CHAOS ON THE WEDDING DAY

120 16 0
                                    

ADRIAN'S POV

Kagaya ng sinabi ni Ashley ay umatras kaming lahat.

Matagumpay naman naming natakasan ang mga taong to at ngayon ay nasa bench kami at nakaupo lang habang hinihabol ang mga hininga namin.

Mabuti nalang at hindi na din nag tangka pang humabol ang mga kalaban sa amin. Pakiramdam ko ay tinakot lang kami ng mga yon.

Pero putang-ina kailangan naming mag-ingat sa susunod. May mga hawak na tauhan si Max at sigurado akong nagbabanta sya ng digmaan.

Matagal tagal na din simula ng huli kaming sumabak sa ganito. Kung ito ang gusto ng Max na yon ay sisiguraduhin ko na pag-bibigyan ko sya sa gusto nya.


"Tang-ina nasan si Lady Ash!?" -Phoebe


O. O

Si Ashley?

Anong ibig sabihin nya don? Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko naman na kumpleto kami maliban sa...pinuno ng Red Admiral.


Holy

Shit!

Nasaan na naman ang makulit na yon!?









MAX'S POV

Nakasakay lang ako sa kotse ko at nagmamaneho sa kalsada.

Umalis na din kasi agad kami nang oras na tumakas na ang mga kalaban namin.

Sa tingin ko ay sapat na ang ginawa ko para malaman nilang nag de-deklara ako ng digmaan sa kanila. Kung hindi kumikilos ang kapatid ko ay ako ang kikilos para bawiin ang mag-ina ko.

Sa susunod na pagkikita namin, sisiguraduhin kong papatayin na kita Hunter.

Hindi na ako papayag na ilayo mo pa sa akin si Yeji.



"Wow, parehas pala talaga kayo ng mata ni Sir. Khael noh?"

O. O

Shit!

Mabilis kong tinapakan ang brake pedal ng sasakyan ko nang marinig ko ang boses ng isang babae sa backseat.

Nang huminto na ang kotse ko ay lumingon agad ako sa likuran ko. Pero sinalubong ako ng isang tela na naka role at pinulupot sa leeg ko at sa upuan ko.

Hinawakan ko ang tela upang hindi ako nito masakal.

Hindi din ako makahingi ng tulong sa mga kasamahan ko dahil tinted ang kotse ko. Hindi nila makikita ang nangyayari dito.

Tumingin ako sa rear view mirron para makita kung sino ang taong sumasakal sa akin at nakita kong isang babae ang sumakal sa akin.

Nakasuot ito ng pink na dress at may brown na buhok at mata. Sa manika nyang itsura ay nakikilala ko sya, walang iba kundi ang...

Pinuno ng Red Admiral Organization!


"You!" Malakas na sigaw ko at pwersang hinigit ang tela pauna. Nakawala ako sa pagkakasal nya at mabilis kong inabot ang maliit nitong braso.

"Ahhh!" Sumigaw din ito dahil tila nasaktan ko sya nang kapitan ko ang braso nya. Malakas ang pwersa nya pero napaka fragile ng katawan nya.

Mababali ko ang braso nito sa mga kamay ko.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now