YUNI'S POV
Hinabol namin nina Dite, Valorine at Violet si Ashley dahil bigla nalang itong tumakbo palayo pagkatapos nyang ireject ang proposal ni Ethan.
Medyo naiinis ako sa naging kilos ni Ashley kasi walang dahilan para ireject nya si Ethan diba!? Kasal naman sila dati at nangako sila na after ng plano na yon ay magpapakasal naman talaga sila pero sumira si Ashley sa usapan.
Masakit kay Ethan yon, tsaka inisip man lang ba ni Ashley na may anak na sila?
Ang hirap talaga intindihin ng takbo ng utak ni Ash.
Ngayon ay patuloy kaming humahabol kay Ashley hanggang sa maabutan na namin ang isang yon. Hinawakan sya si Valorine sa braso at inikot paharap sa akin.
Sa pagharap ni Ashley ay nakita namin syang umiiyak.
O. O
Ashley...
Nagsalubong ang kilay ko habang nakatitig sa kanya at nakaramdam ng awa. Kitang-kita sa kanya na sasaktan sya pero ang tanong ay, bakit?
Bakit sya nasasaktan?
Ginagawa na ni Ethan ang lahat para ayusin ang relasyon nila pero bakit nagkakaganito sya?
"Ashley?" I said weakly.
Dinala nya ang dalawa nyang kamay sa mukha nya at umiyak ng malakas habang paulit-ulit ulit na kinukusot ang mata nyang walang pagtigil sa pag-iyak.
"Yuni hindi ko pa kayang bumalik kay kuya!" Hagulhol nito, nagsimula na din syang mag pant at nag-aalala ako sa kalagayan nya.
"Bakit Ash?" I said weaky. Lahat ng inis at galit ko para sa kanya ay isinantabi ko muna dahil ayokong mag pressure nya ngayon.
Nahihirapan din sya.
"Natatakot akong baka pag bumalik ako kay kuya baka...baka masaktan lang ulit sya, baka masaktan ulit namin ang isa't isa. Baka hindi kami mag work kasi Yuni mahal ko na si Sir. Khael."
Hindi ako si Ethan pero ang salitang binitawan ni Ashley ay parang sibat na tumarak sa dibdib ko. Ang sakit pakinggan noon kung sa akin palang pano pa kaya kung si Ethan ang mismong makakarinig nito?
Hindi ko nagawang makapagsalita hanggang sa nanghina ang mga tuhod ni Ashley at napaluhod sya sa ground.
Humagulhol ito ng sobrang lakas na parang bata.
Nagkatinginan kami nina Violet, Dite at Valorine. Kagaya ko ay makikita sa mata nila ang pag-aalala para kay Ashley.
Kaibigan namin si Ash at mahal na mahal namin ang babaenh to kahit nakakabwiset sya. Sya ang pinaka bata sa amin at kailangan nya palagi ng gabay.
Hanggang sa hindi ko na kinaya at lumuhod na ako sa harap ni Ashley.
Marahan ko syang niyakap sa mga braso ko. Ang mukha ni Ashley ay sinubsob nya sa balikat ko at pinakawalan lahat ng luha nya.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansaAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...