Chapter 35

2K 110 0
                                    

"Damn," bulong ko nang makakita ng mga guwardiya, limang araw na ang nakakaraan ay nakita namin ang wanted poster naming tatlo nina Lyfa at Eriole kahit na ang inaasahan ko lang ay ang wanted poster nilang dalawa siguro dahil dinescribe ako either ni Zedrick or ni Celine ay nagkaroon ako ng poster.

"Road block," sabi ni Eriole ng makita ang mga guwardiyang tinitignan ang bawat mukha sa isang karwahe at lahat ng naka-hood na manlalakbay, meron ding isang mago sa pag-aakalang may ilusyunista kami.

"Ano na ang plano?" tanong ni P-knight at tulad ng dati binabasa ko ang nasa isipan niya.

'Knowing him sasabihin niya ay isang reckless option.'

"Hmm... Ano nga ba?" tanong ko dahil kung mag-iba kami agad ng ruta ay paniguradong makakatawag kami ng pansin.

Habang nag-iisip ako ng gagawin ay nakita kami ng isang babaeng may tenga at buntot na katulad ng sa isang kuneho na agad sumigaw ng

"Yung mga pinaghahanap niyo, tumakbo doon!" at tinuro ang isang direksyong malayo samin at dahil din doon ay napatakbo ang ilang guwardiya sa direksyon at naiwan din ng natitrang guwardiya ang poste niya kaya naman nagawa naming makalusot.

"Sino kaya yung babaeng yun?" tanong ni Eriole ng makalayo-layo kami sa may checkpoint at kasalukuyang nagpapahinga.

"Tara na bago pa tayo mahuli dito," sabi ni P-knight.

"Hindi ba kayo magpapasalamat?" tanong ng isang babae kaya agad kaming napalingon at nakita ang babae kanina.

"S-salamat, pero sino ka?" tanong ko at binasa ang isipan ng babae.

'Ah! Ang tagapangalaga ng apoy, totoo nga ang sinabi nung mga kasama ko noon, kaso parang hindi niya ako namumukaan, sira ulo rin kasi ako ba't di kasi ako lumapit at nagbigay ng impresyon sakin, haahh... Ba't kasi ako nagkagusto sa isang lalaking hindi nakakatanda sa isang babaeng niligtas niya sa nga slave hunter,'

"Ikaw yung... Isa sa mga babaeng nailigtas namin noon," sabi ko pinepekeng natandaan ko na siya.

'Pakiramdam ko nandaya ako dahil binasa ko ang isipan niya' sabi ko sa isipan at itinigil ang <Mind Reader>.

"Oo, isa ako sa mga babaeng niligtas niyo noon, maari bang magtanong? Pumalpak ba ang alyansa?" tanong niya.

"Maari mong sabihin yan," sabi ko.

"Bakit?" usisa niya

"Kasi, yung tagapangalaga ng kagubatan, gusto akong patayin dahil sa isang personal na bagay," sagot ko.

"Tapos ayaw niyang makipag-alyansa dahil lang doon, hindi na niya inisip ang bansa at ang mga mamayan," kunot noo niyang sabi.

"Ano nga pala ang iyong pangalan?" tanong ko.

"Liz," sagot niya "tara sasamahan ko kayo patungo sa susunod na bayan,"

"Pasensiya pero hindi muna kami pupunta sa mga bayan," sabi ko at tumango-tango siya at muli, binasa ang isipan niya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon