ETHAN'S POV
"CLINT! BABY KO!" malakas na sigaw ni Ashley at kumawala sa yakap ko.
O. O
Ngayon ko lang napansin na natakbo pala si Clint sa pathway papunta sa gate. Nakasunod sa kanya si Dite at hinahabol din si Clint.
Si Ashley naman ay nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto, wala akong nagawa kundi sundan sya dahil lalabas na naman ito at magkakalapit na naman sila ni Geoff.
GEOFF'S POV
Nagmadaling tumakbo palapit si Clint sa gate.
Lumabas sya sa gate at sinalubobg ako. Lumuhod ako at binuka ang mga braso ko para salubungin din sya.
"Daddy Geoff!" hagikhik ni Clint at yumakap sa akin. I wrapped my arms around his small body, then I stood up. Buhat buhat ko ang anak ko sa braso ko.
"Wow bihis na bihis ah. May lakad ba ang baby ko?" I asked him.
Nag nod sa akin si Clint.
"Clint!" hanggang sa narinig ko na ang boses ni Dite. Tumatakbo din sya papunta sa gate.
"Clint!" nasundan pa ng boses ni Ashley. Mabilis itong tumakbo palabas ng pintuan ng bahay, nakasunod sa kanya si Ethan.
At nang makarating na silang tatlo sa may gate ay napaatras ako dahil pakiramdam ko ay kukuhanin nila si Clint.
"Daddy Geoff, why are you here? Kanina pa kita hinihintay sa loob." -Clint
Niyakap ko ng mahigpit si Clint at hinalikan ng madiin ang noo nito dahil sa binitawang salita nya. Humagikhik muli si Clint at yumakap sa leeg ko, "I missed you Daddy Geoff."
"Miss kana din ni Daddy, Clint." Sagot ko sa anak ko. Natigilan sina Ashley, Ethan at ganun din si Dite.
ETHAN'S POV
Tinitigan ko si Clint na yumakap kay Geoff.
Kitang kita ko kung gaano na napalapit ang anak kong ito sa lalakeng yon at nakakaramdam ako ng matinding selos kahit mali na maramdaman ko yon.
"Clint." Tawag ko sa anak ko at akmang lalapit sa kanya pero yumakap ng mahigpit ang anak ko sa leeg ni Geoff.
"Daddy Geoff! I don't like him, he always make mommy cry! He is a bad guy!" Galit na sigaw sa akin ni Clint habang tinuturo ako.
Tinitigan ko sa mata ni Clint, nakita ko ang sarili kong reflection sa itim nyang mata na para bang ang mga mata nalang nya ang nag e exist at ang sarili ko sa mga mata nya.
Normal na tao lamang ang nakikita ko sa mga mata nya pero hindi ganun ang tingin sa akin ng anak ko. Kundi isang masamang tao, na kung ituring nya ako ay para ba akong isang halimaw.
Hanggang sa kinain na ako ng selos ko at nag lakad na ako palapit ng tuluyan sa anak ko. Muling kumapit si Clint ng mahigpit kay Geoff at ganun din si Geoff sa kanya na syang nag pasalubong kilay ko.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...