Nang magawa na ni Aria na makakain ng baby food ay agad na kaming naghanda ni Lyfa, ang nanalo, sa pag-alis, on stand by muna sina Lina at Lulu kaya kaming dalawa lang ang aalis.
Habang nag-aantay ako ay gumawa din ako ng mga bago nilang equipment, kagaya na lang ng pana ni Lyfa, ganun pa rin ang style, pati ang cards, except legendary rank na at +100; pati ang mga suot niya at ang hunting knife.
Sinubukan ko ding gumawa ng baril and regretted it, kaya isinelyo ko sa item box ang ginawa kong magic gun at sinabihan si Mimir na hindi ako nakagawa kaya gumawa na lang ako ng magic magazine, isang magazine na kailangang lagyan ng mana para magamit, may permanent crystal sa loob ng magazine na nagsisilbing container ng mana at ang isang magazine ay may 30 rounds, nakuha ko yung ideya matapos makita ang production ng crystal bullet at runed bullet, kaya naman may magazine na naglalabas ng fire shot, may naglalabas ng ice shot, thunder shot, magic shot, gumawa din ako ng mga balang naglalaman ng tranquilizer, toxin, paralysing toxin, at dahil sa irregularity ng mga bala, nakaselyo din ang mga yun sa item box ko at binigay lang ang magic magazine na tinawag niyang crystal case, pero hindi niya rin yun magagamit kasi maiiwan siya.
"Asaan ba naka-puwesto ang <Tempestoria>?" tanong ni Lyfa sakin ng nasa labas na kami ng bayan.
"Going by the flow, nasa Australia?" patanong kong sagot.
"Australia? saan yun?" tanong ko.
"Sa mundo namin, tara, alam ko ang lokasyon," sabi ko "kahit papaano," dugtong ko at tinawag na si <Flamma> at lumipad na kami papunta sa <Tempestoria>.
Kinailangan ng isang buong araw isang buong araw para makarating sa bansa ng <Tempeatoria>, napadaan ako sa philippine like islands, basing sa map pero no time to explore kaya nilampasan ko na lang.
Ang nilapagan ay isang plains na napapaligiran ng mga gubat, doon na din kami nag-camp.
"Lyfa," tawag ko habang nakahiga kami sa sleeping mat, naglagay ako ng magic na mag-aalarma samin kaya okay lang na sabay kaming matulog.
"Ano yun?" tanong niya.
"Uhm... sorry kung biglaan, pero pagtapos nito... please retire," sabi ko.
"Doon na lang ako sa bahay at alagaan ang mga bata?" tanong niya.
"Yes," sagot ko.
"Okay," sabi niyang naka-ngiti at hinalikan ako, ang kamay niya naglalakbay sa sikmura ko, pababa.
"Lyfa..." sabi ko nang maghiwalay ang labi namin at ngumiti lang siya, with hazy eyes that is.
The next day, nang maglakbay na kami ay blooming si Lyfa.
On second seal ako, basically, bumalik ako sa level ko bago ang ascencion, 350; ang mga nakalaban namin ay mga low level monsters, pero maraming wyvern sa paligid, na for better or worse, one hit lang ni <Infernus MK. II> ang ginawa kong weapon na plus 100 at legendary class, or ni <Mercurius> ang pana ni Lyfa.
Ilang araw din ang lumipas simula nang makarating kami dito, at nang makarating kami sa isang settlement ay...
"Oi! May bagong dating!" sabi ng isang lalaki, mukha siyang human, except for those pointed ears at sa mala-tutubi niyang pakpal sa likod "tawagin niyo ang village chief!"
Ang settlement ay may area na 15km diameter at puno ng nipa huts sa kabilang side, at ang kabila naman ay farm. Napapalibutan ang village ng mga bakod na yari kahoy at may dalawang entrada, isa sa north, at isa sa south na siyang kinatatayuan namin ngayon; sa tabi ng gate ay dalawang watchtower, although, watchtower, isa lang iyong mataas na platform na may bubong, pahingahan siguro ng mga bantay.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...