LOVEY-DOVEY

122 14 1
                                    

ETHAN'S POV

"Ashley sandali! Magpapaliwanag lang ako!" Sigaw ko sa kanya pero hindi ito nakinig sa akin.

Nakatayo sya sa may table at humahablot ng kung ano anong mga gamit tapos ay ibabato sa amin. Natamaan na ako ng laptop ko, ng mga documents at kung ano ano pa.

Si Margarret ay nasa likudan ko at tumatago sa akin dahil pinapatamaan din sya ni Ashley.

Sobrang nagalit kasi ang isang to nang marinig nya ang  mga pinagsasabi ni Margarret kanina. Pero kahit magpaliwanag ako sa kanya ay hindi sya nakikinig  sa akin.

Pinapairal nya ang galit nya.

Hanggang sa...

Nakita kong hinawakan na ni Ashley ang lamp at inangat sa ere. Dinala ko ang dalawa kong kamay sa ere at ni-wave wave yon, nagpapahiwatig lamang na huwag nyang itatapon sa akin ang bagay na yon.

Bubog ang lamp!

Masakit sakit ang isang yon kapag tumama sa akin.

"Ashley wag yan!" Saway ko sa kanya pero mas tumindi pa ang pagsasalubong ng kilay ni Ashley na parang mas nagalit sya sa akin.

"Ahhh! Lumabas ka!" She shouted angrily and lifted the lamp.

Damn.

Hinawakan ko si Margarret sa braso at tumakbo ako papunta sa pintuan. Nang makarating ako sa pintuan ay binuksan ko yon at agad kaming lumabas dito.

Sa pagsara ko muli ng pintuan ay narinig kong kumalampag yon na ibig sabihin lang ay tumama sa pintuan ang lamp na binato ni Ashley.

Kung hindi ako naging maagap ay baka natamaan ako noon.

Nagwawala na naman sya, kahit na nakalimot sya ay ganun pa din ang response ni Ashley kapag nag seselos sya.

Sigh.

Ang babaeng yon talaga.



"E-Ethan bakit nagalit si Ashley?" Margarret asked me.

Mabilis na nagdilim ang paningin ko nang makuha pang itanong ni Margarret ang bagay na yon. Kaya naman humarap ako sa kanya at tinitigan sya ng sobrang lalim.

Sa totoo lang ay gusto kong manakit dahil nag-away na naman kami ni Ashley dahil sa kanya. Ok na kanina, masaya na dapat kami ni Ash pero ng dahil sa kanya nasira ng lahat yon.

"Margarret anong pumasok sa isipan mo at pumasok ka sa loob ng kwarto namin ni Ash!?" Hindi ko napigilang tumaas ang tono ko sa kanya nang sabihin ko yon.

Sobra kong naasar.

Sino bang hindi magagalit na nasa kwarto ako kasama si Ash, magkatabi kami sa kama tapos pupunta din si Margarret doon at tatabi sa amin.

Nakakasira ng ulo ang mga pinaggagagawa nila sa akin!

"P-Pasensya na Ethan, masyado kasi aking nasaktan kahapon sa pang re-reject mo sa akin kaya naman naisipan kong matulog buong magdamag katabi ka. Para bago kita tuluyang bitawan ay..."

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now