FRIENDLY FIGHT

117 14 0
                                    

ETHAN'S POV

Tinitigan ko lang si Ashley na nakatayo sa kama at naka crossed arms. Pinapairal na naman nya ang kalamditahan nya at ayaw nyang magpa-check up.

"At bakit naman ayaw mo?" Tanong ko sa kanya at tinaasan sya ng isang kilay.

Nakatayo ako sa gilid ng kama at tinitingnan sya. Katabi ko ang doctor nito at nakatingin din sya sa pilya kong asawa.

Nag pout si Ashley at, "Basta sinabi sa akin na bawal akong magpa check up." She replied.

Nakuha nya ang buong atensyon ko dahil sa sinabi nya. Hindi na ako pwedeng magkamali, sigurado akong may dahilan laht ng to.

Ang pagkawala nya at pagkalimot nya.

May dahilan lahat ng to at may komo-kontrol sa asawa ko. Walang iba kundi ang taong palagi nyang tinutukoy na nakasama nya.

"Sino Ashley ang may sabi sayo ng bagay na yan?" I asked her.

Nanlake na naman ang mata nito na alam kong nadulas lang sya sa sinabi nya.

Wala talaga syang balak aminin sa akin ang taong yon. Pero anong dahilan nya para gawin kay Ashley ang mga bagay na to, anong plano nila!?

Hindi ko mahulaan.

"Ashley Rei!" Tumaas ang tono ng boses ko sa kanya.

"Ahh! Pag pinilit mo mo, tatakas ako!"


O//////O

Halos tumalbog ang puso ko paalis sa katawan ko dahil sa sinabi nya. She's blackmailing me, goddamned it!

Talagang sinusubukan ako ng babaeng to!

"Pikong-pikon na ko sayo!" Malakas na sigaw ko at hinawakan sa braso si Ashley. Umirit pa ito na parang nagulat sya sa ginawa ko at hindi ko alam kung bakit humagikhik ako.

She's just cute.

"Bitawan mo ko!" Irit nito pero hindi ko sinunod ang sinabi nya bagkos ay hinigit ko sya palapit sa akin. Pinababa ko sya ng kama at niyakap ng malalakas kong braso.

Kulong na kulong ang maliit nitong katawan sa yakap ko at napatiyad pa sya. Sinisipa nya ako pero hindi umuubra yon sa akin.

"Sige tumakas kana." I chuckled.

Mas nagwala si Ashley dahil naasar sya sa paghagikhik ko. Yumuko ako at hinalikan ang cute nyang pisnge, "Ahh! Don't kiss me!" She shouted angrily.

Mas diniin ko ang labi ko sa malambot nitong pisnge dahil gusto ko pa syang asarin.

"Galit na ko sayo!"

I stop the kiss and tilt my head to the side. Tiningnan ko ang doctor ni Ashley na nanonood sa amin at nginingitian kami. Marahil ay natutuwa sya sa ka-cute-tan ng asawa ko.

"Kuhanan mo muna sya ng blood sample." Sabi ko sa doctor nya. Wala namang kawala sa akin si Ashley at hindi sya makagalaw sa ilalim ng yakap ko kaya sigurado akong makukuhanan sya ng dugo ng ayos.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now