Chapter 141

998 45 0
                                    

Ilang linggo ang lumipas at sinabihan na ako na magsisimula na ang pagpupulong kaya agad akong nagpunta sa <Floria>.

Nang makarating ako ay agad akong nagpalit ng suot, of course naglagay ako ng maskara, yung tulad sa mga palabas na tatakpan mo lang yung mata ng isang kulay itim na tela, needless to say, may butas para sa mata.

"Okay," sabi ko at pumasok na sa loob ng meeting hall.

Ang interior ng meeting hall ay pabilog, sa pinakadulo naka-upo ang hari, kasama ang representative ng Nocturia na si Zedrick at ang representative ng Hydroria, yung bunso ni Reyna Emeralda, nakalimutan ko na pangalan niya; ang mga senator naman ay naka-upo malapit sa sentro at ang congress naman ay sa malapit ng pinto.

Maraming mga nagbulungan, tinatanong kung sino ako, at kung ano-ano pa. Nagdiretso ako sa may kinauupuan ng hari at binulong sa kanya ang itatawag sakin.

"Iyo pong ipagpaumanhin," sabi ng hari "Tagapangalagang Helios," at nakita kong nagsitayuan ang mga noble na senador na sinegundahan ng congress.

"Asaan na kayo sa pagpupulong?" tanong ko.

"Magsisimula pa lang po kami," sabi niya kasabay nang pagdala ng isang katulong ng isang upuan para sakin.

"Salamat," sabi ko "bago magsimula ang pagpupulong sasabihin ko na ito, mananahimik ako at kung sakali man, magiging tie-breaker ako."

Nang yumuko ang hari ay yumuko din ang lahat at nagsimula na ang pagpupulong.

Sinimulan ng hari ang pagpupulong sa pamamagitan ng paghahayag ng mga naranasan ko in 3rd person view na sinasabi niya na ako, as Baron Sevilla, ay nagtungo sa Mountoria sa utos ko upang alamin ang estado ng bansa, at nang matapos na ang kwento niya ay hiningi niya ang opinyon ng mga nasa loob.

Marami ang mga nasa pro-war faction, almost 80% kaya hindi ko na nagamit ang dalawa kong baraha, pero tinignan ko pa rin si Zedrick na tumango at nilagay ang isang kamay sa tenga, maya-maya ay may binulong siya sa may hari na nagtaas ng kamay.

"Nakatanggap ako ng ulat, may nakakita kay Cecile sa may Mountoria, at nasa pangangalaga ng palasyo nila; para sa mga hindi nakaka-alam, si Cecile ay ang Wordwide Wanted na nasa likod ng pagpatay sa dating hari ng Hydroria dahilan upang mapilitang magtago ang Reyna Emeralda; ang nasa likod ng mga rebelde sa Nocturia, at higit sa lahat ang may pakana sa pagkakaroon ng sumpa sa <Town of Herling>," sabi ng hari and instantly, ang 80% ay naging 100%.

"Mahal na tagapangalaga, papasok tayo sa giyera," sabi ng hari kaya tumayo na ako.

"Okay, ang layunin natin ay pagbayarin si Cecile sa kanyang mga ginawa, at habang nandoon narin tayo, sasakupin natin ang Mountoria upang mabago ang pamamahala nang sa gayon, kung may bibisitang mamayan ng Floria sa Mountoria ay hindi sila mamaltratuhin," sabi ko "at once na sigurado ng ayos ang bansa, ibabalik natin ang bansa sa mga Mountorian."

"Mahal na tagapangalaga, maaring bang malaman kung bakit kailangan nating isa-uli sa mga Mountorians ang bansa nila?" tanong ng isang senador.

"Kilala niyo ang tagapangala ng liwanag? Pag nagalit yun, lagot kayo, tutol siya sa pagsakop pero dahil kailangan niya ang nasa likod ni Cecile, magsasara siya ng isang mata sa gagawin natin, kaya five years, iyon ang oras na ibinigay niya para mabago natin ang pamamalakad at isa-uli sa mountorians ang bansa nila," sagot ko.

"May magtatanong pa?" tanong ko at nang walang magsalita ay ipinagpatuloy ko na ang pagsabi sa plano, kung saan padadaanin ang mga sundalo, etc.

"Ahh... natapos din," sabi ko habang naglalakad papunta sa bahay para doon na magpalipas ng gabi.

"Pero ang gandang plano, at hindi ko aakalain na magkadikit lang ang <Floria> at <Mountoria>," sabi ni P-knight.

"Sasama ka?" tanong ko.

"Of course," sagot niya "kaming tatlo ni Xian at Calyx."

"Kayong tatlo huh," sabi ko.

"Yup, magdadala kami ng at least 5K soldiers, mixed infantry, cavalry, archer and mage," sabi niya.

"I see," sabi ko.

"Pero mainly cavalry ang dadalhin namin," sabi niya "archers and infantry naman ang sa Nocturia, at sa Hydroria ay mga mage at cavalry."

"I see," sabi ko "so sa 5k na yun?"

"Sa limang-libong sundalo, 3.5 sa kanila ang cavalry, .5 sa infantry, .5 sa mage at .5 sa archers," sagot niya.

"I'm back! for a while..." sabi ko nang makarating na kami sa bahay.

"Ah, welcome back," bati ni Lyfa.

"... Bagay sayo," sabi ko dahil nakita ko siya in a one piece dark colored dress na bahagyang lagpas sa tuhod ang haba, ang buhok niya ay nakalugay, taliwas sa madalas na pony na nakikita ko, and upon closer inspection, naka-make up siya pero light lang ito ending up complimenting her natural beauty.

"Salamat," sabi niya.

"So... Lyfa, pwede magtanong, anong meron?" tanong ko.

"Ah, naisip ko lang na dahil nandito ako sa mansion, kailangan kong mag-ayos in case na may bumisita, tulad ng biglaang ginawa ng mga kaibigan ko, yung mga dati kong co-worker sa lugar na yun," sabi niya.

"Ahh..." sabi ko sabay tango.

"Oo nga pala, magbubukas na sa makalawa yung pinagawa mong bagong SM," sabi niya.

"Sorry Lyfa, ikaw pa ang dadalo sa grand opening," sabi ko.

"Ayos lang, wala rin namang magawa dito maliban lang sa mag-luto at magbasa ng mga libro," sabi niya.

"Oo nga pala, walang entertainment dito kagaya ng TV," sabi ko "then, pakain nga ako ng luto ng aking asawa," sabi ko.

"Ayaw," sabi niya.

"Eh?"

"Gusto kong ipag-luto mo ako," sabi niya.

'Kailangan ko na tapusin yung ginagawa kong recipe book,' sabi ko sa isipan "okay, saglit lang."

"Pakain na rin ako," sabi ni P-knight.

"Okay, okay," sabi ko at nagdiretso na sa kusina.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon