Chapter 118

1.1K 57 0
                                    

"Nalaman na ba kung ano iyang mga kalatas?" tanong ko kay Celine.

Matapos ang Rebel 'Oldale Base' Subjugation, ay nanuluyan na muna kami sa oldale pansamantala at bago palabasin ang mga nagnanais na lumabas ng bayan ay hinihingi muna ng mga bantay ang ID nila dahil may nakuha kaming mga pangalan nang basahin ko ang isipan nung boss nila, at ngayon iniimbestigahan namin ang kalatas.

"Base sa itsura nitong kalatas, hindi lang basta-bastang papel ito," sabi ni Nekone habang iniimbestigahan niya kung saan gawa ang scroll dahil nung ginamit niya ang isa sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting mana doon ay nasunog ang scroll at nagpakawala ng isang <Meteor Strike> isang advanced rank magic sa ilalim ng elementong apoy.

"Okay, nakuha ko na," sabi ni Alissa, ang nagbabasa nung mga baybay sa kalatas.

"Ano yun?" tanong ko.

"Itong tatlong ito ay <Meteor Strike>," sabi ni Alissa at nang tignan ko ang kalatas gamit ang judge ay nakita kong from <Unknown Scroll> ay naging <Magic Scroll(Meteor Strike)> ang pangalan "tapos ito naman ay isang expert rank water magic: <Blizzard>," sabi niya at binigay ang isang kalatas "tapos itong dalawa na ito ay advanced rank wind magic: <Lightning>."

"Yung natitira?" tanong ko.

"Yung natitira... Well, lahat ay mga <Cura> magic," sagot niya.

"Now... Paano kaya nagawa ito," sabi ko.

"Gusto mo magpadala ako kahit isa sa may <Hydroria>?" tanong ni Nekone "tapos ipa-imbestiga ko doon."

"Tatlo na ang ibigay mo, isang <Meteor Strike>, <Lightning> at yang <Blizzard>," sabi ko.

"Kunsabagay, mas kakailanganin natin ang <Cura>," sabi ni Celine.

"So paanong hati ang gagawin natin?" tanong ni ko.

"I suggest tig tatlo per team, tapos ang matitira ipadala sa <Sylfaen> para ma-imbestigahan din.

"Agreed," sabi ni Celine.

"Then, isang <Lightning> at dalawang <Meteor Stike>," sabi ko.

"Sure ka?" tanong ni Nekone "ayaw mo ng <Cura>?"

"May <Curaga> kami, ako si Lyfa at Mimir ang practitioner; meron ding <Lux Recovera>," sabi ko.

"Ang duga," sabi ni Nekone.

"Oo nga, ang duga," sabi ni Celine at binigay na sakin ang mga kalatas na naglalaman ng mga sinabi ko.

"Saan na ang next?" tanong ni Nekone.

"Nakuha mo ba yung lokasyon nung paglilipatan nila?" tanong ni Celine sakin na inilingan ko.

"Sorry, hindi ko nakuha, nahalata niya yung ginagawa ko," paumanhin ko.

"Ayos lang, may napatunayan naman tayo," sabi ni Celine.

"Yup, napatunayan natin na totoo ang sinabi mo, nagtatago sila sa hindi natin inaasahan," dugtong ni Nekone.

"So, ibig sabihin, itituloy ko yung ginagawa kong peddling?" tanong ko.

"Ah, no, actually, may ipapa-imbestiga ako sa inyo," sabi ni Celine.

"Ano?" tanong ko.

"Well, nakatanggap kami ng ulat na biglang dami ng mga halimaw, hindi kalayuan sa may <Floria Port City>," sabi niya.

"Iimbestigahan namin kung ano pinag-mulan nun?" tanong ko.

"Yes, kasi sabi ni Zeke, bago daw yung <Skeleton Dragon Incident>, nakatanggap sila ng ulat paukol sa biglang pagdami ng mga <Undead> type," sabi niya.

"Okay, iimbestigahan namin," sabi ko at humarap sa mga kasama "narinig niyo diba, ang susunod nating pupuntahan ay ang kweba malapit sa <Floria Port Town>, maghanda na kayo!" sabi ko.

"Roger!" sabi nila at umalis na para sa paghahanda.

"Kailangan pa ba maghanda?" tanong ni Celine.

"Of course, para sa mga okasyon na hindi mo inaasahan," sabi ko.

"Paano mo mapaghahandahan ang hindi mo inaasahan?" tanong ni Nekone.

"Isipin lahat ng posibilidad; asahan ang mga hindi inaasahan," sagot ko.

"Okay, okay," sabi ni Celine.

"Ano nga pala ang tawag sa kweba na iimbestigahan namin?" tanong ko.

"<Shoal Cave>," sagot ni Celine.

********************************************************************************************

"Ah... nakarating din sa wakas," sabi ko matapos ang ilang araw na pagtakbo.

Mabagal ang takbo namin dahil kay Lina na hindi makahabol sa bilis namin kaya hindi kami agad nakarating.

"Tara, bisitahin natin sina Lamiah," sabi ko na tinanguan nila.

Nagpunta kami sa bahay nina Lamiah, at ang napansin ko kaagad ay wala na ang <Magic Tent>.

"Tao po," sabi ko sabay katok at ang nagbukas sakin ng pinto ay isang batang lalaking Florian ang itsura at mas matanda lang ng onti kay Lulu.

"Ah! Kuya Mark!" sabi ng lalaki.

"Julius, andyan ba ang mga magulang mo?" tanong ko.

"Wala po, si tita Liz lang ang nandito, pagka't umalis po ang ina at nagpunta sa pamilihan, at ang ama naman ay nasa kanyang opisina sa City Hall," sagot ni Julius "pasok po muna kayo kuya."

"Paumanhin ngunit hindi namin magagawa," sabi ko "kailangan kasi namin imbestigahan ang kweba na tinatawag na «Shoal Cave».'

"Ah, kung gayun, dadalhin ko po—"

"Tapos tatakas ka at maglalaro sa labas, nakalimutan mo bang pinagbawalan kang lumabas bilang parusa?" sabi ni Liz na nasa likod ni Julius, at sa binti niya ay nagtatago ang isang batang babae.

"Kamusta," sabi ko sabay taas ng kamay.

"Mabuti naman... alam ko na mahilig ka sa bata pero di ko aakalain na..." sabi niya nang makita sina Lina at Lulu.

"Anong pinagsasabi mo?" sabi ko.

"Hindi ba't asawa mo na sina Lyfa at Mimir; narinig ko sa isang bar na sinabi daw ng hari na inasawa mo sila, kaya sumama sa iyo," sabi niya na hindi ko magawang tanggihan dahil nasa paligid sina Lina at Lulu.

"Hindi ko asawa sina Lina at Lulu... Mga kapatid ko sila, or at least yun ang turing ko sa kanila," sabi ko "tama, may alam ka ba paukol sa «Shoal Cave»? Busy kasi sina Celine kaya kami ang itinalagang mag-imbestiga."

"Mas mainam kung si kuya ang magsabi sa inyo, tara dadalhin ko kayo sa opisina niya," sabi ni Liz "Julius, bantayan mo si Julis," at lumabas na siya ng pinto at dinala kami sa guild na siya ring city hall.

Nakita namin doon ang kuya ni Liz at matapos ang pleasantries ay sinabi na niya ang mga nalalaman sa «Shoal Cave».

In summary sa info na nakuha namin: ang kweba ay pinaninirahan ng mga halimaw, madalas na may mga mangangaso ang pumunta doon para pumatay ng ilang palaka para sa karne, hindi naman daw lumalabas ang mga palaka pero isang araw, nagulat na lang sila dahil nasa labas na ang palaka, at ngayon makikita mo na sila sa labas at sa paligid ng bayan ilang lakaran lang ang layo, dahil may mga namatay na sa mga palaka ay humingi na sila ng tulong sa pag-iimbestiga at kami ang pinadala.

"Okay, titignan na namin," sabi ko matapos malaman ang lokasyon ng kweba.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon