Mga araw ang lumipas at nagawa na naming makabalik sa kapitolyo ng Floria. Nagkita sa Izlania ang magkapatid na Princess at Lamiah at... Hindi maganda ang kinalabasan dahil pinagalitan siya, tinuro ko rin sa mga tauhan ni P-knight at kay P-knight rin mismo ang <Demolition Fist> at kapalit ay isang Sword Technique na kung tawagin ay <Brandish Cross> at nabadtrip siya kasi isang beses ko lang ginawa ay napunta na sa skill list ko.
"Mark," tawag sakin ng hari ng minsang bumisita ako.
"Pag tayo nasa labas mahal na tagapangalaga pero pag tayong dalawa lang, Mark, okay fine, ano yun?" tanong ko.
"Nakasagap kami ng balita na may slave trading sa black market, mga matatalinong halimaw ang binebenta," sabi niya.
"Okay titignan ko, saan ginaganap?" tanong ko.
"Sa subastahan, tuwing gabi ng bilog na buwan," sagot ng hari.
"Bukas na yun ah," sabi ko at napakamot ng ulo.
"Eto gamitin mo," sabi niya at nag-abot ng isang itim na card.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Bumili ka sa subastahan ng kahit ano, ubusin mo yan, at ang sabi kailangan mo ng imbitasyon para makapasok sa subastahan na gaganapin bukas ng gabi," sabi sakin.
"Gaano karami ang nakaka-alam na ako ang tagapangalaga?" tanong ko.
"Yung mga nailigtas mo sa bayan ng Bernel, ako at ang mga heneral, ang tatlong prinsesa at ang mga sumama sa ginawa mo dun sa Nocturia, sila lang ang nakaka-alam ng mukha mo," sagot sakin at tumango-tango ako dahil kung totoo ang sinasabi niya magiging madali ang lahat basta sa umayon ang lahat sa plano ko.
*******************************************************************************************
"Anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Lyfa nang makabalik siya mula sa pag-gawa ng isang F-rank quest: ang tumulong sa kainan sa baba, kasama si Mimir para daw masanay siya sa magiging buhay niya.
"Sinusubukan kong gawin ang ginawa ni Luxerra sa espada ko noon," sabi ko habang nakalutang sa pagitna ng dalawa kong kamay ang isang kutsilyo na kung tawagin ay <Flame Empress Hunting Knife>.
"Ano yun?" tanong ni Mimir sabay upo sa kama.
"Selyuhan ito," sabi ko.
"Selyuhan?" tanong niya.
"Narinig mo na ba ang term na BoE?" tanong ko.
"Ano yun?" tanong sakin ni Mimir.
"BoE o mas kilala sa Bound on Equip, pagsinuot mo ang isang magic item, sayo na lang yun, ikaw lang ang pwedeng gumamit, pwedeng mahawakan ng iba pero gamitin, hinde," sagot ni Lyfa.
"Ibig sabihin isang BoE yang kutsilyo?" tanong niya na sinang-ayunan ko.
Ginawa ko ang naaalalang ginawa ni Luxerra, padaluyan ng enerhiya ang gamit, patulugin ang gising nitong enerhiya sa pamamagitan ng pagpatong ng enerhiya ko sa natirang enerhiya na nandun at...
Umilaw ang kutsilyo at nang mawala ang liwanag ay ginamitan ko ng judge ang gamit at nakitang may <Sealed> na iyon.
"Lyfa, sayo na 'to, for short range combat mo," sabi ko at binigay kay Lyfa ang kutsilyo at napansin ang tingin ni Mimir "bibigyan kita pag may battle experience ka na," at napayuko na lang siya.
"Bakit mo ba ginagawa yan?" tanong ni Lyfa.
"Kailangan kong makapasok sa isang black market auction na gaganapin bukas ng gabi, ayon sa informant, kailangan ng invitaion para makapasok doon," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...