Matapos kong dalhin ang mga bata kay Orin ay agad akong umuwi, apparently, naging joint business sila ng accessory group kaya dinala ko doon ang mga batang babae para gumawa ng accessories at ilan sa mga lalaki para maging tagabuhat.
'Maging ayos lang kaya? Hindi kaya mag-away sila?' tanong ko sa isipan pero unfounded ang iniisip ko dahil naging open agad sila sa isa't-isa and dwarves being dwarves, pinakita nila ang nagagawa ng mga artisan race, sana hindi magkaroon ng jealousy.
Nang maka-uwi ako ay nakita ko silang lahat sa sala, hawak-hawak ni Eriole ang isang sanggol na ayon sa identify ay si Aria Lilith Sevilla, ang lilith ay pangalan ng mother ni Lyfa, isa siyang cute na werefox, meron siyang ginintuang buhok, cute na tenga at cute, fluffy small tail.
"Ba't mo pinapaiyak," biro ko kay Eriole.
"Hindi ko siya pinapa-iyak!" sabi ni Eriole at dahan-dahan kong kinuha sa kanya ang bata at nang hawak ko na si Aria ay bigla itong tumahan.
"Ang cute niya," sabi ko at hinawakan ang pisngi ni Aria gamit ang hintuturo ko, gumalaw lang ang ulo niya pero hindi umiyak "ah... tulog na," sabi ko nang makitang may sleeping status na ang bata.
"Ang duga, oras ang kailangan ko para mapatulog siya, ikaw, segundo lang," sabi ni Lyfa habang pinapalobo ang pisngi kaya napangiti ako.
"Kuya... pahawak ako sa pamangkin ko," sabi ni Eri at naalala ko ng existence niya.
"Ah, Lyfa, Mimir, remember yung kinuwento ko sa inyo?" tanong ko "about sa nakakabata kong kapatid?" at tumango sila "okay, ang babaeng 'to ang nakakabata kong kapatid, ang buo niyang pangalan ay Eri Marianne Sevilla, ang pet name niya sa pamilya ay Aria, pinagmulan ng pangalan ni Aria; alam kong nalilito kayo so, sisimulan ko sa umpisa," at sinabi ko na sa kanila ang mga nangyari sa Mountoria matapos kong dalhin dito si Mimir.
"Napatay mo na si Cecile?!" gulat nilang sabi na ikinagulat ni Aria, napadilat siya pero matapos humikab ay natulog na siya uli.
"Ang duga talaga," bulong ni Lyfa pero hindi ko muna iyon pinansin, mamaya siya sakin kwarto.
"Wag kayo papasiguro, ang nasa likod ni Cecile ay isang necromancer, tandaan niyo," sabi ko at nakarating sila sa understandment.
Nang maunawaan na nila ang nangyari ay nagpakilala sila kay Eri.
"Kuya... kindly explain, bakit may dalawa kang asawa? Alam kong kambal sila, pero may difference sila," sabi ni Eri.
"... ganito kasi yan, nasa ibang mundo tayo diba?" tanong ko at tumango si Eri "dahil doon, walang pipigil sa lalaki na gumawa ng sarili niyang harem, after all, walang naghangad na magkaroon ng dalawa o tatlong makakasama," sabi ko "besides, lahat ng malakas na nilalang, may malakas na sex drive."
"Bullshit," sabi ni Eri "ikaw na kailangan pang ligawan ni ate Celine, naghahangad ng dalawa o tatlong girlfriend?"
"Teka, ano yung narinig ko? Niligawan ko siya?" sabi ni Celine kaya sinabi ko ang sinabi ni Eri kagabi "eeww... yuck."
"Maka-yuck ka ah!" reklamo ko at tinitigan ang bata dahil napalakas ang boses ko, pero bilib ako sa batang 'to, malakas ang salita namin pero bagsak at tulog, ibaba ko kaya.
Binigay ko si Aria kay Lyfa, umiyak siya ng onti pero bigla ding tumahan at natulog.
"Okay, ganito kasi yan," sabi ko nang maka-upo sa gitna nina Lyfa at Mimir at sinabi na kay Eri ang tunay na kwento, about sa custom ng Nocturia, light magic, etc.
"Ahh... sana sinabi mo na, umpisa pa lang," sabi ni Eri "kuya, ilibot mo ako."
