ETHAN'S POV
Pinasok sa magkabilang operating room si Margauxe at si Adrian.Sumikat na ang araw pero hindi pa din naming lahat alam ang balita sa kanila, sa loob ng operating room. Pero paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay bigyan pa ng patagal na panahon ang mga taong yon na manatili dito kapiling namin.
Ngayon ay nasa labas kami ng operating room.
Kasama ko dito si Brix, Cane, Valorine, Hunter, Leo, Phoebe at Kit. Dumating na din si Dite at ngayon ay iyak sya ng iyak pero paulit-ulit syang pinapakalma ni Valorine.
Katabi ko si Cane at Brix sa upuan.
"Brix, kamusta na si Violet?" Tanong ko sa kanya upang magbukas ng usapan dahil kung mananatili akong tahimik ay baka masiraan ako ng bait.
Nilalamon ako ng kaba ko para kay kuya.
"She's stable now. Ganun din ang dalawa naming anak." He said.
That I suddenly stop after hearing those things from him. Tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya at, "Hindi ba at triplets ang baby nyo?" Tanong ko sa kanya.
Natahimik si Brix nang sabihin ko yon at iniwas nya ang tingin nya sa akin. Tinitigan namin sya si Cane at habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Brix ay nagkaka idea na ako.
Nagkaka idea na ako na, nagpaalam na ang isa nyang anak pagkatapos ng insidente kay Violet at Jed.
Hindi ko naman intensyon na saktan ang damdamin nya kaya naman tinapik ko nalang ang likod ni Brix upang palakisin ang loob nya. Malungkot man ang mga mata nya ay minabuti nyang ngitian kami ni Cane.
Good Brix, that is good...
Lakasan mo ang loob mo para kay Violet at para sa dalawa mong anak na kailangan ng lakas at presensya mo.
(Creaking door sound)
O. O
Nawala kami sa pagkakatulala namin kay Brix nang biglang nagbukas ang pintuan ng operating room. Tiningnan namin at nakita namin na operating room yoon kung nasaan pinasok si Margauxe kanina.
Tumayo kami at lumapit sa doctor.
Nang makalapit kami sa kanya ay, "Kamusta sya?" Tarantang tanong ni Hunter.
Huminga ng malalim ang doctor at sa bawat paglipas ng oras ay mas kinakabahan ako. Natahimik sa bawat sulok ng hallway at ang naririnig ko lang ay ang makapigil hiningang kabog ng puso ko.
"Miss Margauxe is fine. Dadalhin na namin sya sa recovery room." -Doctor
Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukhanni Hunter at lumuha habang naiyak. Marahil ay tears of joy yon, pero masaya ako para sa kanya.
Hinawakan ko sa braso si Hunter at inikot sya paharap sa akin tsaka niyakap sya. Yumakap din sya sa akin at tinapik namin ang likod ng isa't isa.
"I'm glad she's fine." Bulong ko kay Hunter.
"Alam kong makakayanan din ni Adrian na lagpasan ang problema na to." Sagot ni Hunter kaya naman tumango ako.
"Tama ka---" sabi ko kay Hunter pero...
(Door slammed open)
Nagbitaw agad kami ni Hunter nang magbukas ang pintuan ng operating room. Tinitigan naming lahat yon dahil yun ang operating room na pinagdalhan ni Adrian.
Sa pagbukas ng pintuan ay...
"Sir! Hindi pa po kayo pwedeng tumayo!" Malakas na sigaw ng nurse at halos manghina ang tuhod ko sa mga nasasaksihan ko.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...