Chapter 152

1K 38 0
                                    

Nang makabalik kami sa may Floria ay ipina-alam ko sa hari ang tungkol sa magic scroll production, kaya agad siyang nagpagawa ng magic scroll workshop, at gamit ang mga materials na binigay ko, ay gumawa kami ng mga magic scroll.

Nagsinungaling si Nekone, kailangan lang ay dragon leather, hindi mahalaga kung anong dragon basta dragon, ganun din sa dugo at brush, pero mas maganda ang quality kung ancient ang gagamitin at mas malakas na magic spell ang mailalagay sa scroll, sa madaling salita, kaming mga guardians lang ang makakagawa ng high-grade magic scrolls.

Dahil sa magic scroll production, naging mahal na ang dragon materials, and in turn, naging mahal din ang scrolls, kasing mahal ng isang dragon equipment normal quality.

"So, kelan ka pupunta ng tempestoria?" tanong ni P-knight.

"Gusto ko sana, agad-agad pero..." sabi ko at tinignan ang dalawang asawa na nasa may damuhan, pinapa-arawan sina Aria at Lantis.

"Gusto nilang sumama?" tanong niya.

"Oo," sagot ko.

"Masyadong delikado, ang bata pa nila," sabi niya.

"Yeah, kaya may maiiwan sa kanila, at pinagtatalunan nila yun tuwing gabi," sagot ko at naalala ang mga chess match nila na nagsimula nang gawin ko ang chess board.

"Saan? Sa binigay mong laruan?" tanong niya na sinang-ayunan ko "ang hari din, nahumaling sa laro na yun, pati ang mga ibang heneral."

"Alam ko, sa totoo nga matapos kong makagawa ng rules manual at sinimulang ibenta yun sa SM, laging out of stock na kaya binigay ko na sa woodworking group ang paraan," sabi ko confirming the lack of entertainment.

"Sino ang leading?" tanong niya.

"Si Lyfa, pagnagtuloy-tuloy 'to, maiiwan si Mimir para magbantay, ang time limit ay pagnagagawa na ni Aria na makakain ng baby food," sabi ko.

"Tatlong buwan at kalahati lang ang kailangan, bali may dalawang buwan pa sila," sabi ko matapos ang calculations converting soria calendar to earth calendar.

"Tapos pupunta na kayo sa Tempestoria," sabi ni P-knight.

"Yup, pero pwede ding iwan ko sila dito at dalhin sina Lina at Lulu, kaso magagalit sila," sabi ko.

"Hindi ko nga pala nakikita kapatid mo," sabi ko matapos ang ilan pang random chattering.

"Hindi mo nababalitaan? Umalis na siya sa kupunan ko," sabi niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Remember yung binigay mong idea nang malamang onti lang ang nagagawang magsulat at magbasa? Ginawa yun ng hari, nagpagawa siya ng tinatawag mong school, at lahat ng mga noble doon nag-aaral since may magic training doon at sword training.

"Hoy, saan itinayo yan?" tanong ko dahil military academy ang ginawa nila base sa mga kwento niya.

"Sa bayan ng Mendez, sa may kanluran, itinayo doon ang paaralan, dun sa teritoryo ng nakakataas saming mga heneral," sabi niya "kinuha si Adelaide bilang guro doon, kinuha ang battle training ng mga battle maids mo—"

"Sabihin mo sa nagpagawa, kukuha ako ng 30% ng sa income ng school na yun, hindi siya nagsasalita at kinuha ng training regimen ng battle maids ko," putol ko sa kanya "paghindi siya pumayag, lagot siya sakin."

"Actually, maglalagay daw siya ng 45% percent every year sa bank account mo, kasabay ng pagbibigay ng tax money sa palasyo," sabi niya.

"Good," sabi ko "tapos may extrang piraso ba ng lupa somewhere dito? Magpapagawa ako ng school."

"Katulad ng school na yun?" tanong ni P-knight.

"As if, military academy yun, ang ituturo sa school na ipapagawa ko ay: yung letters, arithmetic, potion making, blacksmithing, lahat ng crafting job, in other words, merchanting school," sabi ko 'meron bang word na yun?' tanong ko sa sarili.

"Ahh... isang school na kung saan pwedeng mag-aral ang mga normal na tao, yun na lang ang isipin mo," sabi ko nang makitang nalilito siya.

"Ano naisip mo at ginawa mo yan?" tanong ko.

"Sobrang dami ng pera ko, wala akong magamitan since excempted ako sa tax dahil wala akong hawak na teritoryo kasi dito ako sa kapitolyo naka-base," sabi ko.

"Well... actually, kumukuha ang royal treasurer sa account mo, sadyang mabenta lang ang SM, di mo ba napapansin, umonti ang mga tao sa marketplace, lumawak din ang SM at doon na nagsimulang magtayo ng mga tindahan ang mga merchant, naging workshop na ang ibang tindahan sa shopping district, ang may malalawak na pwesto nagpalit na bilang restaurant," sabi ni P-knight.

"Teka... wala akong natatandaang pinalawak ko ang..." at napatingin ako kay Lyfa, ang primary suspect.

"Bakit?" tanong ni Lyfa nang mapansin ang tingin ko kaya tinanong ko siya "oo, nagbigay ako ng go-signal na palawakin ang SM."

"Okay, tara, P-knight, punta tayo sa mall," sabi ko.

"Hanggang ngayon ba naman p-knight pa rin," sabi niya at sinundan ako.

Hindi ko agad namukaan ang mall dahil nagmistulang mall sa earth na ang lawak ng pinagawa ko, merong five floors parin at ganun parin ang flooring system, except gumawa sila ng rampa for easy hauling ng mga weapon crates sa may likod na nagmistulang recieving area ng merchant's hall; nang pumasok ako ay naging mall-like na nga ang loob salamat sa air conditioning magic tool na ginawa ko noon.

At nang puntahan ko ang pangalawa ay ganun din ang nangyari, sa pinagawa kong mall.

"Kaya pala..." sabi ko at nagpunta sa may banko at pinataas ang sweldo ng mga battle maids ko at ang allowance nina Lina at Lulu.

Nang makabalik kami sa teritoryo ko, ay nilibot ko ang buong teritoryo, nakita kong lumawak ang farm land, may live stocks na rin, ang guest house ko naman, ganun pa rin, walang tao, maliban sa mga maids from unknown kung saan nagmula, nagulat na lang ako at dumami bigla.

Ang land managers ay okay naman sila, at nasasanay na sa trabaho nila, ang mga production officers din, successful sa ginagawa nila, ang mga apprentice nila, ang iba may sarili nang shop sa loob ng mall, ang iba naman ay nasa ibang bayan, naglakas loob na magsimula doon.

"Haah... di ko alam ang nangyayari sa buong nasasakupan ko," reklamo ko.

"Isa lang ibig sabihin nun, self-fuctioning ang lugar mo," sabi ni P-knight habang papunta kami sa stables para isauli ang hiniram naming chirtso na ginagamit bilang tagahila ng kariton.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon