Chapter 67

1.3K 84 0
                                    

Nakaupo ako sa gilid ng kama, minamasdan ang bata na natutulog. Bago pa man niya magawa ang laging pinapagawa sa kanya sakin ay pinatulog ko na siya gamit ang isang spell.

"Haah..." buntong-hininga ko "aalisin kita dito, antay ka lang," sabi ko at hinimas ang ulo ng bata.

Agad akong lumabas ng silid at nang mapadaan ako sa reception ay:

"Yung usual na bata nga," sabi ng isang lalaking customer.

"Ah, kasalukuyan pong - ah! tapos na pala ang customer, nasa room *** po siya," sabi ni receptionist.

'Papatayin kita, mag-antay ka lang,' sabi ko sa isipan at lumabas para makipagkita kina Lyfa at Mimir na nagmamanman sa malapit.

"Lyfa, Mimir," sabi ko ng makarating sa isang eskinita, nagdistort ang dalawang pader sa eskinita at nagpakita silang dalawa, at ang unang ginawa ni Lyfa ay ang amuyin ako.

"Gumamit ka ano," sabi niya at tinitigan ako ng masama na unconsciously ginantihan ko rin kaya napa-atras siya "sabihin mo ano ang nangyari?" tanong niya kaya kinuwento ko sa kanila ang lahat.

"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Lyfa.

"Patayin lahat ng staff at customer," nakangiti kong utos kasabay talikod at balik sa brothel.

****************************************************************************************

Ano ang nagustuhan mo sa kanya, iyon ang itinanong ko kay ate at ang sinagot niya sakin ay ang isang siya, hindi ko siya maintindihan nung una pero ngayon alam ko na, nakakatakot siya, wala siyang emosyong pinapakita sa mga mata niya kaya naman hindi ko napigilang mapaatras lalo na nung sinabi niyang patayin ang lahat ng nandoon.

"Ate," tawag ko kay ate Lyfa, kinakabahan sa maaring mangyari.

Tinignan ko si ate at nakitang nakapikit siya, huminga siya ng malalim at nang dumilat siya ay wala na rin akong makitang bahid ng emosyon sa mata niya kaya naman napalunok ako ng laway.

"A-ate?" tawag ko at tumingin siya sakin.

"Tara na," sabi ni Lyfa "maiintindihan mo rin ang dahilan balang araw."

"Ate, naiintindihan mo ba siya?" tanong ko.

"Oo, at alam ko rin kung bakit ganyan ang ikinikilos niya," sagot ni ate.

"Sabihin mo sakin!" sabi ko.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" sabi ni ate at sinundan si Anthony.

Nang pumasok kami sa loob, halos maisuka ko na ang kinain ko dahil sa nakita, nagkalat sa reception ang mga dugo at hiwa-hiwalay na parte ng isang tao, at nakabuklat sa may counter ay isang libro. Lumapit si ate at kinuha ang libro, tinitignan ang bawat pahina.

"Maliban lang sa mga babaeng narito, papatayin natin ang lahat," sabi ni ate at binigay sakin ang libro "tara," sabi niya at umakyat na.

Saktong pagka-akyat na pagka-akyat namin ay lumabas si Anthony sa isang silid kasunod ang isang babaeng elf.

"Mimir, wag mo pwersahin ang sarili mo, ikaw na lang bahala sa mga binebenta nila," sabi ni Anthony at pumasok sa kabilang kwarto at lumabas rin agad.

Kinakabahan man ay sumilip ako sa loob, this time ay hindi ko na mapigilang mailura ang hapunang kinain dahil nakita ko sa loob ay isang malaking pool ng dugo na may mga pira-piraso pa ng mga laman.

Naramdaman ko na lang na hinihimas ni ate ang likod ko at nang medyo ayos-ayos na ako ay pumasok siya sa loob at nakipag-usap sa babaeng naroon at nang lumabas siya ay kasunod na niya ang babae.

"Tara, trabaho nating protektahan sila," sabi niya "saan kayo tumutuloy kung hindi kayo ginagamit?" tanong niya sa isang elf, sumagot ito pero hindi ko maintindihan "I see, sa pinakatuktok kung saan ginagamit kayo nung boss niyo," sabi niya "tulungan niyo na lang kaming tipunin ang mga kasama niyo, maghanda nga lang kayo sa pwede niyong makita," sabi ni ate at pumasok na sa isang silid.

Paulit-ulit ang ginagawa ni ate kasama ang mga elf na pawang nakasuot ng isang uri ng damit na sa sobrang nipis ay nakikita na ang katawan nila. At nang makarating kami sa may third floor sa nag-iisang bukas na silid ay nakita namin si Anthony doon, hinihimas ang ulo ng isang nakahubad na bata, sa tabi niya ay isang hindi na mamukaang bangkay ng isang lalaki.

"Matulog ka na muna," sabi niya at itinuro ang noo ng bata at bigla itong nawalan ng malay.

"Lyfa, magmamadali na ako, keep up with me," sabi niya at pagka-okay ni ate ay bigla siyang nawala kasabay ng pag-ihip ng isang malakas na hangin.

"Tara," sabi ni ate at dinamitan ang bata "may nakaka-alam kung sino siya?" tanong niya at may nagsalitang elf "I... See... Hindi niya kinaya yung intiation test at nasiraan ng bait," sabi ni ate "paniguradong bukas na ang mga kwarto sa labas, pakitawag na lang ang mga kasama niyo," sabi ni ate.

"Ate, ano yung initiation test na sinabi mo?" tanong ko, pinipilit ang sariling hindi masuka sa amoy.

"Ang sabi nila, pag may bago dito, pinipilahan sila ng mga empleyado, lahat nakaranas noon, may mga nasiraan ng bait at kabilang na siya roon," sabi ni ate habang hinihimas ang ulo ng bata.

"Then, anong -"

"Tara na," sabi ni Anthony na may mga nakasunod na babae.

Umalis kami agad sa lugar, sinira na lang namin ang isang parte ng bakod para makalabas ng siyudad at ang kabuuang bilang ng nailigtas ay siyam na raan, apat na raang pawang mga bata na nasa edad pito hanggang dose; dalawang daang mga dalagang nasa edad trese hanggang bente; at tatlong raan na mga nasa edad bente uno hanggang trenta, iyon ay ayon sa librong hawak ko at kabuuang bilang ng may sira ay nasa tatlong daan, lahat ay mga batang nasa edad sampu pababa.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon