Chapter 18

3.1K 163 6
                                    

"Sevilla, tutol pa rin ako sa pagbalik mo sa gamit nila," sabi ni F-guy nang makita niya ako kinaumagahan.

"Kailangan ang tiwala sa alyansa," sagot ko.

"Alam ko pero..."

"Kailangan ko pa bang gamitin ang titulo ko?" tanong ko.

"P-paumanhin," sabi niya

"Ayos lang, naiintindihan ko, nag-aalala ka kay Adelaide," sabi ko dahil in case na traydurin ako at lasunin, mababaligtad ang estado nina Lyfa at Adelaide.

"Handa na kayo?" tanong ko sa apat na nag-aayos ng mga gamit nila.

"Lyfa, di mo kailangang humawak ng pana, puprotektahan kita," narinig kong sabi ni Eriole.

"Kuya, hindi mo ako kailangang protektahan,"

"Prinsesa, wag kang mangamba, kaya ka naming protektahan," sabi ni Zedrick.

"Anong level niyong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Huh? 39," sagot ni Zedrick.

"40," sagot naman ni Eriole.

"... Mas mataas pa pala sa inyo si Lyfa eh, kaka 41 niya lang bago kami gumawa ng camp," sabi ko at napapanganga amg dalawa "tara na, sikapin nating makarating sa village, may chirtso ba kayo?"

"Wag mo maliitin ang AGI namin!" sabi ni Eriole "kaya naming tapatan ang chirtso ng bansang ito sa isang karera."

"Wow... then tatakbo lang kayo, Lyfa, katulad parin kahapon tsaka, ikaw ang translator nila," sabi ko at sumakay na sa chirtso.

*************************************************************************************

Nang magising ako, isang puting kisame ang nakita ko, at bago pa man ako makabangon, napansin ko na agad ang isang kakaibang pana na hawak ko.

"M-mahal na tagapangalaga ng kagubatan," tawag ng isang lalaki kaya agad akong bumangon at nakita ang isang matandang lalaki na may tenga at buntot ng isang fox "tulungan mo po kami," sabi niya sabay luhod, luhod na kung saan ay nakadikit na ang noo niya sa lupa, at pati ang mga nakapaligid ay lumuhod na din ng ganun.

*************************************************************************************  

"Akala ko ba kaya niyong makasabay?" tanong ko sa dalawa dahil papalubog na ang araw ay hindi pa kami nakakarating sa baryo.

"Haah... Haah... totoo ang sinasabi namin," hingal na sabi ni Eriole "sadyang kakaiba lang ang chirtso na sinasakyan niyo," depensa niya.

"Kung sabagay," sabi ko dahil kumpara sa mga chirtso na nakita ko noon sa kapitolyo, higit na mas makapal ang balahibo nila at umaatake sila pagnapapalibutan kami tulad na lang kanina, habang nagtatanghalian kami ay napalibutan kami ng mga <Devil Wolf> at nang may sumubok na atakihin ang mga chirtso ay sinipa ito ng sinasakyan ni Adelaide, pinagaspas naman ng sinasakyan ni F-guy ang mga pakpak at nagsilipiran at nagmistulang de-hagis na kutsilyo ang mga balahibo nito, at kinain ng sinasakyan ko ang umatakeng halimaw, resulta: nagsitakbuhan ang mga <Devil Wolf> at hinabol ng mga chirtso namin.

"Sadyang magiging kakaiba sila, dahil si lolo mismo ang nag-alaga sa kanila," sagot ni F-guy.

"Yung dating tagapangalaga ng apoy?" tanong ko na ikinagulat ng dalawang bago.

"Apo ka ng tagapangalaga?" tanong nila na tinanguan nina Adelaide.

"Nakakamangha... sa bansa namin, katulad na ng prinsesa at prinsipe ang turing sa mga kadugo ng tagapangalaga," sabi ni Lyfa.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon