STICK TO THE PLAN

115 14 0
                                    

MAX'S POV

(Door slammed open)

Halos masamid ako sa iniinom kong kape nang mag bukas sa padabog na paraan ang pintuan ng sala. Lumingon ako sa main door at binaba sa lamesa ang hawak kong kape.

Nakaupo lang ako sa lounge sofa.

Sa paglingon ko ay nakita ko ang isang maliit na babaeng natakbo papasok sa bahay ko. Nang makalapit sya sa akin ay tumalon sya sa lounge sofa papunta sa tabi ko at niyakap ako.

Damn.

Anong ginagawa ng babaeng to dito!?

"Ashley bakit ka nandito?" I asked her. Hinawakan ko ang dalawang braso nito at inalis ang pagkakapulupot nito sa katawan ko.

Tinitigan ko si Ashley sa mukha nya, gusto ko sanang magalit sa kanya dahil pumunta na naman sya dito samantalang may pinapagawa ako sa kanya.

Pero nang makita ko ang mukha nya ay natigilan ako.

Nakita ko kasing namumuo ang mga luha nya sa mata nya at naka hibi ang mga labi na parang iiyak sya.

Ano na naman kayang problema ng isang to? Mukhang inapi na naman sya ng ex husband nya at pumunta sya dito para mag sumbong sa akin.

Pambihira.


"Nag talo na naman ba kayo ni Ethan?" Tanong ko rito.

"Max! Sabihin mo sa akin ang totoo, bakit ba talaga kami nag hiwalay ni kuya!? Bakit sinasabi nilang kasalanan ko?" Ashley asked me.

Nagtatanong na naman sya tungkol sa kanilang dalawa ni Ethan. Pero ano bang alam ko sa relasyon nila? Ang alam ko lang divorced sila at si Ethan ang nakipag hiwalay dito.

Kumalat yon sa social media at madaming nakakaalam ng bagay na yon pero walang statement na nilalabas sa publiko ang pamilyang Rei kung bakit sila nag divorced.

Basta divorced lang ang dalawang to. Yun lang ang alam naming lahat.


"Hindi ka nya mahal Ashley, naging masamang tao sayo si Ethan." Kagaya ng palagi kong sagot dati ay yun pa din ang sinagot ko ngayon sa kanya.

"Pero Max, mabait naman sa akin si kuya---"

"Ashley, are you betraying me!?" Agad na tanong ko sa kanya dahil napipikon ako sa binitawang salita nya. Para kasing kinakampihan nya ang Ethan na yon kahit na wala naman syang naalala.

"Hindi Max! Hindi kita ta-traydurin kahit kailan!" Tarantang sigaw ni Ashley at iniling ng sobrang dami ang ulo nya.

Tinitigan ko sya, pinag-aaralan ko ang reaksyon nya kung mapagkakatiwalaan ko pa ba ang isang to. Base naman sa pinakita nyang response ay alam kong hindi ako ta traydurin ng isang to.

Hmm...

Pero nakikipaglaban na ang damdamin nya sa utak nya. Kahit nakalimot sya ay alam kong, pinagdududahan na nya ang lahat.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at pumunta sa may kitchen. Narinig ko ding ang yabag ng paa ni Ashley sa likuran ko at alam kong nakasunod sya sa akin.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now