Tatlong araw ang lumipas simula nang mapatay nung babae ang Thaniar, back to normal na ang lahat at hindi na inalam pa ng guild kung sino ang babaeng iyon.
"Oi! Dumating na yung barko," sabi ni F-guy sakin na kasalukuyang nakahilata sa kama, iniisip kung sino ang babae at bakit ganoon ang chant niya.
"Hoy! Nakikinig ka ba!" sabi ni F-guy.
"Hmm... ah, sorry, may iniisip lang" sabi ko at tumayo na lumabas ng silid.
Dumiretso kami sa may bapor at agad pinagtinginan dahil kina Eriole pero karamihan ng mga nakasakay ay mga nakasama ko o nakita ang duwelo ko kaya hindi sila nagsalita sa halip, ay nagbigay daan pa sila.
Nang makasakay kami ay agad kaming dumiretso sa cabin namin at hindi na lumabas maliban na lang kung kakain.
Lumipas ang halos isang linggong paglalayag ay dumaong na kami na bansa nina Lyfa.
"Ano kaya ginagawa ng mga tao dito," bulong ni Eriole, tinutukoy ang mga ibang adventurer "sana hindi slave hunting," dugtong niya at napansin kong napahigpit ang hawak ni Lyfa sa pana.
"Anyway, alam niyo ba kung nasaan tayo?" tanong ko.
"Dito," sabi ni Lyfa at nagsimulang maglakad pahilagang-silangan.
"Uhm... Lyfa," tawag ko.
"Bakit?" tanong niya.
"May bayan ba sa daan na ito?" tanong ko at umiling siya.
"Dinadaanan ko lang ang mga dinaanan nila nung nahuli ako," sabi niya at napansin kong medyo naluluha siya
'Tae na, wag mong pilitin sarili mo,' reklamo ko sa isipan "sandali," sabi ko upang tumigil ang grupo, itinaas ko kaliwang kamay na animoy may inaantay na may dadapong ibon "<Ifrit>" tawag ko sa familiar at lumitaw ang ibon sa braso ko "mag hanap ka at ipakita mo sakin ang daan patungo sa isang bayan na malapit dito," utos ko at lumipad na si <Ifrit> kaya umupo ako at pumikit.
Pagkapikit na pagkapikit ko ay nakita ko ang kasalukuyang nakikita ni <Ifrit>, simirko lang ako sa ere hinahanap mula sa kinalalagyan ang pinakamalapit na village, at nang may makitang isa ay agad akong lumipad patungo doon. Habang lumilipad patungo doon ay tinitignan ko ang daan na tatahakin upang makarating doon at minemorya, nang makarating ako sa bayan, ang una kong napansin ay ang ganda nito, lahat ng bahay ay mga tree house at tanging ang daan ay mga tulay, sa ilalim ng mga tulay na iyon ay mga alagaing halimaw at ang kauna-unahang taong nakita ko doon ay isang batang babae na estima kong nasa edad onse pababa na tuwang-tuwang niyayapos ang isang batang alagaing halimaw, didilat na sana ako upang mawala na nakikita ngunit nakita kong aatakihin ng isang hindi ko kilalang halimaw ang bata kaya 'protektahan mo ang bata' sabi ko sa isipan kaya mula sa pagkakadapo ay agad akong lumipad at hinawakan ang bata sa magkabilang balikat at inilagay siya sa may tulay, at nang mailagay na ang bata sa tulay ay agad kong binugahan ng apoy ang halimaw na natakot at tumakbo palayo, tinigan ko muli ang bata tsaka dumapo sa sanga na pinakamalapit at sinabi ko sa isipan na 'protektahan mo ang bayan'.
"Ano ginawa mo?" tanong nila nang idilat ko ang mga mata.
"Scouting," sagot ko "pinalipad ko ang familiar ko para maghanap ng bayan or kahit anong settlement, nakakita ako ng isa, sa may silangan nito kainalalagyan natin kaso malayo," sabi ko "oo nga pala, nakastand-by doon si <Ifrit> inutusan kong protektahan ang bayan at may batang muntik nang atakihin doon."
"Normal na sa mga settlement dito na bigla-bigla silang atakihin, nakita mo naman ang itsura diba, kaisa namin ang kagubatan na siyang tinitirahan ng mga halimaw, may mga bayang may harang ngunit kaaunti lang ang bilang nito," paliwanag ni Eriole na tinanguan ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...