Chapter 56

1.8K 108 0
                                    

"Gising na," narinig kong sabi ni Lyfa sabay yugyog sakin kaya agad akong nagdilat at nakitang bukangliwayway na at papasikat na ang araw.

Agad akong nagbangon, pinipigilan ang pag-hikab, at agad na nagbihis, habang ginigising ni Lyfa ang kapatid.

Nang makapag-ayos na kami ay agad kaming bumaba, apparently, nagpaalam si Lyfa kagabi na gagamitin niya ang kusina, kaya nakapag-almusal kami bago umalis.

"Lyfa, gaano karami ang mga palaso mo?" tanong ko habang inaantay sila sa kankurang tarangkahan tulad ng plano.

"Limang punong quiver lang ang meron ako," sabi niya at tinapik ang quiver sa may likod-bewang niya na kayang maglaman ng tatlumpung palaso.

"Ba't di mo ginawang anim?" tanong ko dahil may <Inventory> na naman siya.

"Nagpaturo ako kay Mira na gumawa ng palaso kaya mas mapaparami ang palaso ko kung bibili na lang ako ng materyales at gumawa na lang," sagot niya.

"<Magic Arrow>? Tinuro sayo ni Mira?" tanong ko at umiling siya

"Ano yung <Magic Arrow>?" tanong ni Mimir.

"Alam mo yung <Mana Arrow>?" tanong ko kay Mimir at nang umoo ito ay ginamit ko ang <Astral Bow> "ang <Magic Arrow> ay kahalintulad ng <Mana Arrow> ngunit kailangan ng pana para magamit," sabi ko at hinila ang imaginary string ng <Astral Bow> at nagkaroon ng palaso doon "Ito yung <Magic Arrow>," sabi ko at binitawan ang imaginary bow string at kumawala ang palaso at tumama sa bato dun sa may malayo.

"Sa unang tingin mukhang madali pero kung gagawin mo na, ang hirap pala," sabi ni Lyfa habang sinasanay ang sariling gamitin ang <Magic Arrow>.

"Pero kung natutunan mo na, hindi mo na kailangang gumamit ng palaso unless naisin mong pasabugin sila," sabi ko at umupo at sinimulang hatihatiin ang mga binili ni Lyfa na potoins, mainly HP Recovery, MP recovery, at All-Purpose Antidote na may ratio na 3:4:3 at hinati ko iyon evenly saming tatlo at kung may matira ay ibibigay ko sa kung sino ang pinakanangangailangan tulad ng kay Mimir na MP recovery ang kanya at kay Lyfa ay HP recovery.

"Paumanhin kung kami ay nahuli," sabi ni Princess kasama ang prinsesa Lunaria parehong lulan ng chirtso.

"Kami wala?" tanong ko.

"Andito ang inyo," sabi ni P-knight at nakita siya sa may bandang likod, hila-hila ang tatlo sa mga ginamit naming Chirtso noon.

"Okay, game, tara," sabi ko nang makasakay na kami sa Chirtso.

"Quest: Retake Hydroria! Start!" sabi ni P-knight.

"Roger!" sabay-sabay naming sagot.

****************************************************************************************

"Wow... ang tahimik," sabi ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa susunod na bayan, nais ko mang madaliin ay hindi namin magawa dahil matirik ang tinatahak namin.

"Lyfa, sana naman hindi maulit yung nagyari nung papunta tayo ng Nocturia, ano?" sabi ko.

"Wag mo sabihin at baka mangyari nga," sabi niya.

"Ano ba nangyari?" tanong ni Mimir.

"Nahuli kami ng dating at naiwanan ng barko patungo ng Nocturia kaya napilitan kaming mag-antay doon," sagot ni Lyfa.

"Tapos, nagkataon pang may Thaniar sa paligid kaya napilitan kaming kalabanin ang halimaw kasama ang lahat ng adventurer... at least iyon ang plano pero nandoon si Luxerra at pinatay ang Thaniar para samin," dugtong ko.

"Hmm... iyon pala ang kabuuang nangyari, ang ulat lang na natanggap namin ay may Thaniar sa paligid ng siyudad kaya pinalikas ang lahat ng mga mamayan at mga adventurer rank D and below bilang paghahanda kung sakaling maisipang atakihin ng Thaniar ang siyudad, pero nung naging masyasong malapit na ang halimaw ay nagsagawa ang guild ng grupong aatake sa halimaw ngunit isang babae na ang pumatay sa halimaw with a eyewitness ng isang lalaki," sabi ni Princess.

