Chapter 97

1.2K 75 2
                                    

"Matulog na kayo dito, ang itim ng ilalim ng mata niyo," sabi ko matapos naming kumain.

"Aayusin namin nina Lyfa at Mimir yung kwarto kaya, mag-antay muna kayo," sabi ko at umakyat na sa taas kasunod sina Lyfa.

"Okay," sabi ko nang masara na ni Mimir ang pinto at humarap sa kanila, strangely enough, naghuhubad ang dalawa.

"anong ginagawa niyo?" tanong ko "mag-papaliwanag lang ako kung bakit ko nasabi yun," sabi ko.

"Ah...ah...hahaha, syempre, of course," sabi ni Lyfa na para bang may pinipilit siyang tanggapin na kung ano.

"Mmwu... wag ka umatras, sinabi mo na," sabi ni Mimir with half-closed eye "biro lang," sabi niya nang tignan siya ng kapatid.

Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari kahapon, yung history nung kumbento, kung bakit napunta dito ang kumbento, kung ano ang mga tinuturo sa kanila, etc.

"I see... gusto mo magpanggap kaming asawa mo?" tanong ni Lyfa "ayos lang sakin since narumihan na ako pero..." sabi niya sabay tingin sa kapatid.

"Ayos lang din sakin, lalo na kung gagawin mong totoo," sabi niya.

"Isipin mo na lang, nagpapagaling ka sa takot mo sa mga babaeng may gusto sa iyo," sabi ni Lyfa "nang hindi ka makipag-laban kay Cecile mag-isa."

"Okay," sagot ko at binuksan na ni Mimir ang pinto.

"Tatawagin ko na sila," sabi ni Mimir sabay baba na sinundan na namin pero nakita naming tulog na ang dalawa at ginagawang unan ang hita ni Luxerra kaya binuhat namin sila at inilipat sa kama.

"Mark," sabi ni Luxerra nang mailipat na namin sila.

"Bakit?" tanong ko.

"Kunin mo sila sa dambana na yun," sabi niya na ikinabigla ko.

"Bakit?!" tanong ko.

"May talento sila," malabo niyang sagot na ikinalito ko, nang makita niya ang pagkalito sa mukha ko, ganun na rin ang mga nagtatakang tingin nina Lyfa ay pinaliwanag niya ng mas detalyado "may talento sa mahika ang dalawa, kung hindi aalagaan masasayang lang, lalo na at bibihira lang ang mga pinanganak na may affinity sa elemento na yun."

"Anong elemento?" tanong ni Mimir.

"Elemento namin ni Noir, Light at Dark," sagot ni Luxerra.

"Wow..." sabi ni Lyfa na puno ng pagkamangha.

"Gaano ka rare yun?" tanong ko.

"Sa bawat isang milyong tao, isa lang ang may elemento ng liwanag o kadiliman," sagot ni Luxerra at lumapit sa mga natutulog na bata.

"Ang batang 'to ay may elemento ng kadiliman," sabi ni Luxerra at hinimas ang ulo ni Lulu "at etong batang ito naman ay sa liwanag," sabi niya at hinimas ang ulo ng nabunggo ko.

"Ah... pero pagkinuha ko sila doon..." sabi ko.

"Ah," sabi ni Luxerra at di na ako magawang tignan sa mata.

"Hey..." tawag ko.

"Para sa mundo, dungisan mo ang reputasyon mo," sabi niya.

"Hoy, hoy, sinasabi mo bang hayaan kong isipin nilang mahilig ako sa bata?!" tanong ko at tinuro niya sina Lyfa at Mimir.

"Kahit hindi mo sila kunin, iisipin nung mga tao sa dambana na yun na isa ka," sabi niya na hindi ko masagot dahil mukha talagang bata sila Lyfa at Mimir appearance wise at kung hindi lang dahil sa dibdib nila na ay iisipin ng lahat na mga bata lang sila around 12.

"Baka nga meron ka ng titulo eh," sabi niya kaya agad kong binuksan ang <Status> at nang makita ang mga titulo ay napabuntong-hininga ako kasi wala.

"Haah... delikado ang paglalakbay, lalo na't hinahabol ako ni Cecile," sabi ko.

"Tuturuan namin sila ni Noir," sabi niya "tutal, natakasan daw sila kaya pupunta na siya dito for back-up."

Saglit akong nag-isip ng dahilan pero nang mapansin kong tinitignan ako nina Lyfa na para bang may inaasahan ay napabuntong-hininga na lang ako bilang pag-suko.

"Sasabihin ko na lang na nagustuhan sila nina Lyfa at Mimir," sabi ko na ikinatuwa ni Luxerra "pero tanungin mo muna sila at wag mo pilitin, sabihin mo ang mga panganib na pwede nilang kaharapin at kung ayaw nila, then hinde," sabi ko.

"Okay," sabi niya "maghanda ka ng ma-extend ang stay dito dahil sa training nila."

"Sabi ko wag pilitin," ulit ko.

"In case lang na pumayag sila," sabi niya

"Ate, magsanay na tayo sa <Chantless>," sabi ni Mimir.

"Un, tara sa baba, may malawak na hardin ang posada, dun tayo mag-sanay," pagpayag ni Lyfa.

"Then, tutulungan ko kayo," sabi ni Luxerra kaya umalis na ang tatlo at naiwan ako sa loob ng kwarto.

"Oh well, tara na at magsimulang gumawa ng mga potions," sabi ko sa sarili at inilabas ang mga potion making equipments at nagsimula na sa pag-gawa.

Tanghali na nang magising ang dalawang bata, saktong kakatapos lang maligo nina Lyfa at Mimir kaya inaya na akong magtanghalian, at dahil gising na rin sila ay inaya na sila ni Lyfa na lumapit sa kama.

Tumayo agad ang babaeng nabunggo ko, pinipigilan ang sariling humikab, at si Lulu... nahiga uli at ginawang unan ang hita ni Lyfa, hindi naman siya tulog, nakahiga lang.

"Susunod na lang kami," sabi ni Lyfa.

"Okay," at bumaba na kaming tatlo at nang makita namin si Luxerra sa usual naming lamesa ay naupo na rin kami kasama niya.

Full-house uli ang posada, si Lyfa uli siguro ang nagluto.

Maya-maya pa ay bumaba na si Lyfa, buhat-buhat si Lulu at ini-upo sa may tabi ng babaeng nabunggo ko bago umupo sa kanan ko, coincidentally, nasa kaliwa ko si Mimir.

Pinaghainan kami ng isang waitress at matapos maihain ang pagkain ay sabay-sabay na kaming kumain, apparently, ang bayad kay Lyfa ay free food, needless to say, pwede kaming humingi ng second serving.

Habang kumakain ay pinag-uusapan nila ang training nila sa chantless, at balak nilang pumunta sa gubat mamaya for hand-on training kaya kung may kailangan akong ipa-kolekta sabihin ko na lang.

Matapos naming kumain, single serving lang kami pero ang dalawang bata ay humihingi pa ng isa at natapos na sila sa third serving, nagpa-alam na silang babalik na dahil nagawa na nila ang inutos sa kanila pero pinigilan ko sila at dinala sa kwarto kasama si Luxerra upang sabihin sa kanila ang nais gawin ni Luxerra.

"Gusto niyo bang sumama sa kay Mark?" tanong ni Luxerra pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon