Chapter 14

3.2K 172 3
                                    

Limang araw na ang lumipas simula nung mapatay ang <King Goblin>, araw-araw na akong kumukuha ng slaying quest dahil mukhang nasanay na akong kumuha ng buhay salamat sa <King Goblin> incident. Sumasama rin ako sa mga grupo ng adventurer para lang may mahanap na makakasama sa gaawing paglalakbay pero walang pasok sa criteria ko kaya, eto ako ngayon, kasama si F-guy, sa loob ng isang club dahil may bali-balitang yung binibilihan ng may-ari nung mga nahuhuling matatalinong halimaw ay isa ring slave dealer.

"Okay, asaan na yung may-ari?" tanong ko at lumapit ang isang matabang lalaki na estima kong nasa 45 na amg edad niya.

"Ano ang aking maipaglilingkod sa iyo ginoo," sabi niya "nais mo ba ng makakasiping?"

"Ah, paukol diyan-"

"Halika't mayroon kaming bagong dating-" sabi niya at naglakad palayo kaya no choice kami kundi sumunod.

"Ano..."

"Wala pang nakakagamit sa kanya kaya masisiguro naming isa siyang birhen," sabi niya, hindi ako pinapasingit.

"Sa totoo lang ay-"

"Andito na tayo," sabi niya at huminto sa tapat ng isang pinto "nasa loob ang babaeng halimaw," at binuksan niya ang pinto at tumambad sa paningin ko ang isang babaeng may ginintuan ang buhok, meron siyang tenga at buntot ng isang fox, at dahil manipis ang suot niya kita-kita ang malulusog niyang dibdib at sa unang tingin pa lang ay lahat ay mahuhumaling sa kanyang kagandahan, at kahit ako ay nahumaling at nagdalawang isip na kagatin ang alok nung may-ari pero may problema... katulad ng sa isang bata ang laki ng babae.

"... Ito ba yung tinatawag na blonde oppai loli?" tanong ko at nakita sa mukha ng babae ang gulat kaya "sige, kukunin ko" sabi ko sa may-ari na sobra kung makangiti, at halatang hindi naunawaan ni F-guy ang nais ko dahil bumuntong hininga siya at umalis.

"1000 zeny angsinggil namin kada isang oras," sabi nung owner bago umalis, at nangmaka-alis na ay agad kong sinara ang pinto sabay lock.

"Naintindihan mo lahat ng sinasabi ko diba?" tanong ko at tumango ang babae at dahil doon ay napatunayan kong hindi halimaw ang mga matatalinong halimaw, kundi ay mga tao sila.

"Isa ka ba sa mga nakarating na sa Nocturia at bumalik lang dito?" tanong niya.

"Hinde," sagot ko at bumakas ang pagtataka sa mukha niya "ano nga palang pangalan mo?" tanong ko

"It's common courtesy na ibigay ang pangalan bago itanong ang pangalan ng isang tao." sabi niya.

"Oo, pero sa bansang 'to, ang turing sa inyo ay mga halimaw at nagbabayad ako para lang maka-usap ka kahit na ang talagang dapat kong gawin ay..." sabi ko at pinagdikit ang middle finger at hinlalaki sabay lusot ng hintuturo sa butas na nabuo.

Naintindihan ng babae ang nais kong iparating dahil namula siya at tinakpan ang dibdib niya pati na rin ang pagitan ng hita.

"So, anong pangalan mo?" tanong ko

"... Lyfa," mahina niyang sagot "Lyfa de Sylfaen Nocturia." at dahil sa dinugtong niya ay nasamid ako dahil kadalasan ng may mga apelido ng pangalan ng bansa ay mga royalty.

"By any chance... isa ka bang... prinsesa?" tanong ko at binaling niya lang ang tingin as confirmation kaya napatawa ako.

"Ba't ka tumatawa!" pasigaw niyang tanong.

"Paumanhin, may ideya lang na pumasok sa aking isipan," sabi ko at tinignan siya habang todo kung makangiti at bigla niya uling tinakpan ang katawan "hindi kita gagalawin, naisip ko lang na dahil maaring magka-giyera sa lahi mo at sa lahi namin kaya kung aalisin kita dito, pwede kong gamitin na bargain chip ang pagsagip ko sa'yo para magkaroon ng alyansa sa dalawang lahi at maiwasan ang giyera."

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon