"Ah, ginoo," sabi ng may-ari sakin, isa siyang lalaki na sa unang tingin mo pa lang ay kakaayawan mo na siyang gawing kaaway sa negosyo "maari bang malaman ang iyong pangalan?"
"Lucio, Lucio von Lucrid," sagot ko sa mahaba naming pinag-isipan kanina bago kami nagpunta rito "sila naman ay sina "Leone at Rianne," sabi ko at ibinigay ko ang card sa kanya.
"Ah... ginoo, maari bang malaman kung bakit mo binenta ang orihinal na <Gae Bolg>?" tanong niya at laking pasalamat ko dahil hindi niya tinignan ang card ko.
"Ah, kasi hindi ko siya kailangan, hindi ako marunong sa sibat," sagot ko "sa halip ang hinahanap ko ay ang kapareha nitong espada na ito," at sinenyasan ko si Mimir na inilabas ang espadang sinelyuhan ko mula sa <Storage Ring> niya at inilapat iyon sa lamesa.
Ibinigay sa akin ng owner ang card ko at nakitang nandun na ang pinagbentahan of course wala na ang tax, bago niya hinawakan ang espada at nakita ko kung gaano nanlaki ang mata niya "imposible..." sabi niya "<Durandal> at ang orihinal?!" gulat niyang sabi.
"Hinahanap ko ang kapareha niyan, kailangan ko pa bang sabihin kung ano yun?" tanong ko
"<Hauteclair>, ang short sword na ginamit ng naunang tagapangalaga kasama ang espadang ito," sagot niya.
"May mga tauhan na akong pinapadala dito, pero ang ulat nila ay wala kaya hindi sila bumili ng kahit ano dahil mahigpit kong pinag-utos na hindi bumili ng kahit ano hanggat hindi nabibili ang kailangan ko," paliwanag ko at tumango-tango ang lalaki marahil iniisip niya na tauhan ko ang mga pinadala dito ng hari, well in a sense tauhan ko nga sila, "pero ngayong lahat sila ay kasalukuyang inutusan ni ama kaya ako na mismo ang nagpunta," sabi ko.
"Iyon din ba ang dahilan kung bakit ka bumili ng isang hamak na storage ring sa halagang pitong milyon?"natatawa niyang sabi.
"Oo, iyon ang dahilan," sabi ko "Haah... may alam ka pa bang subastahan? Maaring ibenta iyon doon ng hindi ko namamalayan."
"Ikinalulungkot kong sabihin pero ito lang ang kaisa-isang subastahan dito, meron pa sa may <Rumure> ngunit maliit lang iyon at imposibleng may magbenta ng hinanap mo doon, pero subukan mong pumunta rito bukas ng gabi at ipakita mo ito," sabi ng lalaki at ini-abot sakin ang isang kulay itim na papel.
'Ang invitation,' sabi ko sa isipan ngunit nagmaang-maangan ako at tinanong kung ano iyon.
"Iyan ay isang inbitasyon sa isang subastahan na gaganapin bukas ng gabi, puno ng mga magic items ang mga naroroon, at madali kang yayaman kung magbebenta ka riyan, ngunit mag-ingat ka dahil puno ng mga may masasamang isipin ang partisipante at maari kang saktan para lang sa nabili mo," sabi niya at tumawa ako.
"Wag ka mag-alala, nasa akin ito," sabi ko at kinuha ang espadang binalik niya sa lamesa "at hawak niya ang-" sabi ko at tinignan si Lyfa at inilabas ang <Flame Empress Hunting Bow> at Flame Empress Hunting Knife>, hinawakan iyon ng owner at napanganga uli, marahil nakita na niyang orihinal ang mga iyon.
"Imposible," sabi niya at napangiti kaya ginamit ko ang <Mind Reader> sa kanya.
'Nakatagpo ako ng isang malaking isda, hindi ko ito papalagpasin at uubusin ko ang pera niya para lang mapilitan siyang ibenta ang mga hawak niya, pero teka kung ang asawa niya ay may hawak ng dalawang guardian weapon, paano ang kalaguyo niya?' basa ko sa isipan at nakitang nakatingin siya kay Mimir na nakayakap sakin.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...