"Ano ba meron sa espadang yun?" tanong ko dahil grabe maka-react si F-guy sa nalaman.
"Sobrang halaga ng espadang iyon, dahil iyon ay ang espada ng kaunaunahang tagapangalaga," sagot ni F-guy "paano nawala ang espada? Ninakaw?"
"Tanging ikaw lang ang nakakahugot non sa bato, paano mananakaw yun?" sabi ni Adelaide.
'Nakakahugot sa bato? Ano 'to, mala 'king arthur' lang? Sword in the stone?' taka kong tanong sa sarili.
"Kung gayon, paano nawala?!" tanong niya.
"Aba'y ewan, sinabi lang sakin iyon ni ama at sinabihan pa nga ako kanina na isauli mo agad kahit na ikaw lang ang nakakahugot non, pero dahil sabi mo ay hihiramin mo, napagtanto kong nawawala ang espada," sabi niya at napaupo si F-guy.
"Sino ba 'tong tagapangalaga na 'to?" tanong ko
"Pati tagapangalaga hindi mo alam?!" tanong niya "saang lupalop ka ba nanggaling?"
“Uhmm... sa totoo lang... di ko matandaan kung sino ako at tanging pangalan lang ang tanda ko at ilang spells,” pagsisinungaling ko.
“I see... then ipapaliwanag ko sayo,” sabi niya “ang tagapangalaga ay ang diyos natin, pinoprotektahan niya ang bansa natin laban sa mga halimaw.”
“Ah... kung siya ang diyos... di ba dapat immortal siya?” tanong ko
“Ahahaha!” tawa ni F-guy “hindi siya immortal, tulad natin siya, isang tao, ang kaibahan lang, higit na malakas siya kesa sa normal na tao.”
“Example?” sabi ko at saglit siyang nag-isip.
“Malakas siya, kasing lakas niya ang isang level 50 soldier kahit na isa lang siyang level 20 mage,” sabi ni Adelaide.
“Wow... malakas nga siya...” sabi ko “how about titles?” tanong ko
“Hmm... titles?” tanong ni Adelaide “ang pinakatumatak sa isipan ko ay tatlo kasi lahat sila meron non.”
“Ano yun?” tanong ko.
“<Awakened Being> <World Traveler> at <Overseer of flame>” sagot niya at nanatili akong nakatingin sa kanya dahil nasa akin ang tatlong yun.
“Ayos ka lang? Para kang nakakita ng isang spectre type monster,” sabi ni Adelaide.
“Spectre-type?! Meron nun?!” gulat kong tanong para maitago ang kaba.
“Meron at tanging spells lang ang nakakabawas sa kanila,” sagot ni Adelaide.
“Wow...” sabi ko “anyway, bakit nasa inyo yung espada? Descendant kayo ng first?” tanong ko at umiling si Adelaide.
“Descendant kami ng desipulo ng first at ng last guardian,” sagot niya.
“... Di ko nakuha,” sabi ko at pinaliwanag nila na asawa ng last guardian ay descendant ng deciple ng first kaya naging ganun.
“So... wala na namang gagawin diba, I’ll take my leave,” sabi ko at maglalakad na sana pero pinigilan ako ni F-guy.
“Kung kakailanganin ka namin, saan ka namin makikita,” tanong niya.
“Now... yan ang problema kasi nagcheck-out na ako sa inn na tinulugan ko bago ako pumunta sa <Goblin Extermination> quest kaya maghahanap pa ako,” sagot ko.
“Then... bakit di ka muna manuluyan sa bahay,” suhestiyon ni Adelaide.
“Papatulugin mo siya sa bahay?!” gulat na tanong ni F-guy “gusto mo bang patayin siya ni ama?”
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...