ADRIAN'S POV
Nagpanting sa tenga ko ang mga binitawang salita ni Ethan.
Kasi tang ina! Gago ba sya para pigilan nya si Ashley na lumayo sa mga bata. Habang tumatagal ay lumalala si Ethan.
Oo nga at nasaktan sya ni Ashley pero wala syang karapatan na ilayo si Ash sa bata. Sumosobra na si Ethan at hindi ko mapapalagpas ang ginagawa nya.
"Ethan mag-usap tayo." Sabi ko rito pero ngumisi ito sa akin.
"Dedepensahan mo na naman ang babaeng yan?" Ethan chuckled and that made my eye dim.
"SI ASHLEY ANG INA NG BATANG YAN! HUWAG MONG ILAYO SA KANYA ANG BATA!" tumaas ang boses ko kay Ethan kasi tang ina nakakapikon sya.
Nagsalubong din ang kilay ni Ethan sa akin, "NUNG INILAYO BA NI ASHLEY SA AKIN ANG MGA ANAK KO NAISIP MO DIN BA ANG NARARAMDAMAN KO!? HINDI NAMAM DIBA DAHIL PALAGI NYONG INUUNAWA ANG BABAENG YAN KESA SAKIN!"
"NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO ETHAN!?"
Humakbang palapit sa amin si Ethan at binuhat si Clint at Dillon sa braso nya. Nang mabuhat nya ang dalawang bata ay muli nyang tinagpo ang mga mata ko, "Kuya, pinoprotektahan ko lang ang anak ko sa kalokohan ng babae na yan. Nakita mo ba ang mga ginawa nya, nakipagtanan sya kay Geoff at kanina muntik ng maaksidente sa construction site ang mga anak ko. Kaya sa tingin mo mapagkakatiwalaan ko pa ang babaeng yan pagdating sa anak ko?" Ethan said in a dead tone.
"Gago ka ba!? Mas pagkakatiwalaan mo pa ang jbang tao kesa kay Ashley pagdating sa mga bata samantalang apat na taon kang nawala at nabuhay ng ina nya ng mag-isa ang mga yan!?"
Dahil sa sinabi ko ay nagbago ang ekspresyon ni Ethan. Nagsalubong ang kilay nito at tinitigan ako ng masama, "Tigilan mo ang pangungunsinte ng mga katarantaduhan ni Ashley. Hindi ko kayang ipagkatiwala ang anak ko sa babaeng yan dahil kilala mo ang takbo ng utak nya. Hind sya normal at baka isang araw itakas na naman nya sa akin ang anak ko."
Dammit.
Kahit anong sabihin ko kay Ethan ay napaka tigas ng loob nya kay Ashley. Tila ba naglaho na lahat ng pagmamahal nya para dito.
"Hiwalayan mo si Ashley, Ethan kung pahihirapan mo lang sya ng ganito!" Sigaw ko kay Ethan para takutin sana sya pero mayabang nya akong nginisian.
Sa totoo lang ay ang sarap suntukin ng kapatid ko dahil sobrang nakakapikon ang ugali nya!
"Matagal na akong nakikipaghiwalay sa babaeng yan. Sya lang ang may ayaw."
O. O
And I froze.
Pinagmasdan ko ang nakangising labi nito, hindi ko na din nagawang makapagsalita kasi.
Suko na ko sa ugali ni Ethan.
Kung matigas ang ulo ni Ashley ay mas matigas ang ulo nya.
Tumalikod si Ethan at naglakad na palayo. Wala akong nagawa kundi ang titigan sya.
Pasalamat sya at mahal ko sya kung hindi ay baka binaril ko na sya aa ulo nya kanina pa.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...