"Okay, kayong lahat," sabi ko sa mga binili kong alipin nang makarating kami sa palasyo, "makinig muna kayo!" sabi ko dahil salita sila ng salita "hindi pa ako nakakapunta sa bansa niyo at nagbabalak pa lang," sabi ko "nagagawa ko kayong maintindihan ay dahil ako ang tagapangalaga ng apoy," dugtong ko at tumigil, inaantay na may mag-react ngunit walang nag-react ni isa.
"Okay... malayo sa inaasahan ko," sabi ko "anyway gusto kong pag-aralan niyo ang lengguwahe namin at ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko sa kauna-unahang elf na nabili ko.
"Emeralda," sabi niya.
"Kaya mo bang lumaban?" tanong ko.
"Oo, gamit ang isang rapier at may alam ako sa mahika," sagot niya at tumango-tango ako.
"Ano ang estado mo sa Hydroria?" tanong ko.
"Ako ang reyna nila," sagot niya dahilan para masamid ako sa sarili kong laway.
"Ikaw mismo ang reyna?!" tanong ko.
"Oo, pero dahil sa isang civil war, napilitan akong magtago-tago at dahil doon, nahuli ako ng mga mang-aalipin ganun na rin ang lima kong anak," sabi niya at tinignan ko ang limang babaeng elf.
"Sila?" tanong ko at tumango ang reyna kaya napakamot ako ng ulo.
"Tawagin niyo nga yung hari!" sigaw ko at agad na sumunod si Calyx "Lyfa, desipulo ka na at naiintindihan mo ang reyna diba?" tanong ko at umoo siya "ikaw na bahala mag-translate," sabi ko.
"Reyna Emerlada, nais kong ipakausap ka sa hari, dahil nais naming makipag-alyansa sa lahat ng mga bansa," sabi ko sa reyna.
"Tulad ng plinano nina Flamma bago sila namatay?" tanong ng reyna.
"Paano mo nalaman yan?" tanong ko.
"Kaming mga Hydroriano't Hydroriana ay pinapahalagahan ang lahat ng mga inpormasyon na kaya naming makuha kaya sa bansa namin ay mayroon kaming aklatan na tinatawag na <Grand Archive> at nandodoon lahat ng mga ginawa ng mga tagapangalaga simula sa henerasyon ni panginoon Aqua hanggang sa henerasyon ng panginoong Kaori," sabi niya.
"Lahat ng mga ginawa nila?" tanong ko at tumango ito "gusto kong basahin ang mga tala na iyon," dugtong ko dahil maaring makakuha ako ng ilang <Technique> or <Magic> sa pagbabasa ng mga tala.
"Bakit mo ako pinatawag ngayong nasa kalagitnaan na ng gabi," tanong ng hari, nakasuot lang siya ng isang roba at halatang suot niya pa ang sleepwear niya.
"Ang lakas ng loob mo ah, andito ang reyna ng Hydroria," sabi ko.
"Hayaan mong ako'y magpalit ng kasuotan," sabi ng hari at umalis muli.
"Calyx dalhin mo na ang Reyna Emeralda at si Lyfa sa silid na ginagamit ng hari sa pagpupulong," sabi ko.
"Masusunod po," sabi ni Calyx at tumayo na si Lyfa at kasama ang reyna ay umalis na sila.
"Okay, kayong mga fairies, ano ang estado niyo sa tempestoria?" tanong ko in hopes na maka-jackpot uli ako.
"Normal na bata," ang sagot nilang tatlo.
"At ikaw?" tanong ko sa dwarf.
"Isang panday," sabi nito.
"Okay," sabi ko "tulad ng sinabi ko kanina, nais kong pag-aralan niyo ang lengguwahe namin at gagawin ko kayong mga trabahador ng palasyo sa DFA," sabi ko "Department of Foreign Affairs," sabi ko nang bigyan nila ako ng nagtatakang tingin.
"Paano kami?" tanong ng isang elf.
"Bahala na ang reyna kung sino ang ipapadala niya bilang representative niyo sa DFA," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...