ETHAN'S POV
(Creaking door sound)
Damn.
Itinigil ko ang ginagawa namin ni Ashley at agad na inayos ko ang pants ko nang lumabas na si Natalie ng office ko.
Sinara ko ang zipper ko at agad na humakbang papunta sa may pintuan. Ang puso ko ay kumakabog ng malakas at nilalamon ako ng hiya sa mga oras na to.
Alam kong wala na akong mukha pang ihaharap kay Natalie pero pakiramdam ko kailangan ko syang kausapin.
"Babalik ako Ashley. Kakausapin ko lang sya." Sabi ko kay Ashley at naglakad na ako palayo. Hindi ko na hinarap pa si Ashley dahil nag mamadali akong lumabas, kailangan kong maabutan si Natalie.
Nang oras na makarating ako sa may pintuan ay lumabas ako dito. Naglakad ako palayo sa sa office ko at tinahak ang hallway.
Mabilis ang bawat hakbang ko, nagbabaka sakali na maabutan ko si Natalie.
Pagkalipas ng ilang segundong paglalakad ay...
"Natalie!" Malakas na sigaw ko dahil nakita ko na sya. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa maabutan ko sya. Nang maabutan ko sya ay hinawakan ko sya sa braso nya at inikot sya paharap sa akin.
Iniwas ni Natalie ang tingin sa akin at tumingin sa sahig. Ang mukha nito ay pulang-pula at alam ko na naiilang sya sa mga oras na to.
Miski ako ay naiilang, walang-wala sa isipan ko na makikita kami ni Natalie sa ganung sitwasyon.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Medyo tumaas ang tono ng boses ko sa kanya.
"S-Sorry Ethan. Naisipan ko lang sana na yayain kayo nina Adrian, Ashley at Dite na mag dinner kasi magluluto ako mamaya---"
"Natalie dapat humingi ka muna ng appointment! Hindi yung basta-basta ka sumusugod sa office ko!" Muling sabi ko sa kanya at hindi magawang babaan ang boses ko dahil nilalamon ako ng hiya at the same time na ba bad trip ako sa lahat.
Pakiramdam ko napakamalas ng araw na to para sa akin.
Sigh.
"Pasensya na Ethan. Nalulungkot lang kasi ako sa mansyon ni Adrian." -Natalie
Tinitigan ko si Natalie dahil sa sinabi nya. Medyo nakaramdam ako ng awa na kinukulong namin sya ni Adrian sa mansyon nito.
Pero sa isang banda ay dapat maintindihan yon ni Natalie, kasi gusto lang namin syang protektahan ng kapatid ko mula kay Khael. Napaka laking gulo kung malalaman ni Khael na nagdadalang tao ang isang to sa anak nya.
"Sige Natalie, pupunta kami mamaya. Dun kami mag di-dinner sa inyo." Sabi ko dahil hindi ko mapigilang maaawa sa kanya.
Siguro nga ay nalulungkot lang sya sa mansyon kaya mabuting pagbigyan na namin sya sa gusto nya.
Tumingala si Natalie at tinagpo ang mga tingin ko tsaka ako pinakitaan ng sweet na ngiti.
Ngumiti din ako sa kanya at inangat ang isang kamay ko para dalhin sa ulo nya. I gently pat her head, "Umuwi kana. Pupunta nalang kami mamayang hapon, ipapa check up ko kasi si Ash." I said.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Roman d'amourAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...