"Ako yung lalaking yun," sabi ko at tumango-tango si Princess ganun na rin si Lunaria.

"Sorry to be rude, pero ano ang mga level niyo?" tanong ni Lunaria matapos ang ilang oras.

"Ako? Hmmm... nasa... 90 na," sabi ko hindi makapaniwala sa bilis ng pag-level ko.

"ako naman, nasa 80," sagot ni Lyfa.

"85," si Princess.

"...50," nahihiyang sagot ni Mimir.

"Ugh... mas malakas pa kayo sakin dahil nasa level 40 pa lang ako," medyo depressed niyang sagot.

"Ayos lang yan, more importantly... bat walang umaatake sating halimaw?!" reklamo ko.

"Dahil malalakas na tayo at ang pinakamahina natin ay nasa 40," sagot ni Princess "ang mga makikita sa lugar na ito ay mga nasa upper thirties lang ang level, at dahil kaya nilang malaman ang lakas ng isang tao gamit ang wild insticts nila, lalayo sila sa mga malalakas."

"I see, then kung hindi natin sila aatakihin, hindi rin sila aatake?" tanong ko at tumango si Princess.

"Ang sumpa ang Aggro, pag mataas na ang level mo, hanggat hindi sila natural aggro, hindi ka aatakihin," sabi ko at itinaas ang kamay sa kanan "<Mana Bolt>," sabi ko at tinamaan ang isang mala-lawin na halimaw sa may puno killing it instantly "haah... sana naman makakita tayo ng mandragora," sabi ko.

"Tapos bubunutin mo?" tanong ni Lyfa.

"Medyo," sagot ko.

Dahil sa walang umatake samin ni isa ay nagawa naming makarating agad sa sumunod na bayan, this time dahil hindi pa pinapakalat ng hari na bawal na ang elf slavery, nagawa naming makarenta agad ng kwarto sa isang posada kahit sinabi naming alipin si Lunaria... or siguro dahil sa prinsesa si Princess.

Agad rin kaming umalis kinaumagahan pero this time para hindi ako mabored, kumuha ako ng isang hunting quest, madali lang ang mga kakalabanin namin, isang batalyon ng mga <Niwal> yung mala-lawin na halimaw na pinatay ko kahapon, ang pugad nila ay makikita lang sa dadaanan namin patungo sa kabilang bayan kaya habang papunta kami doon ay pinatay ko na lahat ng makikita ko sa lugar na yun, at para hindi sila mag-extinct kasi papatayin ako ni Luxerra pagnalaman niyang may kasalanan ako sa pagkawala ng halimaw na yun na isa sa mga hayop na binago nung lalaking yun, paniguradong papatayin niya ako kaya nagtira ako ng ilan para hindi masira ang ecology nila, wish ko lang na sana hindi iyon lahat lalaki or lahat babae.

Nang makarating kami sa kabilang bayan ay agad kong binigay ang quest item sa guild at nagbenta na rin ng ilang misc items, bumili ng ilang arrows upang mapalitan ang mga nagamit ni Lyfa at naghanap ng posada. Kukuha na sana uli ako ng quest pero upon majority vote, napagdesisyunan na madaliin na lang ang pagpunta sa Hydroria kaya pagdating ng bukas, full-spped kami patungo sa destinasyon namin na nagawa naming marating in 1 week simula nung umalis kami sa kapitolyo.

"Ilang araw ang kinailangan para makarating sa Hydroria?" tanong ko para in case na maiwan kami maplano ko na ang mga gagawin ko sa araw na iyon.

"kailangan ng buong dalawang buwan at kalahating paglalayag para makapunta lang sa Special Area 3, or should I say, sa Hydroria," sagot ni Princess.

"Ibig sabihin 5 whole months ang isang balikan?" tanong ko at tumango siya.

"W-wow..." sabi ko at pumunta na kami sa bapor, fortunately, nandoon pa ang barko at nakaschedule na umalis in 2 days kaya agad kaming bumili ng ticket at pinabalik na ang mga chirtso sa kapitolyo, at pansamantalang nanuluyan sa isang posada.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon