Chapter 158

999 45 0
                                    

"Oo nga pala, sana hindi illegal ang mga slaves mo," sabi ko.

"Huh? Illegal slaves?" tanong niya.

"Mga dinukot at ginawang slave," sabi ni Celine "nangyari yan madalas, specially sa Floria."

"Tanging mga debt slave, mga taong naging alipin dahil sa utang; birth slave, alipin ang mga magulang; at crime slave mga may mabibigat na kaso lang ang mga legal slave," sabi ko "gusto ko sanang i-abolish na yun slave system kaso parte na ng everyday life nila ang slavery kaya pinahigpitan ko na lang mga batas sa slaves."

"Oh... actually, nakuha ko sila as reward sa isang slave trader," sabi niya.

"Anong pangalan ng firm?" sabay-sabay naming sabi nina Eri at Celine.

"Pangalan? Hindi ko nakuha eh, tsaka matagal na yun, almost 5 months ago, bakit?" tanong niya.

"Well, may mga illegal slaver, at may list kami ng mga legal slave trading firms," sabi niya "kung wala sila sa list, illegal sila," sabi ni Celine.

"Ah... I see..." sabi ni Ventus.

"Oo nga pala, gusto niyo maging desciple?" tanong ni Nekone sa mga slaves.

"Desciple?" tanong ng babaeng walang collar.

"Let's just say, na mga katulong ng mga guardians," sabi ni Celine "tutulungan niyo si Ventus, sa mga gagawin niya," and with the span of 3 seconds lahat sila pumayag; ang element ng mga kasama niya ay: wood, wind, fire, water and earth.

After mailagay siya sa friendlist ay agad na kaming umalis, after niyang mangakong tutulong siya kung may trahedyang gugunaw sa mundo.

*****************************************************************

"Mark, biglang nagkaroon ng skill points ang technique tab ng skills ko," sabi ni Lyfa sakin nang makauwi na kami.

"Ah, nakita na namin yung final guardian, siguro dahil doon kaya ngkaroon na din kayo," sabi ko.

"Oh, so ibig sabihin pwede na kaming mag-rebirth!" sabi ni Lyfa.

"Yeah, pero wag muna at kinonekta ko ang card niyo sa card ko, kaya ipapahiwalay ko lang muna at lalagyan kayo ng pera for that," sabi ko.

"Ah, oo nga pala may title kang <Scrooge>," sabi niya.

Nagtuloy-tuloy ang peaceful everyday life namin, although isang flag, pero sana ganito na lang at manahimik na lang sa isang tabi ang summoner now called <Demon God>, pero imposible iyon kaya patuloy lang kami sa pag-iipon ng war potentials. 

One year, two years, three years, four years ang lumipas, sa loob ng apat na taon na yun, walang mga world class disaster ang dumating at nanatiling payapa ang mundo; by repeating the rebirth and upping one stats only, isang stats na lang ang kailangang pataasin nina Lyfa at Mimir para maging isang demi; as for Lina and Lulu, naunahan nila sina Lyfa kaya naman nanatili na sila sa itsura nila dahil tumigil na sila sa pagtanda; nang mag-three sina Aria at Lantis, tinuruan namin sila ng mahika, dual element silang dalawa; si Aria ay fire and wood, si Lantis naman ay fire and water.

In those four years, marami ring nangyari na hindi naman gaanong kaimportante like ikinasal si P-knight at ang last princess, well, wala akong pake sa romance nila kaya hindi ko pinansin ang development nila; sina Lafayette at Zedrick, ikinasal din, walang ceremony ang mga nocturians maliban doon, kaya nagulat na lang kami nang bumisita kami nina Lyfa at Mimir para makita ng hari ang apo niya, at makita naming lobo na ang tiyan ni Lafayette.

"Papa!" tawag sakin ni Aria habang nagbabasa ako ng isang libro.

"Bakit?" tanong ko.

"Ta-dah!" sabi niya at pina-apoy ang kamay.

"Ang galing naman ng anak ko," sabi ko, niyakap siya at kinanlong sabay himas sa ulo niya.

"Papa!" tawag naman ni Lantis at nagpalitaw ng bolang tubig sa kamay niya.

"Ikaw din, ang galing mo din," sabi ko at kinanlong din si Lantis "nagagawa niyo na agad ang chantless."

'Mark!' tawag sakin ni Celine through telepathy.

'Bakit?' tanong ko.

