malakas na pagtibok ng puso ko. Nagwawala sya sa loob nh dibdib ko at kinakabahan ako sa susunod na mga mangyayari.


"Bakit mo naman nalaman ang bagay na yon?" -Adrian

Tinaasan pa ako nito ng isang kilay at ang binitawan nyang tanong ay may laman. Na para bang hinuhuli nya akong may namamagitan pa din sa amin ni Ashley.

Tang ina, delikado ang sitwasyon ko.



"M-Mom told me." I answered without pause and then spent long seconds looking down at my coffee on the table, searching for words to clarify my statement.

Pero nabigo akong makahanap pa ng mga kasunod na salita.



"Huwag mo sabihing kaya ka hindi nagpakita kaninang umaga sa kompanya ay dahil hinahanap mo si Ash?" Narinig kong sabi ni Claude na syang nakapag pabalisa pa sa akin.

Pero nanatili akong kalmado at umaktong normal dahil hindi nila pwedeng malaman na may relasyon pa talaga kami ni Ash.

Pagnagkataon ay mapipilitan akong sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit kami naghiwalay ni Ash at kapag mangyari yon ay hindi sila sasang-ayon sa plano ko.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now