Chapter 70

1.5K 88 1
                                    

Nang makarating kami sa dinadaungan ng barko mula Floria ay agad namin silang pinasakay, maraming umiyak na bata at ayaw humiwalay, pero matapos kong mangakong magkikita uli kami matapos 'tong giyera ay nagpaalam na sila. Nanatili muna ako doon sa may barko hanggang sa magdilim at umalis na ito, inantay ko munang hindi ko na matanaw ang barko bago bumalik sa kampo para maghanda sa gagawin kong pagsundo kina Princess pero.

"Ginoong Anthony," tawag ng isang normal na sundalo "pinapatawag po kayo ni Heneral Facio."

Agad akong nagpunta sa may command tent at doon sinabi nila na ayon sa isang informant ay may shipment daw ng mga baril tatlong araw simula ngayon, ang oras ay gabi, at ako ang gusto nilang ipadala.

"Okay," sabi ko at bumalik sa pinagpapahingahan at sinabi kay Mimir ang misyon ko at isasama ko siya.

"Saan daw yung shipment?" tanong ni Mimir habang naglalakad kami patungo sa port city.

"Dun parin siguro, wala naman daw ulat na nalaman na nilang nanakaw na ang mga baril, at speaking of baril, ituturo ko na sayo ang wastong paggamit ng mga ito," sabi ko at inilabas ang mga baril na may light recoil para sakin "try mo gamitin 'to," sabi ko at inilabas ang isang PSG1 sniper rifle, salamat sa isang FPS game at alam ko ang pangalan nung model, at ibinigay iyon kay Mimir "wait, isuot mo muna ito para maging madali ang pag-galaw mo at ako ang nahihirapan sayo kung nakaroba ka," sabi ko at nagbigay sa kanya ng isang hunting set nakatulad ng kay Lyfa, kaibahan lang iniba ko ang kulay,salamat sa isang libro about tailoring, para maging camo.

Agad niyang kinuha ang mga damit at sa harapan ko mismo nagsimulang magpalit ng damit, knowing their custom wala akong nagawa kundi ang tumalikod na lang.

"W-wow... and daling gumalaw sa damit na ito," sabi niya at binigay ko ang baril.

"kaya mong buhatin?" tanong ko at sinubukan niyang itutok iyon "wag mo itutok sa kakampi mo ang isang baril," sabi ko at binaling ang muzzle "ano?"

"Oo, siguro sapat na yung STR parameter ko," sabi niya at nilagyan iyon ng silencing spell bago iputok sa isang halimaw.

"Semi-automatic iyan, hindi mo na uli kailangang ikasa pagkaputok mo sa isa," sabi ko at tumango-tango siya "sa isang magazine," sabi ko at naglabas ng isa mula sa inventory "lima ang balang laman," dugtong ko at inilagay iyon sa bulsa ng vest na ginawa ko specially for her equipment "dito mo ito ilalagay for faster reloading," sabi ko at naglagay ng tatlo pa, tigdalawa sa parehong bulsa.

"Etong maliit na bulsa? Ano ilalagay ko dito, potion?" tanong niya.

"Pwede, pero pwede rin ito," sabi ko at inilabas ang isang magazine ng FN five-seven.

"Ano to?" tanong niya at kinuha ang magazine.

"Bala nito," sabi ko at nilabas ang five-seven na agad niyang kinuha "semi-automatic ang baril, at tandaan mo, kahit hindi pa sure, na apektado ng stats ang baril," sabi ko at tumango siya.

"Tara, ituturo ko sayo ang tamang pag-gamit ng mga ito," sabi ko at unang tinuro ang pistol sa kanya na madali niyang natutunan, and as for the PSG1 kapaan ako sa pagreload nun pero nung makuha ko na, madali niyang natutunan.

"Hindi tayo magmamadali, since may oras pa naman tayo para masanay ka na diyan," sabi ko.

"Okay," sabi niya.

Spartan method uli ang training ko kay Mimir, siya ang bahalang pumatay sa mga halimaw, tinuruan ko siya ng trick na sa ulo lagi umasinta kung first shot, kaya naman nakaka insta-kill siya pero madalas ay malaki lang ang damage. Sinusubukan niya na rin ang magbaybay, nahihirapan siya oo, pero lagi ko siyang pinapaalahanan na maging kalmado lagi, kaya nang matapos ang dalawng araw, medyo sanay na si Mimir sa paggamit ng baril, pati na rin sa pagbaybay habang gumagamit ng baril, lumevel na rin siya at halos maabutan na ako.

