Finally, The Time Has Come To Say Goodbye

113 17 0
                                    

PHOEBE'S POV

Pinagmasdan ko si Boss Ethan na makipag suntukan sa mga kalaban namin.

His face warps with rage and he attacks, fists flying at furious speed, blows and counters his opponents. Ilan sandali pa ay nakita ko na may umatake ng suntok mula sa likod ni Boss Ethan habang may kasuntukan sya sa harapan nya.

Mag re-react palang sana ako pero...

Mabilis na naramdaman ng instinct ni Boss Ethan ang taong nasa likudan nya. Bago pa man sya madampian ng kamao nito ay mabilis syang yumuko.

Boss Ethan ducks, just under the punch of his opponent. Ang pinakawalang suntok ng lalakeng yon ay tumama sa kasamahan nyang nasa unahan ni Boss Ethan.

At ang senaryong yon ay bahagyang naghatid sa akin ng kilabot dahil napaka lakas ng pakiramdam ng amo namin. Walang kakupas-kupas ang husay nya sa pakikipaglaban na tila ba may mata palagi sya sa likuran nya.

Kahit ang mga atakeng nagmumula sa likuran nya ay mahusay nyang naiiwasan.



Sya lang talaga ang taong may kakayahan na...







Kontrolin si Lady Ash.











Pinagpatuloy lang naming apat ang pakikipag suntukan hanggang sa napabagsak na namin lahat ng kalaban.

Maliban sa pinuno nila na buhat-buhat ang anak nitong nanakit kay Clint at Lady Ash.




Tumigil na kaming tatlo nina Kit at Leo sa pag-atake dahil nagtakbuhan na ang mga lalakeng pinataob namin ngayon-ngayon lang.

Nakatayo nalang kami ng tuwid at nakatitig kay Boss Ethan. Kagaya ko ay alam kong inaabangan din nina Kit at Leo ang gagawin ni Boss Ethan sa pinuno ng grupong to.






Inistretch ni Boss Ethan ang leeg nya sa magkabilang gilid at mayabang na nagtaas ng ulo sa pinunong nakatayo sa harapan nito.



Ang bata na buhat-buhat ng lalakeng yon ay yumakap ng mahigpit sa kanya at sinubsob ang mukha sa balikat nito na alam kong natakot sya kay Boss Ethan.

Hanggang sa nagsalita na ang amo namin, "Hindi madidisiplina ang bata hanggat hindi nadidisiplina ang ama nito."

Gumawa ng mabagal na hakbang si Boss Ethan sa lalakeng yon at tila isang higanti ang amo namin na mata ng pinuno ng grupo.

Nakita ko ang takot na nasa mata ng lalakeng may hawak ng bata lalo pa at nangangatal ang mga tuhod nito. Hindi ko sya masisise, nakita na nya kung ano ang mga bagay na kaya ng amo namin kaya natural lamang na matakot sya ng ganito.





Nang oras na makalapit si Boss Ethan sa lalakeng yon ay tumayo sya ng tuwid sa harapan nito.

Nanigas ang lalake sa kinatatayuan nya at tumitig sa itim na mata ni Boss. Na dapat ay hindi nya ginawa dahil yun ang pinanggalingan ng nakakatakot na pagkatao ni Boss Ethan.

Ang mga mata nito ay kayang i-reflect ng malinaw ang mukha mo na tila isang salamin. Sa mga mata din ni Boss Ethan ay makikita mo na para ka lamang isang takot na takot na kuting at isang mabangis na lion ang kaharap mo.






BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now