'Magpunta ka sa Nocturia, isama mo sina Lyfa at Mimir, pati na din sina Lina at Lulu, may problema tayo, kaya magpunta kayo dito, now na!' sabi niya at pinutol ang koneksyon.

"Aria, Lantis, aalis muna sina mama at papa, kasama sina ate Lina at ate Lulu," sabi ko sa dalawa at sumimangot ang dalawa kaya ngumiti ako "babalik din kami agad, kaya dito muna kayo at magpakabait kasama ang mga yaya, okay," sabi ko at tumango sila kaya kinontak ko sina Lyfa at Mimir na kasalukuyang nagpapa-level; si Lina na nagtuturo ng basic magic sa school at si Lulu na nagpapatrolya sa siyudad dahil sa kawalan ng magawa.

In a span of five minutes, agad silang nakarating sa bahay, asking for explanation, kaya agad kong pinaliwanag ang lahat, although sinabihan ko si Lyfa na mag-retire na at manahimik sa bahay, ang pagkakaintindi niya sa pagtapos nito ay after maging peaceful na talaga as in wala na ang summoner kahit na feeling ko, iyon talaga ang inisip niyang meaning.

Pero bago kami maka-alis, biglang dumilim ang kalangitan kaya instinctively, napatingin kami sa langit at nakitang makalutang doon ang isang babae.

"Tch, nabuhay pa nga siya," sabi ko at kumunot ang noo, dahil ang babae ay si Cecile.

Nakasuot si Cecile ng itim na leotard kung saan ang skin exposure ay hindi pwede sa mata ng mga bata, knee-high boots, sa kanang kamay niya ay guwantelete na may mga kukong maaring ipang-kalmot, no actually, baka claws nga iyon with a familliar crimson gem sa sentro, tulad nung una ko siyang makita, meron siyang pakpak na katulad ng sa paniki or dragon.

"People of Floria♪" sabi niya at biglang tumahimik ang paligid "clichè pero first of all, ako si Cecile Mendez, now known as <Lust>♪, isa sa seven generals ng demon army♪, nandito ako para ipaalam sa inyo na tapos na preparation kaya naman♪" sabi niya "magseseryoso na kaming sakupin ang buong mundo," sabi niya totally nawala ang joking tone.

"Victory comes to the swift!" sigaw ko at nagpakawala ng mga blazing sword waves kay Cecile, nagpakawala din si Lyfa ng isang full-powered exploding arrow; si Mimir ng ilang bala ng lightning bullet; exploding knife naman ang inihagis ni Lulu at si Lina naman ay nagpakawala ng mga ilang high-class magic.

"Ooh~ mahal ko♥ babawiin na kita sa dalawang asong iyan♪ pero hindi ngayon♪ dahil magagalit sakin ang my lord♥, kaya regalo!" sabi niya at biglang nagkaroon ng mga dragon sa paligid, mga dragon na nabubulok na ang mga laman, kita na ang mga buto at naglalabas ng isang deep violet miasma.

Hinarangan ng mga dragon ang atake namin annihilating them, may mga nalalag na piraso ng karne sa siyudad at susundan na sana namin ang atake pero...

"Yun lang♪ next time na magpunta ako, yun na ang araw na sisirain ko ang bansang ito♪ papatayin ang mahal ko, i-revive at maging puppet ko na tanging ako lang ang mamahalin♥ so pano, bye bye♪" at bigla na lang siyang nawala, and then nakarinig kami ng mga sigawan sa siyudad.

'Sorry, Celine, may emergency dito,' sabi ko through telepathy habang pinupuntahan namin ang mga pinagmulan ng sigaw.

'So, nagdeklara din diyan,' sabi ni Celine sakin.

'No, totoong nagdeklara pero nag-iwan siya ng regalo,' sabi ko dahil nakita ko kung paano maging isang maliit na dragon ang bumagsak na laman, ang dragon ay around 20 meters ang laki, tulad ng pinagmulan, nabubulok din ang laman at ayon sa <Identify> ay isa iyong <Zombie Dragon> at nakita ko sa map na nagkaroon din ng mga zombie dragon sa ibang lugar na binagsakan ng mga laman.

"Lyfa, Mimir, Lina, Lulu, maghiwa-hiwalay tayo, merong limang <Zombie Dragon> na nagmula sa mga nalaglag na laman, patayin niyo sila at siguraduhin niyong walang laman ang matitira!" sabi ko.

"Roger!" sabi nila at agad na umalis at ako naman ay tumalon at tumayo sa harapan ng <Zombie Dragon>.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon