BUNNY SUIT

121 13 1
                                    

ETHAN'S POV

"CANE!!!"

Ginawa ko na ang pinaka malakas na sigaw ko kay Cane nang bigla itong tumakbo palabas sa office ko at tinakasan ako. Tang-ina, humanda talaga sa akin ang isang yon mamaya dahil sisiguraduhin kong makakatikim sya sa akin ng masakit sakit.

Basta makatakas lang ako sa mga babaeng to!

Nakakapikon! Nasipa ko na sa mukha ang isa sa kasamahan nila at na knock down agad yon pero tila hindi nasindak ang mga ito. Nanatili silang nakayakap sa akin at hinaplos at hinahalikan ako kung saan-saan.

Sinubukan ko namang itulak sila ng itulak at ilayo sa akin pero yayakap at yayakap sila ng paulit-ulit. Wala na akong takas sa mga babaeng to.

Nakaupo lang ako sa lounge sofa at sinusubukang tumayo pero parang lubid akong pinuluputan ng mga babaeng to at ginapos dito sa lounge sofa. Hindi ako makakilos at makakibo.



Lumingon muli ako kay Ashley para humingi ng tulong sa kanya. Nakaupo sya sa lounge sofa katapat ko at nakatitig lang sya sa akin.

Kitang-kita sa mga paiyak nyang mata kung gaano sya nagseselos pero ang tanong lang ay bakit hindi sya kumikilos para tulungan ako?

"Ashley tulong naman oh!" Pagmamakaawa ko sa asawa ko.


"Uhm. Anong gusto mong gawin ko ha?" She asked me.

Damn, seryoso ba sya? "Malamang, tulungan mo kong paalisin ang mga babaeng to! Tell them we are married!" Paliwanag ko sa kanya pero namilog ang mga mata ni Ashley at iniling ang ulo.

"Luh? Di na naman kita asawa."

"Ashley!"

Nakakaasar ang ugali ng babaeng to! Nakikiusap na nga ko sa kanya pero ginaganito pa nya ako? Hindi ba sya naaawa sa kalagayan ko? Gusto ba nyang mabalitaan na namatay si Ethan Rei dahil ginahasa ng napaka daming babae?

"Oh, so you are Mr. Rei's ex wife."


Nawala ako sa pagkakatulala ko kay Ashley dahil may isang babae na nagsalita. Nakayakap sya sa akin pero bumitaw din at tumayo para humakbang palapit kay Ash.

Nakatitig ako sa kanya dahil wala naman akong ibang magagawa kundi ang titigan sya dahil hindi ako makaalis sa mga taong nakayakap na to!

Nang makalapit sya sa direksyon ni Ashley ay tumayo sya sa harap nito. Si Ashley ay nanatiling nakaupo at tiningala ang ulo sa kaharap nyang babae para magkatitigan sila.


"Pinapasabi pala ni Khael Elacion na magkita daw kayo sa office nya ngayong araw." She said and held Ashley's right cheek.

Pinisil nya yon na alam kong na cute-tan sya sa itsura ni Ash. Napapikit pa ang right eye ni Ash habang pinipisil pisil ng babaeng yon ang pisnge nya at pinamulahan din si Ash ng mukha.

"Ahh! Bakit mo pinipisil ang pisnge ko!" Irit ni Ashley at hinampas ang kamay ng babae paalis sa pisnge nya. Well, she's cute. Hindi ko masisise ang babaeng yon kung bakit nanggigil sya kay Ashley.

Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit nadamay dito si Khael?




"What do you mean?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ni Ashley. Lumingon sa akin ang babaeng yon at nginitian ako na para bang pinagnanasaan na naman nya ang katawan ko.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now