BEFORE THE WEDDING

120 18 0
                                    

ETHAN'S POV

"Oh? San ka pupunta?" Hagikhik ko at hinawakan sa braso si Ashley.

Tumakbo kasi to at alam kong lalabas sya ng office ko pero hindi ko hinayaan na mangyari yon. Baka mamaya kung saan-saan na naman mapunta ang isang to.

Malalaman ko nalang na nasa mall sya, nag out of town o baka mamaya ay nasa galaxy na sya.

Delikado.




"Ahh! Bitawan mo ko! Galit ako sayo!" Ashley whined.

Patuloy ito sa pag-iyak et medyo nakonsensya ako sa nagawa kong pagbasag ng phone nya. Pero kasi nag dilim ang mga mata ko sa mine-message sa kanya ng Khael na yon kaya hindi ako nakatiis na basagin yon.



"Pano kung sinabi ko sayong magpapadala ako dito ng ice cream? Galit ka pa din ba sakin?" I said.

Natigilan si Ashley sa pag pupumilit na umalis sa akin dahil sa sinabi ko. Nakapout ito pero kumalma na naman sya, ang isa nyang kamay ay mabilis nyang pinang pahid sa mga luha nya.

"I..don't know." Galit na sabi nito.

Humagikhik ako at binitawan ang braso nya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at dinala sa pisnge nya tsaka ko pinunasan ang mga luha nya.

Nakatitig sa akin si Ashley.

Nahuli ko pa ang pamunula ng mukha nito pero magkasalubong ang kilay nya, pilit na pinaiiral ang kamalditahan nya.

Hindi ko na din naman napigilan ang sarili kong humagikhik sa ka-cute-tang pinapakita nya.





"Maupo ka sa lounge sofa, magpapa-akyat na ako ng ice cream." I chuckled.


Iniwas ni Ashley ang tingin nya sa akin at marahan na humakbang papunta sa lounge sofa kagaya ng sinabi ko at naging masunurin.

Sunod ay tumingin ako kay Lei at Ryle.




"Bring 1 gallon of chocolate ice cream here. 3 bowls and 3 spoons for my wife and for my two son." Utos ko sa dalawa kong assistant.

Tumangp ang dalawa at naglakad papunta sa may pintuan ng office ko.

Lumabas sila parehas para sundin ang sinabi ko.




Nang mawala na sila sa paningin ko ay tumingin naman ako sa tatlong lalake na nasa office ko pa din hanggang ngayon.

"Kayong tatlo, bumalik kayo sa trabaho nyo." I said with authority. Tinalikuran ko sila at naglakad ako papunta sa lounge sofa kung nasaan na nakaupo ngayon si Ashley.

Nang makalapit ako doon ay naupo ako sa tabi ni Ashley. Naka crossed arms ito na nakatitig kay na Claude, Cane at Brix.

Hindi pa din kasi umaalis ang tatlong yon dito sa office ko. Naglakad pa sila papunta sa harapan namin at naupo sa lounge sofa katapat namin ni Ash.



"Kuya oh!" Ashley shouted and pointed the three.




"Oh, anong problema mo? Sofa mo to? Bawal umupo?" Claude said.



BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now