ASHLEY'S POV
Nasa kwarto lang ako at nakaupo sa kama. Katabi ko si Clint at Dillon na natutulog na.
Malalim na kasi ang gabi kaya pinatulog ko na sila, pero hindi pa ako natutulog dahil hinihintay ko si kuya. Hindi pa kasi ito nauwi galing sa bahay ni Brix.
Kawawa din kasi si Brix, palagi nalang syang nag-iinom simula nang maghiwalay sila ni Violet. Alam kong nasaktan sya ng todo sa nangyari lalo na at alam ko kung gaano kamahal ni Brix si Violet.
Sya kaya ang first girlfriend nya at simula nang makilala nya si Violet ayaw na nya sa iba pang babae. Pano ba naman kasi, napaka perfect ni Violet sa lahat ng bagay.
Sexy na, maputi, makinis, maganda, mabait, mahinhin, matalino at ang daming nagkkagusto don. Kaya walang dahilan kung bakit nagustuhan sya ng sobra ni Brix.
Ayokong maghiwalay sila ni Violet dahil bagay na bagay sila ni Brix. Napaka gwapo din kaya nitong si Brix, malaki pa ang katawan at ma abs, mayaman pa!
Sigh.
Pero wala naman akong karapatang mangealam, ang magagawa ko lang ay i-comfort si Brix at Violet.
(Creaking door sound)
O. O
Tumingin ako sa may pintuan dahil nagbukas yon. Nang oras na dumapo ang mga paningin ko doon ay nakita ko ang tatlong babae na pumasok ng kwarto ko at may dala-dalang mga baby.
Eh!?
Sa sobrang gulat ay nanlake ang mga mata ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at tumakbo papunta kay na Yuni, Valorine at Dite.
Buhat buhat nila sa mga braso nila si Ares, Ace at Letizia.
"Uhm...Anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah?" Sabi ko sa kanilang tatlo nang makalapit ako sa kanila.
"Hoy babae, sumama ka samin. May aattendan akong party." Sabi sa akin ni Yuni.
O////////O
Tinitigan ko si Yuni dahil sa sinabi nya at hindi mapigilang makaramdam ng excitement. Kasi naman pupunta silang party at isasama nila ako!?
"Pero Yuni! Pano ang mga baby natin?" Tanong ko sa kanya.
"Tawagan mo ang tatlo mong bodyguards at paakyatin mo dito. Sa kanila nating iiwan ang mga bata." -Yuni
ETHAN'S POV
Naglakad na ako paalis sa pool para bumalik sa deck. Nasa table kasi ang susi ng kotse ko at kailangan ko ng umuwi sa bahay.
Mukha namang naliwanag na si Brix sa mga sinabi ko.
Habang naglalakad ako palapit sa deck...
"GAGO KA BA!? SINABI KO NG HINDI NGA PUSIT YON!" -Adrian
O. O
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang galit na boses ni Adrian.
"PUSIT YON TANGA! ALAM MO BA ENGLISH NG PUSIT!? SQUID!" -Cane
At kasunod noon ay ang galit naman na sigaw ni Cane. Napataas ang isang kilay ko dahil wala akong ideya kung bakit nagsisigawan ang dalawang yon.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...