ETHAN'S P0V
Naglakad ako papunta sa kwarto namin ni Ashley.
Tahimik na sa loob ng bahay, malalim na din kasi ang gabi at alam kong tulog na ang lahat ng tao dito.
Ilan sandali pa ay nakarating na ko sa kwarto namin ni Ashley. Inangat ko ang kamay ko at dinala sa door handle, marahan kong binuksan ang pintuan.
(Creaking door sound)
Sa pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko ang mag-iina ko na natutulog sa kama. Si Ashley ang nasa gitna at nakayakap sa kanya si Clint at Dillon.
And a faint smile appeared on my strained face.
Naglakad ako papasok, mabagal at hindi gumawa ng kahit anong ingay dahil nangangamba ako na baka magising si Ashley.
Nang nakarating ako sa gilid ng kama ay naupo ako doon.
Pinagmasdan ko ang natutulog kong asawa.
Pagang paga na ang mga mata nito sa pag-iyak. Habang tinititigan ang napaka gandang mukha ng anghel ay hindi ko mapigilan sa pag bagsak ang luha ko.
Akala mo ba Ash ay madali lang sa akin na makita kang nagkakaganito? Alam mo bang pinaparusahan ko din ang sarili ko sa tuwing nasasaktan kita.
Dinala ko ang kamay ko sa braso ni Ashley, maingat kong hinaplos ang balat nya na may pasa. Hanggang sa hindi ko na kinaya at hinawakan ko ang kamay nya, inangat ko yon at dinala sa labi ko.
I kissed her hand.
Ang mga luha ko ay nagbabagsakan sa balat nito pero hindi ko nagawang alisin ang labi ko sa kamay nya.
Bakit ba naman kasi ganito katindi ang tama ko sayo Ash? Bakit mahal na mahal kita kahit wala kang ibang gawin kundi ang saktan ako?
Marahan kong inalis ang labi ko sa kamay ni Ashley, ibinalik ko muli ang mga ito sa kama. Sunod ay yumuko ako at hinalikan ang labi ni Ashley.
Then kissed her forehead too, "I'm sorry Ash, pero kailangan mong matutunan lahat ng pagkakamali mo." Mahinang sabi ko dito at muling umangat.
Naupo ako ng ayos at sa pag-upo ko ay....
O. O
Nahagip ng paningin ko ang namimilog na mata ni Clint.
Gising ito at nakayakap sa ina nya.
"Daddy---"
Magsasalita sana ito pero inangat ko ang isa kong kamay papunta sa labi ko. I raised my index finger and, "Shhh."
Sinara agad ni Clint ang labi nya nang gawin ko ang bagay na yon kaya napangiti ako. Pinat ko ang ulo ni Clint, "Go to sleep. Ibibili ka ni Daddy ng toys bukas pag natulog ka agad." Sabi ko rito.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...