"Mimir, pagdating nang tanghali, magmamadali na tayo," sabi ko at tumango siya.

Nagsanay pa kami ng ilang oras at nang mag-tanghali ay agad ko siyang binuhat at nagtungo sa may port city at nakipagkita sa informant doon.

"Wow, so dito sila magkakabayaran?" tanong ko sa informant at tumango ito "okay, may kailangan pa ba kaming malaman?" tanong ko at binigyan niya ako ng isang larawan.

"Siya ay si Heneral Naldo, isang dating heneral na masunurin sa dating reyna, pero sa hindi alam na dahilan nagtaksil siya kaya naman agad nakuha ang palasyo, siya mismo ang kukuha sa mga baril, kung kaya mong patayin, gawin mo na, mahirap siyang makalaban sa mga susunod na enkuwentro," sabi ng informant at agad kong binigay kay Mimir ang larawan.

"Kung kaya daw, patayin na," sabi ko "ikaw ang sniper, kaya sa'yo mapupunta ang role," sabi ko at napalunok siya ng laway "kung sakaling hindi tumama ang una mong bala, magtago ka, magpalit ng lokasyon, mga tao sila at nag-iisip, hindi tulad ng mga halimaw na tatakbo kaagad kung hindi makita ang umaatake," payo ko sa kanya.

"Okay," sabi ni Mimir sabay tango.

"Yun lang ba ang dapat naming malaman?" tanong ko.

"Oo, ah, kung kakayanin rin pala, kuhain din yung mga baril," sabi niya.

"Plano ko na ang kuhain ang mga baril kahit hindi mo na sabihin," sabi ko at humiwalay na kami sa informant.

Kumain kami sa isang inn at nagrenta na rin ng kwarto para mapagpahingahan hanggang sa magdilim.

"Mimir, gamitin mo ito," sabi ko at inabot ang AMW na nasa inventory ko.

"Sa mundo ko, tinatawag iyang one shot," paliwanag ko "isang bala lang ang kailangan mong ipatama at mamatay na ang kung sino mang tao, pero sa mundo na ito, hindi ko alam kung ganun din ang mangyayari pero mas malakas iyan ng higit kumpara sa PSG1, ganun din ang recoil."

"Paumanhin, pero gagamitin ko pa rin 'to," sabi niya at nireload ang baril na hawak.

"Tandaan mo, kung sakaling hindi tumama ang unang bala, susugod ako para kuhain ang atensyon nila, at alam mo na ang gagawin diba?" sabi ko at tumango siya.

"Oo nga pala, kakailanganin mo ito," sabi ko at inabot ang suot kong coat "may skill iyan na <Shadow Hide> gamitin mo pang tago," sabi ko.

"Hindi ko ba pwedeng gamitin ang <Aqua Ilussion>?" tanong niya.

"Pwede pero ikaw na ang nagsabi, mahaba ang chant ng spell kaya iyan na ang gamitin mo," sabi ko.

"Ikaw? Paano?" tanong niya at nilabas ko ang isang roba.

"Eto, gagamitin ko," sabi ko "nasa iyo yung mapang ginuhit ko nung magtanghalian diba?" at inilabas niya ang iginuhit ko 'ituturo ko yung mga sniper spots kaya tandaan mo kung saan," sabi ko at inisa-isa ang mga lugar na kung saan kita ang sentro at makakaputol ng escape route kung sakaling tumakas ang target.

Habang pinag-uusapan namin ang plano ay napansin kong nanginginig siya kaya naman inakbayan ko siya at binulungan ng

"Kung maubos ang limang bala, ako na ang bahalang pumatay sa kanya at magtago ka na lang, literal na nakakamatay pag nalapitan ang isang sundalong may pangmalayuang sandata ng sa isang pangmalapitan."

"S-sorry, hindi ko alam kung kakayanin ko," sabi niya.

"Wag mong pilitin ang sarili mo," sabi ko at tumango lang siya.

"Anthony... pagtapos nitong misyon na isang malaking tagumpay, I mean, kung ako ang makapatay sa lalaki, pwedeng humingi ng reward?" sabi niya.

"Hmm... sure, basta ba kaya kong maibigay eh, pero wag mong pilitin ang sarili mo," sabi ko.

"Pangako? Hindi ka aatras?" sabi niya.

"Okay, pero uulitin ko, basta kaya kong maibigay," sabi ko at napangiti siya.

"Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para matapos ang misyon at ako ang may pinakamalaking contribution," sabi niya.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon