Chapter 41

1.9K 113 0
                                    

"Haah... Buti naman at nagawa mo na rin ang <Double-Cast>" sabi ni Luxerra nang magawa ko ng magpalabas ng palasong yari sa apoy sa kanan at isang bolang apoy sa may kaliwa.

"Mahirap kaya!" reklamo ko nang makita na ang passive skill <Double-Cast> notification.

"Ngayon danas mo na ang paghihirap ng mga nag-aaral maging isang mahikero," sabi ni Luxerra.

"Haah... pero at least, ito na ang huling araw," sabi ko dahil anim na araw na ang lumipas simula nang turuan ako ni Luxerra, marami akong natutunan, nagawan ng combo at kung ano-ano pang kailangang malaman ng isang mage sa isang laban.

"Haah, well, marami rin naman akong natutunan sayo, specially, magic modification," sabi ni Luxerra at tinuro ang silangan "diretsuhin mo yan at makakarating ka na sa bayan."

"Hindi ka ba sasama samin?" tanong ni Lyfa dahil sa loob ng anim na araw na iyon ay naging malapit silang dalawa.

"Gustuhin ko man, hindi pwede, hindi lelevel 'tong estudyante ko at bawal mag-sama ang dalawang tagapangalaga dahil walang makukuhang experience points, pero isang tagapangalaga at desipulo kahit iba pa ang elemento niya, pwede silang mag-sama," sagot ni Luxerra at nagpaalam na bigla na lang nawala.

*************************************************************************************

"Tapos na?" tanong ko ng biglang lumitaw si Luxerra sa harapan ko.

"Oo mahal kong kakambal," sabi niya at umupo sa upuan na nilaan ko talaga para sa kanya.

"Mahal na Luxerra," sabi ng desipulo ko at iniabot ang isang tsaa.

"Salamat," sabi niya at uminom sa tsaa bago nagsalita ng "Noir-"

"Bakit?(po?)" sabay naming sabi ng desipulo ko.

"Bakit kasi pareho kayo ng pangalan?!" reklamo ni Luxerra.

"Pinangalan sakin si Noir kaya anong magagawa ko," sabi ko at napabuntong hininga siya.

"Calyx-"

"May tumawag po ba sakin?" sabi ng pinakabata sa mga desipulo ko na pumasok ng marinig ang pangalan.

"Hindi ikaw iho," sabi niya "Leonhart- hindi ikaw!" ani niya ng pumasok ang isang lalaking desipulo ko na pangalan ay Leonhart "Haah... ano na ba ginagamit mo ngayon?" tanong niya at napangiti ako.

"Ang pangalan na ginagamit ko ngayon ay-"

*************************************************************************************

"Eto na ang <Slyfaen City>," sabi ni Lyfa nang matanaw ang pader na pumoprotekta sa siyudad.

Nagkatinginan kaming dalawa at kumapit siya sakin kaya naman agad ko siyang binuhat at

"<Flight> <Heat Haze>" at lumipad na kami patungo sa kabilang side ng pader.

"Wow... ramdam mo ang tense atmosphere," sabi ko dahil sa katahimikan.

"Didiretso ba tayo sa palasyo?" tanong ni Lyfa.

"Hinde, aantayin natin sila," sagot ko.

"Then saan muna tayo?" tanong ni Lyfa.

"Tara," sabi ko at nagsimulang maglakad, sinabi sakin ni Eriole ang daan patungo doon kaya naman agad naming narating ang tinutuluyan ng mga nailigtas namin noon.

Pagkabukas na pagkabukas namin ng pinto ay si Liz ang una naming nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dahil binilin kong palikasin sila.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon