OUTING FOR REASON

148 20 0
                                    

ETHAN'S POV


Nanlake ang mata ni Geoff dahil sa rebelasyon ko. Natigilan sya at sa tingin ko ay sumapol na parang bala sa kanya ang salita ko.



Na ngayon ay alam kong binabalot na sya ng pangamba dahil kilala ako ni Geoff. Alam nya kung gaano ko kamahal si Ashley dati at babawiin ko na sa kanya ang mag-ina ko.


Kung gusto ni Ashley na mag laban kami ni Geoff ay pagbibigyan ko sya, bibigyan ko sya ng laban na hindi ko na sya kailangan pang talunin dahil sisiguraduhin kong sya na mismo ang susuko.








"Sinasabi mo bang---" -Geoff







"Oo Geoff. Marahil ay ikaw ang tumayong kabiyak ni Ashley noong mga panahon na nagka-amnesia ako pero ngayong naaalala ko na ang lahat ay babawiin ko na sayo ang lahat." Mayabang na sagot ko sa kanya.






Natahimik si Geoff at tinitigan lang ako. Si Ashley naman ay hinawakan ako sa braso kaya humarap ako sa kanya.



Iyak ito ng iyak at naasar ako sa kilos nya. Bakit gusto nyang ilihim kay Geoff ang bagay na yon? Na parang gusto nya na nagdudusa ako habang si Geoff ay kampanteng kampante lang.



Hindi ako makakapayag sa ganung bagay.




Kailangan kong maramdaman ni Geoff ang sakit na nararamdaman ko, ang sakit at pangamba na may gustong umangkin sa mga bagay na pag mamay-ari ko na.








"Kuya, ano bang problema mo!?" Ashley said angrily at me.







"Ash! Aminin mo sa kanya na mahal mo ko!" Sigaw ko kay Ashley.





"Ash..." mahinang bigkas ni Geoff kay Ashley. Halos malunod na si Ashley sa pag-iyak nya nang humarap kay Geoff.



Hindi makapag salita si Ashley at umiyak lang, "ASHLEY!" malakas na sigaw sa kanya ni Geoff.


Na syang nakapag paikom ng mga kamay ko sa isang kamao, tinitimpi ang sarili ko na huwang makapanakit dahil kaharap namin si Clint at Dillon.

Ayoko ng matakot pa muli sa akin ang mga anak ko kahit na nasa dulo na ako ng pasensya ka.








"I'm sorry Geoff." -Ash











Tinitigan ko si Geoff na mag mura sa hangin. Hinawakan sya ni Ashley sa braso pero humakbang palayo sa kanya si Geoff na alam kong nagalit sya kay Ashley.




Ibinaba ni Geoff si Clint sa sahig at humakbang ito palayo, nahuli ko pa ang pagbagsak ng luha nya bago tuluyang lumabas ng pintuan.






"Geoff!" Sigaw ni Ashley na akmang hahabulin si Geoff pero hinawakan ko sya sa braso.





Nasa tapat kami ng pintuan at parehas naming pinapanood si Geoff na tumakbo palayo. Tinahak nito ang pathway sa garden at lumapit sa kotse nya.

Sumakay sya sa kotse nya at mabilis na minaneobra yon paalis.



Siguro ay litong lito na din sya, pero hindi lang ikaw ang nasasaktan Geoff dito.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now