"Gusto ko sana, kaso pupunta pa ako sa palasyo, kaya... Annalie, ikaw na ang bahala," sabi ko sa maid na naghain ng tsaa at ilang biscuit.
"Opo," sagot ng maid kaya agad na akong umalis at pumunta sa may palasyo, of course naka-helios costume ako.
Nang makarating ako sa palasyo ay nagbigay ako ng complete report, although complete na ang reformation sa papel, in actual truth, malayo pa iyon sa completion, pero hindi kami pwede magtagal doon kaya ipapaubaya namin kay Eri ang lahat.
Nang matapos akong mag-ulat ay tanghali na, at habang naglalakad ako ay may sumusunod sakin kaya...
"Anong ginagawa mo, Adel?" sabi ko.
"May nalaman lang akong balita, asawa mo na daw si Mimir," sabi niya "tinitignan ko lang kung totoo."
"Kaya sinusundan mo ako? Pwede ka namang magpunta sa may bahay," sabi ko.
"Ah! Tama ka!" sabi niya at aalis na sana pero hinila ko ang damit niya "para saan yun?!" sabi niya kaya hinagis ko sa kanya ang <Fire Guardian's Sword> na sinelyo ko uli.
"Isasauli ko, afterall, meron na ako nito," sabi ko at tinapik-tapik ang dalawa sa likod-bewang ko.
"Ikaw ang talagang nagmamay-ari nito, kaya hindi mo dapat isauli, besides, ngayon ko lang nakitang naging short sword ang espada," sabi niya.
"Ano yung sinabi mo? Ngayon mo lang nakita?" tanong ko.
"Nn, nung hawak pa ito ng lolo, isa itong long straight sword, then nagiging greatsword, nagiging rapier, ang sabi ni Lolo, masyado daw malalim ang nagagawa ng espada, parang lumalakas daw ito kasama ang humahawak," sagot ni Adelaide at binigay uli sakin ang espada "kaya siya tinawag na pinakamalakas na espada ay dahil doon, ah, oo nga pala, madalas mag-meditate si lolo habang nasa hita ang espada, sabi niya, kinakausap niya ang espada or something."
"Kinakausap... huh," sabi ko at tinitigan ang espada.
Kinagabihan, matapos kumain, nasa isa akong walang lamang silid, nakaupo ako sa sahig, ang dalawang kamay ay nasa may hita ko at sa kanang kamay ay ang espada.
Nagmemeditate ako, and then sa isipan ko ay napunta ako sa gitna ng gubat, may malawak na clearing doon, at may isang bahay.
Agad akong naglakad papunta sa bahay at doon, nakita ko ang isang lalaki, hindi ko makita ang mukha niya, pero suot niya ay katulad ng suot ko, all-black equipment na boots, pants, shirt, vest, sa kamay niya ay gauntlets, na kilalang-kilala ko, ang <Fire Guardian's Gauntlet> na nakuha ko kasama ang espada.
May mga sinabi ang lalaki pero ang naintindihan ko lang ay: Rafael's Tomb; final floor; mag-isa.
Agad akong nagdilat at napansing pawis na pawis ako.
"Ayos ka lang?" tanong ni Lyfa na yumugyog sakin.
"Ah, oo, ayos lang ako," sabi ko at tinitigan ang espada sa kamay ko, pero wala na sa kamay ko ang espada.
"Lyfa, nang pumasok ka, may hawak ba akong espada?" tanong ko habang tinitignan ang inventory at nakita kong wala na doon ang gauntlet, pati ang mga luma kong equipment, yung suot ko mula nang bago ako magpunta sa may Nocturia hanggang sa makagawa ako ng triple layer equipment.
"Wala, nang pumasok ako wala kang hawak," sabi niya.
'Asaan na ang espada... hindi kaya...' sabi ko sa isipan "Rafael's Tomb, final floor," ulit ko "mag-isa."
"Anong sinabi mo?" tanong ni Lyfa.
"Ah, pupunta ako sa libingan ni Rafael nang mag-isa, aalis ako sa lalong madaling panahon," sabi ko.
"I see, malulungkot nanaman ako," sabi ni Lyfa.
"Nope, hindi ka malulungkot, sisiguraduhin kong hindi ka malulungkot," sabi ko at binuhat ko siya at dinala sa kwarto namin.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...