-Eri's POV-
Nang umalis na si Noir kasama ang isang lalaking nagngangalang Envy ay sumunod si Celine at yung sinasabi nilang dating guardian ng lupa; dahil matinding nakatitig si taba kay Nekone, then sa kanya na; at si frilly dress namam, bored ang expression for sure ang stance niya ay sakin ang matitira, kaya tinignan ko na lang sa tanda with gaudy feeling.
'Seriously, kailangan ba talaga one-on-one?' reklamo ko at umalis na papunta sa timog and sure enough sinundan ako ni tanda with gaudy robe, meron siyang hawak na scepter with brown gem na may purple hue at nang makalayo na kami agad ko siyang sinugod.
Binigyan ko siya ng right straight na dinepensahan niya by flicking my right arm using his left; gumanti siya ng hampas na sinalag ko using my left gauntlet.
'Ouch, ang sakit!' sigaw ko sa isipan at sinipa siya sa sikmura upang mapalayo siya sakin.
Nagtitigan lang kami at habang nagtitigan kami ay naglalagay ako ng buffing spells katulad ng <Iron Skin>, <Earth Shield>, <Agility>, <Draconic Power>, <Impaler> at kung ano-ano pa.
'Di ko aakalain na ang mga madalas kong sparring kay Kuya Mark ang magbibigay sakin ng experience para malaman kung monster level ang kalaban ko,' sabi ko sa isipan habang naglalagay ng mga buffing spells at dahil tinuruan ako ni Kuya Mark para makakuha ng <Identify> alam kong naglalagay din si tanda ng mga buffs kaya pinalitan ko ang guwantelete ko at naging isang maroon color gauntlet na may intricate design.
"<Mage Smasher>," bulong ko sa pangalan ng gauntlet na gawa sa buto ng halimaw na may dispell ability kaya naman nagagawa ding masira ng gauntlet ang mga magic spell.
Agad akong sumugod at sinutok siya sa sikmura, dahil sa <Impaler> na nambabalewala ng defense at dispell ability ay malaki ang damage na nakuha niya, napalura siya ng laway sa sakit pero ininda niya iyon at gumanti ng hampas na inilagan ko by side-stepping.
Nang mailagan ko na ang atake niya ay sinutok ko naman siya sa mukha gamit ang kaliwa kaya napa-atras siya ng dalawang beses, at lumapit sa kanya, at ginamitan ng <Dempsey Roll> technique, isang normal Dempsey roll pero ang suntok na mararamdaman mo ay katulad ng sa isang wrecking ball.
May duration ang <Demcey Roll> technique dahil hindi kakayanin ng katawan ko ang bilis at MP consumption since hindi pa ako ascended, five seconds lang pero ang HPS(hit per second) ay nakadepende sa AGI kaya marami akong nagawang damage sa kanya. Nang matapos na ang duration ng technique ay ginamitan ko siya ng <Demolition Fist> na nagpatalsik sa kanya at nang tumama siya sa pader ay sumuka siya nang dugo.
"Ang bagong lupa ay isang halimaw," sabi ni tanda at tumayo na.
"Kung ang mga ka-sparring mo ba naman ay mga halimaw eh," sabi ko at tumawa si tanda.
Nabalutan siya ng isang malaking aura at nakita kong nagkaroon nanaman siya ng mga buffs at naging triple ang stats niya.
Lulusob na sana ako pero may isang white energy ang kumawala sa may malapit at papunta sa may silangan kaya naman napatingin lang kami doon, pero naalala kong may kalaban ako dahil sa isang hampas na muntik ko nang hindi mailagan.
Tumalon ako upang maiwasan ang hampas at agad na sumugod pero biglang naging putik ang tinapakan ko nung malapit na ako sa kanya at aksidente siyang nasipa sa gitna ng hita niya.
Mataas ang VIT niya, needless to say, mataas ang defense, pero ang effect ng <Impaler> ay by-pass defense kaya 100% ang damage at dahil in effect pa ay nabitawan niya ang scepter at napaluhod.
1 second, 2 seconds, 3 seconds, yun ang kinailangan ko para ma-process ang nangyari, at dahil naproseso ko na ang mga na ang mga nangyari ay napangiti ako.
Nakita iyon ni tanda kaya sinubukan niyang tumayo pero may stun properties ang atake ko kaya naman hindi siya nakatayo.
Agad akong tumayo at sinipa siya sa dibdib para mapahiga siya at para hindi pa makagalaw ay sinipa ko siya uli doon, pinadapa, hinawakan ang dalawang paa at walang awang sinipa siya doon ng ilang ulit, paulit-ulit.
May mga demons na nasa paligid pero dahil lahat sila ay lalaki, napaluhod sila, sapo-sapo ang gitna ng dalawang hita nila.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ginagawa ko pero dumating si Noir at ang bungad-sabi niya ay:
"You... your a demon aren't you?" sabi niya.
"Of course not, tinuro lang 'to ni Kuya na gawin ko agad to kung may aatake saking lalaki, di ko lang naisip na effective lang din sa kanila," sagot ko habang sinisipa siya doon while continuously renewing the effect of <Impaler>.
"Maawa ka at patayin mo na," sabi ni Noir na kakarating lang.
"Okay," sabi ko at gumawa ng isang napakalaking bato at pinisat siya doon.
Sumakit ang ulo ko at unti-unting natumba, nagising akong naka-unan kay Ventus, may napanaginipan ako pero hindi ko na maalala kung ano yun.
"Oh, maaring maging substitute yan sa sealing," sabi niya at inabot sakin ang crystal na nasa scepter ni tanda.
<Soul Gem of Greed>.
"I see... okay, tara na," sabi ko at tumayo na at nag-unat.
Sobrang gaan ng feeling ko to the point na pakiramdam ko na pwede na akong makalipad.
"Congrats on ascending," sabi ni Ventus at nagpati-una na.
"Oi! Teka!" sabi ko at agad siyang sinundan.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...