Chapter 23

2.4K 149 2
                                    

"Akala ko ba wala kayong pera?" tanong ni Lukas nang maibigay namin ay orichalcum imbis na mythril.

"Wala nga, tsaka hindi namin yan binili, minina namin yan," sabi ni F-guy.

"Hindi ako naniniwala, minina mo 'to?" tanong ni Lukas "kung sila ang nagmina maniniwala ako pero ikaw? Isang taong walang alam sa mga bato, minina 'to?"

"Walang alam?" bulong ko kay Adelaide at tumango siya.

"Walang alam si kuya sa mga bato, kasi minsan na nakakuha siya ng isang <Dragon's Tear> sa minahan, tinapon niya lang kasi simpleng bato lang daw," paliwanag ni Adelaide.

"Diba yun yung pinaka-rare na bato?!" tanong ko at napangiti lang si Adelaide.

"So, orichalcum sword na ang igagawa ko sa inyo," sabi ni Lukas at inilabas ang isang palakol.

"Kailangan pa ba talagang gawin 'to?" tanong F-guy at binunot ang espada sa kaluban at humanda sa pakikipaglaban.

"Bakit maglalaban sila?" tanong ko.

"Normal lang yan para kay Lukas, lalo na kung custom made para malaman niya ang haba ng espadang igagawa sa'yo," paliwanag ni Adelaide at tumango-tango kami lalo na sina Eriole at Zedrick na susunod niyang kakalabanin.

Mabilis si Lukas at para lang makita ang mga galaw niya ay hinawakan ko pa ang espada sa likod-bewang ko.

Unang umatake si Lukas with a jumping slash, sinalag iyon ni F-guy gamit ang espada at dineflect iyon sabay counter ng suntok sa tagiliran ni Lukas.

"Nagbago na fighting style mo ah," sabi ni Lukas habang hinihimas ang nasuntok na tagiliran "long sword or short sword?"

"Long sword," sagot ni F-guy "at sisihin mo yang si Mark at lagi akong nadadale ng sipa niya,"

"Open ka kasi uy," singgit ko.

"One handed long sword then yung handle lenght ay one hand and a half," sabi ni Lukas.

"Ok, kuha mo," sabi ni F-guy.

"Oi, fox eared boy, ikaw next," sabi ni Lukas at naghanda na si Eriole sa paglalaban.

"Balikan niyo na lang matapos ang isang linggo," sabi ni Lukas matapos ang laban niya kay Zedrick.

"Okay," sabi namin at umalis na.

"Ano na gagawin niyo?" tanong ko sa kanila habang naglalakad kami pabalik sa posada.

"Hmm... gagawa siguro ng quest at isasabay ko na rin ang pangongolekta ng herbs para makagawa ng mga potions," sagot ni Adelaide.

"Sasama ako kay Adelaide, susubukan ko na rin 'to," sabi ni Lyfa at hinawakan ang pana sa likuran.

"Sasamahan sila Adel," sabi ni F-guy "ikaw?"

"Magic training, I guess, di pa ako sure, kayo Eriole?" tanong ko.

"Anti-personel combat training kasama si Zedrick," sabi ni Eriole at naalala ko kung paano siya pinaglaruan ni Lukas kanina, gayun din si Zedrick.

"Then... sasama na lang ako aa inyo," sabi ko at nahiwa-hiwalay na kami ng dinaanan, sila Lyfa ay patungong guild at kami naman ay patungo sa plains upang doon magsanay.

Tatlong oras ang lumipas, hingal na hingal na sina Zedrick at Eriole, puno na rin ng pasa ang mga katawan nila dahil sa paghampas ko gamit ang espadang nakasuksok sa kaluban.

"Isa pa," sabi ni Eriole at muling naghanda sa pag-atake kaya binago ko na rin ang sentro ng bigat ko at sumabay sa paglusob niya, madali ko siyang nalikuran at dinikit ang espada sa leeg niya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon