Chapter 2

6.4K 274 12
                                    

Nang imulat ko ang mga mata ko, tumambad sakin ang isang kisame, may drawings doon pero hindi iyon marehistro sa utak ko sa halip ay: Namatay na nga pala ako... nasa langit ba ako?

"N-nagawa natin" narinig kong sabi ng ilang kalalakihan at nakita ko ilang lalaking nakasuot ng robang puti na katulad nung medieval era.

'G-ganito ang itsura ng langit?' tanong ko sa sarili at napansin ko ang tatlong icon sa gilid ng mata sa may right side ko at yun ay: isang human symbol, bag, at crossed swords.

Pinindot ko ang unang icon at biglang lumitaw sa harapan ko ang isang window na katulad ng sa online games na nagsasaad ng:

Name: Mark Anthony Sevilla

Level: 1

HP: 100/100

MP: 200/200

STR:15

AGI: 35

VIT: 20

INT: 50

TITLE: <WORLD TRAVELER> <OVERSEER OF THE FLAME>

"Game... status?" taka kong tanong sa isipan at pinindot naman ang bag at lumabas ang isang window na may 10x10 slots tulad ng sa <inventory>, at kung ibabase sa mga nakita ko, ang crossed sword icon ay <Skills>.

Pinindot ko ang <x> at nawala ang window at tinignan ang mga lalaking nasa paligid pero busy sila sa pagdiriwang kaya hindi nila pansin ang ginagawa ko.

'In games and novels, nagtatawag sila for something' sabi ko sa isipan matapos libutin ng tingin ang paligid.

Nasa loob ako ng isang silid at kung ibabase ko sa tanawin sa labas ng bintana, nasa mataas akong lugar 'if my guess is correct, sasabihin nila kung ba't nila ako tinawag but...'

Napabuntong-hininga ako dahil hanggang ngayon di pa rin sila tapos sa pagsasaya at di nila pansin na tumayo na ako at lumabas ng silid, totally pinabayaan ang info na makukuha sa kanila.

"Hmm... nasa tower pala ako kanina" sabi ko ng makarating sa labas at tinignan ang toreng nilabasan ko. Mataas ang tore, at estima kong nasa 3-4 na metro ang taas.

Aalis na sana ako pero nakita kong suot ko pa ang damit ko nung namatay ako at naisip na kakaiba iyon para sa mundong 'to kaya bumalik ako sa loob at naghanap ng pwedeng isuot. Sinuwerte ako dahil sa unang pasok ko sa isang kwarto ay nakita ko agad ang isang roba, perfect-fit sakin kaya hindi na ako namroblema at agad na nagbihis. Habang nagbibihis ay agad kong napansin ang isang singsing sa kamay ko, nagtataka ako dahil hindi ako mahilig sa accessory pero eto, meron akong singsing na may kulay pulang bato sa gitna. Sinubukan kong tanggalin ang singsing pero hindi ko magawa, hindi naman masikip at sakto lang pero dahil wala naman akong nakikitang masama ay pinabayaan ko na lang.

Papalabas na ako ng maalala ko ang dati kong damit kaya nilabas ko ang <inventory> at dinikit sa slot ang mga damit. Nag-ripple ang window at sa isang slot nakita ko doon ang mga damit na may tawag na <Other World Clothes>.

"Seriously..." sabi ko habang pinipigilang ngumiti dahil pakiramdam ko ay nasa isa akong laro. Nasa pinto na ako ng makita ko ang isang staff at ilang libro kaya tinignan ko ang isa sa mga libro pero hindi ko mabasa dahil ang title ay... di ko alam kung anong lenguwahe ito pero puro symbols.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon