TALIA

115 15 0
                                    

MAX'S POV

Nakasakay ako sa kotse ko at nag simula ng mag maneho paalis. Nasa backseat si Yeji, nakaupo doon at naiyak.

Ako naman ay naka focus lang sa kalsada habang nagmamaneho at hindi mapigilang mapangiti.

Sa loob ng limang buwan ay naisakatuparan ko na ang kagustuhan kong mabawi si Yeji at ang anak kong dinadala nya though wala dito si Iya.

Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Yeji at ang anak ko. Simula ng malaman kong hindi sa akin si Iya ay pakiramdam ko nawalan na ako ng karapatan sa kanya. Ayoko din naman na ilayo pa si Iya kay Noah, ang gusto ko ngayon ay buuin ang pamilya ko kay Yeji.

Walang kahit anong involvement ni Noah.



"Max!" Habang nag mamaneho ako ay narinig kong tinawag ni Yeji ang pangalan ko. Tumingin ako sa rear view mirror para makita sya sa backseat.

Nakita kong humahagulhol ito at, "Max! My water broke! I'm labouring!" Yeji yelled.




(Tire squealing sound)




Kasabay din noon ay ang mabilis kong pagtapak sa preno ng sasakyan ko. Huminto ang kotse ko at agad akong lumingon kay Yeji para makita kung totoo nga ba ang sinasabi nya.

Sa paglingon ko sa backseat ay napamura na ako sa hangin at binalot ng kaba dahil tang-ina, manganganak na nga si Yeji.


"Bring me to the hospital!" Yeji cried.

Sandali akong na blanko at natigilan. Napapaisip kung ano ang dapat gawin kasi, hindi ko sya pwedeng dalhin sa hospital.

Hindi na kami pwedeng bumalik o huminto dahil sigurado akong pinapahanap na si Yeji ng mga kaibigan nya. Ang tagal na panahon na hinintay ko para lang dumating kami sa ganitong punto, para mabawi ko sya at ayokong masira ang lahat ng to.

Hindi na sya mababawi pang muli sa akin ng mga taong yon!



Tinalikuran ko si Yeji at muling binuksan ang makina ng sasakyan ko tsaka nag maneho muli paalis. Hindi kami pwedeng tumigil dahil kung gagawin ko ang bagay na yon ay may posibilidad na maabutan o matunton kami ng mga taong gustong ilayo sya sa akin.

Kailangan naming makaalis sa lugar na to sa lalo't madaling panahon.


"Max! Pakiusap! Sobrang sakit!" Irit ni Yeji at kahit tarantang taranta na ako ay pinilit kong maging kalmado at nag drive paalis.

Bear with me Yeji.








YEJI'S POV

Nakatali ang mga kamay ko at nakasuot ako ng seatbelt kaya naman wala akong takas kay Max. Ni hindi ko mahawakan ang tyan kong sobrang sakit.

Nasira na kasi ang water bag ko at alam kong ano mang oras ay ilalabas ko na ang anak naming dalawa ni Max.

"Max please. Dalhin mo ko sa hospital." Hagulhol ko kay Max dahil sobrang sakit na. Kailangan ko ng ilabas ang bata pero tila si Max ay walang balak na dalhin ako sa hospital.

Para syang binge.

Nagmamaneho lang sya at hindi ako pinapansin.


BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now